Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Tuesday, September 27, 2005

11 Days to Go Before My Birthday

tick tock <spoiler> I was this close to pissing myself off this morning.

Mga 20 minutes akong late sa office. An hour and 40 minutes akong naghintay ng sasakyan kaninang umaga. Higit dalawang oras talaga ang pataan ko para siguradong di ako late sa office kaso wala talaga. Nakailang rap number na nga ako sa kalye, eh wala talaga.

Walong bus patungong Cubao ang pinapara ko pero ayaw na talagang humintot't magsakay kasi nga puno na. Lampas 8:40 am na nang ako'y nakasakay sa fx. Nakakapagtaka nga at 4 pa ang kulang na sakay nung fx e kadalasan napupuno na yun mula crossing samin.

Napapamura na talaga ko kanina sa inis sa kakaintay at sa mga bus na ayaw huminto.

Kung mabilis na ang lakad ko sa walkway, mas binilisan ko pa dahil alam kong late na ako. Pero sa kabilang banda, naisip ko na ang isang minutong late ay walang pinagkaiba (ata) sa metrics/records ko for the week. Kaya bumalik sa normal ang paglakad ko. Di ko gaanong inintindi na huli na ako. Wala na rin naman kasi akong magagawa.

Kesa mainis, eh sa walkway ko pinagpatuloy ang pag-hum ko ng kahit na anong kantang maisipan ko. Pinagmasdan ko yung mga ginagawang building sa gilid ng daanan ko. Nakasalubong ko pa nga yung teammate ko at sinabihan ko na late na ako. Kasi pag endshift nya, eh dapat naka-log in na ko. Kaya yung pagkakasalubong namin ay patunay na late na ko.

Kaya pag-log ko dito, more than 20 minutes na akong late. Syempre dumating ako in my most haggard look (Lagi naman, eh. Haha!).

Yung late na 'to, hindi ko inisip ng pa-negative. Maski na hindi ako makakakuha ng award para sa pagiging on-time sa work, oks lang.

Naisip ko kasi na eto pa lang ang pangalawang pagkakataon na na-late ako sa office. Naisip ko din na sa halos araw-araw na lang, lagi akong nagmamadali. Binibilisan kong lumakad para lang makapag-log in ng maaga maski na alam ko na di pa ako late. Ang bilis ko din minsan kumain ng lunch. Ang bilis ko din umuwi. Lahat na lang ata minamadali ko para sa dahilan na matapos lamang ang bagay na yun. Tinatakpan lang ng pagmamadali ko ang mga iniintindi ko. Mas nalimutan ko to take my life as it is. At kung hindi man umepekto yung una kong plan, dapat may plan b o c para handa. O kaya hanapan ng alternative solution.

Siguro nakalimutan ko na na mag-enjoy habang papasok sa trabaho. Dati kasi kumukuha pa ko ng larawan ng mga interesanteng bagay gamit ang phone ko bago pumasok sa office. O, kaya mabagal lang ang lakad ko para di ako gaano pagpawisan at realxed ako pag-log in ko. Sa ganun kasi, naiiwasang maging irate sa customers. Mas nagiging patient ako.

Natanong ko kanina sa sarili ko na kaya ba ako nagtatrabaho para lang magkaroon ng perang panggastos... pambayad ng bills... pambigay sa magulang... masabihan na hindi bum o loser... kasi graduate na ako... para may mapatunayan sa sarili ko at sa mga tao...

Minsan ko lang ma-appreciate yung sarili ko. Ngayon ko lang ulit gustong sabihin na proud ako sa sarili ko... kahit mumunti pa lang ang narating ko... kahit di pa ako fulfilled... kahit pangkaraniwan pa lang ang nagagawa kong difference sa buhay ko.

Siguro yung sinasabi nating direction, eh medyo blur pa din. Maski na 4 yrs na kong naka-graduate sa college. Wala pa din akong concrete na sagot pag tinanong ako ng, "Where do you see yourself 5/10 yrs from now?"

Eh, sino ba ang may kasiguraduhan sa hinaharap? Maski na anong galing ng isang tao, di nya mapipigilan kung magkakasakit ba siya, kung babagsak ang negosyo nya, kung mapapariwara ang isang miyembro ng pamilya nya.

Kasi ngayon maski na madami pang kulang, sulit naman kung anong buhay meron ako. Hindi ko rin alam kung mabilis lang ba akong makapag-cope up sa bagong sitwasyon o ano. Ni hindi nga ako ganun kagaling makisama, eh. Kulang ako sa PR. Pero natutuwa ako sa sarili ko na minsan bigla na lang akong magkakaron ng bagong kaibigan o isang maganadang pag-uusap sa isang kaibigan o sa isang taong noon ko pa lamang nakilala.

Parang ok. Kung ang gusto ng isang tao, eh magkamal ng malaking salapi para sa future nya, eh di sige. Kung sa palagay nya, eh ok na na may titilo na siya o siya ang boss, sige. Kung may tsikot ka na at may pamana na sayo ang magulang mo, sige.
</spoiler>


Sorry. This entry has to be cut due to certain reasons. I just want to end the post with this: I am proud of myself. ;)


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 3:22 PM |

Saturday, September 24, 2005

14 Days to Go Before My Birthday...

tick tock This is not an ordinary countdown towards the day that I would be a year older. From this post til I celebrate my birthday, I would be listing down some things that have/had been beneficial on my personal growth. More of like what happened between the day I turned 23 to the day that I would turn 24.

Ok. Let the ranting begin. Haha! No. I am actually really, really happy. Though I got a very annoying customer on the line before I took my lunch, I am still in that happy mood which I carried over from last night.

I mentioned from my previous post that I've/we've met our former teammates Lea and Nina last Thursday. That made me happy because I, once again, experienced that good-'ol-days syndrome.

Last night, I never thought that I would see Melina, a former teammate as well, at the lobby of our office. Yes, she was scheduled to go out with Ronchie, who is, by the way with our teammate Anne. When Ronchie dropped by the office, he told me that Melina was downstairs. It was, I think, 20 minutes still before I go out from the office. So, the chances of seeing her again wasn't quite sure. I just asked Ronch to say hi to her.

I went out of the office 5 minutes after 7. That's the usual. Then, I saw the three, Ronch, Melina and Anne, at the lobby. I approached them with a big, big smile. Then, Melina did the beso (cheek-to-cheek) thing to me. Medyo na-conscious nga ako kasi di naman ako sanay sa ganun. Hehe. The last time I had that moment was back in 2002. It was more than an exchange of hi's and hellos. It was a talk after every talk. I surely did miss Melina. We were not only teammates but batchmates as well. That's another good-'ol-days moment.

I remember that we went home together once. We walked from our old building to the mrt station. We talked about certain things while walking in the street and riding the train. At first, I never really thought that we would become friends since she's an art major from UP. And you know how "weird" or "strange" art majors are. But glad to say, she's just as normal or more than normal as others.

Did I already say that I miss her? Ok, I am saying that again. She would always tell you how nice your shirt is or how should you react on a certain thing. The best advice that I got from her was this : "Wag kang magpapaapi. Kung hahayaan mo silang ganyanin ka, kakayanin ka lang nyan. Dapat be firm din talaga.." something to that sort.

O, baka kung ano na iniisip nyo. No, we are not romantically involved. Taken na taken na siya. ;)

I joined the three in the cab since they were also headed to the Glorietta area. The talking was non-stop. She was also eager about the lives of the rest that was left in our account. I think they were supposed to have fun at Giligan's. Sadly, I wasn't able to join due to work the next day. And I am sure that I would be subject to intoxication. Baka di na ko nakauwi sa bahay siguro kung nagkagayon. Hihi!

Before I leave them, Melina, for the second time, did that beso thing to me. Naku, Melina ha. Nakakarami ka na. Tsansing na yan, a. Style mo. Haha! No, it was really nice to see girls who do that to their guy friends. You'd feel it's a one of the genuine signs of "i miss you" or "see you around".

As I walk around Glorietta, I was thinking of all the good things that happened to me this week. When I was also standing on the escalator at the mrt, same thought kept circling in my mind. I am, was happy... meeting former teammates.

That brought me to another thought --- got to represent the spirit well. Whatever that spirit is. I am on a high about the meeting. I should be on the same high, if not higher, when promotion proceeds. But I would not want to fall coming from that higher state. That would definitely hurt.

What I have with me are the smiles of the three - Lea, Nina and Melina. I just think how they want me to achieve what I want to achieve... do what I love to do... say what I want to say... practice what I believe in.

The event of meeting them again after several months of not seeing each other was unexplainable. Medyo OA na siguro pero iba kasi yung ngiti. You would know that someone is really there for you amidst the circumstances. The best thing is that they are doing something worthwhile. Also, the excitement they show once they see you.

I am really happy. I could not wait to bond with my other former teammates as well. They made me feel that working wasn't really working at all.

I guess this early, I already received one of my gifts for my birthday. God, you are so-so good.


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 10:44 AM |

Friday, September 23, 2005

Ito Ang Trip



You Should Learn French

C'est super! You appreciate the finer things in life... wine, art, cheese, love affairs.
You are definitely a Parisian at heart. You just need your tongue to catch up...






Your Hidden Talent

Your natural talent is interpersonal relations and dealing with people.
You communicate well and are able to bring disparate groups together.
Your calming presence helps everything go more smoothly.
People crave your praise and complements.





Your Seduction Style: Fantasy Lover

You know that ideal love that each of us dreams of from childhood? That's you!
Not because you posess all of the ideal characteristics, but because you are a savvy shape shifter.
You have the uncanny ability to detect someone's particular fantasy... and make it you.

You inspire each person to be an idealist and passionate, and you make each moment memorable
Even a simple coffee date with you can be the most romantic moment of someone's life
By giving your date exactly what he or she desires, you quickly become the ideal lover.

Your abilities to make dreams come true is so strong, that you are often the love of many people's lives.
Your ex's (and even people you have simply met or been friends with) long to be yours.
No doubt you are the one others have dreamed of... your biggest challenge is finding *your* dream lover.





How You Life Your Life

You seem to be straight forward, but you keep a lot inside.
You tend to avoid confrontation and stay away from sticky situations.
You prefer a variety of friends and tend to change friends quickly.
You tend to dream big, but you worry that your dreams aren't attainable.




Sinubukan ko yang quizzes mula sa blog ni Jaja.

Sunubukan ko din ang site na 'to para malaman ang kahulugan ng pangalan ko (courtesy of Agnes' blog). At eto ang lumabas:

Although the name Arnold creates an interest in the deeper aspects of life, we emphasize that it causes a blunt expression that alienates others. This name, when combined with the last name, can frustrate happiness, contentment, and success, as well as cause health weaknesses in the lungs, heart, bronchial area, and tension or accidents to the head.

As Arnold you have a great love of nature and the out-of-doors, and could have a desire to be in an occupation which takes you outdoors and involves you with the products of the earth. All the finer things of life and beauties of nature are an inspiration to you and you are attracted to the mysteries of nature. Difficulty in expression results in your being too positive, blunt, and candid in speech. Although you are easily offended by others, you do not show it. You crave affection and understanding, but rarely find it as others do not understand you and accuse you of being cool and aloof.


******************

To see what Anne sent me, click here. This another funny flash animation was from Drake.


******************

Ito. Hindi na 'to trip.

Party naHappy, Happy Birthday to the ff: Tagay mo

sept 30 - khristopher (college classmate)
sept 29 - joms (tropa sa college..libre mo kami!), krisch (teammate)
oct 1 - prezy (kaibigan sa college), jaja (pex tropa)
oct 3 - tommy (kaibigan sa college)
oct 5 - rach (kaibigan sa college)
oct 9 - erik (barkada samin)

also to my lolo and cousin, Joan... happy, happy birthday din. Di ko matandaan ang birthdates nyo. Alam ko una lang kayo sakin ng ilang araw. At syempre, sakin din :D

happy birthday to us...happy birthday to us...happy birthday...happy birthday...happy birthday to us... ;)


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 4:34 PM |

Thursday, September 22, 2005

Walang titulo

Lapit na pala ng Oktoberfest, no? Maski na di pa ko nakadalo sa alinmang party nito, masaya pa din ako pag nadidinig o napapanood ko yung ganitong celebration.

Nung isang gabi kasi. eh napanood ko sa tv sa bus yung plug na "10 days to go, Oktoberfest na..." Napaisip ako na ang bilis talaga ng panahon. Nung isang taon lang, sa parehas na buwan, ay may kausap akong isang kaibigan kung pupunta sya sa Oktoberfest '04 celebration sa Megamall. Di ko na din pala namalayan na halos ilang tulog na lang ay babaha na naman ng serbesa sa kalakhang Maynila... at nalalapit na din pala ang aking kaarawan.

******************

Sa parehas na araw at telebisyon nung napanood ko ang tungkol sa Oktoberfest, nagtaka din ako na may black darna din pala. Haha! Hindi ako regular na nanonood ng show na ito. Pero mas sexy ata yung black darna played by Katrina Halili kesa sa bidang darna na si Angel Locsin.

And speaking of Katrina Halili, tingin ko konting panahon na lang at magiging cover girl na din ito ng isang men's magazine. Kadalasan kasi sa reader's section ng mga babasahing ito ay siya ang kasama sa wishlist ng mga tagatangkilik.

******************

Noong isang araw ay nakasalubong ko sa may Landmark yung kaklase ko nung high school. Parehas kami ng pinasukang unibersidad pero lumipat din siya matapos ang unang taon ng pamamalagi dito.

Di pa nga nya ko nakilala. May harang kasing accessories stand sa pagitan namin. Kaya nag-snap na lang ako ng daliri malapit sa tenga nya. Tas sinabi nyang, "Arnold, di ba?" Tumawa lang ako. Sa isang call center din sya nagtatrabaho. At kasama nya nung gabing yun ang girlfriend nya na mukhang ang bata pa talaga. Hehe.

******************

At ngayon-ngayon lamang, kaka-meet ko lang sa former teammates ko. Si Nina lang sana ang sadya namin sa may starbucks. Kaso di pa ko kumakain nun (Alas 4 na pasado kasi kaya tom-guts na ko). Nagkwentuhan muna kami nina Liza at Goldi sa tapat ng kfc. Tas si Lea pala ay andun din kumakain. Ayun, nagulat kami nung lumapit samin kasi ang pagkakaalam namin ay ansa Europa pa siya para sa tour ng kanyang choir.

Kumain muna ako sa kfc. At sa labas na ng kainan namin nakakwentuhan si Nina. Tiyempo din at nagpang-abot pa sila ni Lea.

Kaya ayun, masaya at nakita kong muli ang mga dati kong kasama sa trabaho. Halos 5 buwan din ata kaming di nagkitakita.

******************

Masaya din ako at parang nalalampasan ko na ang isa sa mga bagay na kinatatakutan ko. Yung tipong mas ok na lang napalampasin ko. Kaso natapos ko na yung requirements for promotion. Opo, mga kaibigan. Nag-apply ako for promotion at nag-submit na ko ng requirements sa hr kahapon. Sa halos 2 taon kong pamamalagi dito sa kumpanya, ngayon ko pa lang mararanasan ulit ang magpa-interview. Kelan? Di ko pa alam. Wala pa kong natatanggap na email kung may schedule ako ng interview.

Hindi ko naman minadali ang pag-a-apply. Pinag-isipan ko din naman. Medyo kinakabahan lang talaga ko kasi paniguradong dadaan na naman ako sa panahon na kailangang patunayan ko sa aking sarili, sa departamentong kabibilangan ko kung saka-sakali at sa mga bagong/lumang taong makakasama ko sa pagsasaayos ng aming trabaho.

Sa totoo lang, naiisip ko na baka magkandamali-mali ako sa interview. Mas madami ang negatibo kesa sa hindi. Pero hindi ko din naman malalaman hangga't di pa nangyayari ang araw na iyon.

Basta pagsisikapan kong paghandaan ito at lakas ang aking loob.

Mataas naman ata ang metrics ko. *yabang*


*** God bless sa aming lahat ng mga kaibigan kong nagsipag-apply din. Sana isa sa ating ang maging katangi-tanging QA Analyst. :)


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 4:55 PM |

Tuesday, September 20, 2005

Smirk

For whatever reason it is, I am in a good mood to start my work week. I took a leave off from work last Saturday and the two days following it are my rest days. So, I had three days off the office. Oh, make that three smile-filled days. Hence, the title.

As to what has taken place, see the details below.




  • I'm loving the deo-spray I bought last Wednesday. Actually, it was only my first time to use that kind of anti-perspirant. I just don't like the smell because one can tell that smell is not from a cologne or something. And I think a scent of it mixed with the scent of a cologne or perfume sprayed on my shirt would emit an unpleasant odor. I don't know if using a cologne no more for several months now is a good thing. But still, my virgin armpits had just been devirginized by Nivea Deo-Spray. Talk about late bloomer.
  • I cleaned my room last Saturday and I love how my favorite pillow looks like. There's nothing special in it but... but... I don't know. It's my favorite.
  • The UST Salinggawi Dance Troupe (SDT) won the Nestle UAAP Cheering Competition again. They did it four years in a row now. One of the banners I saw on tv read, "SDT roar "4" more" So, congratulations to SDT and the UST Yellow Jackets. If you haven't catched the event (bleh!) just click this for some pictures. Before you continue reading, let me just yell, "4-peat! 4-peat!... Go USTe!"
  • Same day, Saturday, I went to the supermarket to buy some groceries. I was just wearing a blue basketball jersey and my black P.E. shorts. I usually go there either Sunday or Monday. Since, I have some things to finish on those days, I decided to drop by the store that Saturday afternoon. At the entrance, I saw two of my so-called "friends"/neighbors. I stopped there for a while and smiled at them. The one who used to bully me and think that I am somewhat inferior to him said, "O, Nho. Mamimili ka?" I just gave him a nod. He then said, "May pupuntahan ka dyan?" I just gave him a strange look. He uttered something again that went, "Ano gagawin mo dito?" I replied in my nicest voice and innocent look, "Ano bang ginagawa sa grocery (store)?" I thought that question was so stupid to be asked in the first place. Hmpf!
  • I've seen one of my closest childhood friends, Baldo. He told me they already moved to Novaliches. I haven't seen the guy for more than a year. I was just suprised on the stories he told me. But while we were talking, this stupid "friend" of mine, the one whom I've seen in the supermarket, kept on interrupting us. Both of them are a bit drunk. And I would like to believe on what of the rest of my "friends" say that they miss hanging out with me because I hardly go out of our house. Then, my "friend" told me that he has a favor to ask me. He was asking me for my pants. I said, "Ha? Wala akong pantalon." Then, I turned my back. I thought how could someone be mean to you and suddenly be nice in a very short period of time. I am so tired of making tambay and getting myself drunk without learning something from the conversation.
  • Inside the supermarket, I realized some things. One, I don't remember the last time I've tried Spanish sardines. The cheap sardines which costs only 15 bucks, not the home-made ones which is about more than 5 times the prices of a cheap sardines. Two, I don't also remember the last time I enjoyed a bag of fish crackers. Third, that day would be the day that my tongue would lay on that softdrink can and feel Sprite ice dripping in my mouth. Damn. Vendo machine here in the office never had any stock of it. I've waited for a whole 2 months just to see the difference of it from pepsi ice. Now, I know. But I like both.
  • Written on the jeepney's headboard: "7.50 Dyan lang!" I was controlling myself from laughter because the thought of some people who take a ride and when they pay the fare would say, "Ma, bayad, o. Dyan lang." I was not able to take a picture of that because I left my phone at home. Sayang.
  • Last Sunday, we celebrated our lola's birthday. All of my cousins are there. I enjoyed the food and the videoke. Yes, my tito rented a videoke machine. Sadly, I wasn;t able to sing because I was too shy. But I already have a song of choice just in case my cousins win the battle of my shyness and their persuasion. And that was #1548 - Beauty and Madness by Fra Lippo Lippi. But I wasn't able to share my talent in music that day. Another sayang moment that went down the drain.
  • The egg sandwich spread, which I made yesterday, tastes good. I already told myself that instead of buying a sandwich from the meal provider in the office, I would just prepare my own sandwich at home. Here in the office, it ranges from P35-58. Imagine. Costly. From what I've spent for my own version of Egg sandwich was only a little over a hundred bucks. So, that's sandwich ala Arnold :p
  • While ironing my complete set of clothes that I'd wear this week, I noticed that all of my shorts are in the shade of dark blue. Funny.
  • I am currently updating my resume and this form for promotion in the office. New posting were sent last Friday. The filing of requirements ends on 12nn, Thursday. So, I still need to condition myself on writing my achievements, plans and qualifications. First timer in applying for promotion. I hope to fix everything and meet the deadline. Nervousness comes with virginity, I suppose. Shhhh.
  • I am glad that JB of Pinoy Big Brother has been nominated for eviction. I want him out of the house and the rest of the pa-konyos inside. Also with PBB, I hope the new housemate, Sam, is a slap on Uma's face.
  • Survivor Guatemala has been aired last Friday but I wasn't able to catch it. I know I would not be able to watch it due to work. Same thing with the new season of Amazing Race.

xtra:

Happy, happy birthday to the following: On Sept 11 (belated) Brian (childhood friend);Sept 16 (belated) Carol (college tropa); Sept 17 (belated) Pareng John (kilala talaga ko nito. Ang aming spiritual adviser, ernie baron, computer instructor, slipped notes writer, source of pichi-pichi at presyong jollibee-ng pancake house na tropa sa ust); Sept 25 Jane (supervisor), Rich (former teammate),Judith (my cousin), Joel (Judith's kuya, pinsan ko din, syempre).


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 3:56 PM |

Tuesday, September 13, 2005

Another Sayang Moment

Here are a couple of pictures from the party that I was suppose to attend last Saturday. Wala kasi akong kasama. Kaya di na lang din ako pumunta. Sa Arkadia, Malate kuha ang mga 'to.



21st birthday





down and dirty daw ayon sa kanya

Wala akong masabi sa picture na 'to. Ang tulis mo talaga. Parang di ka masyado nag-enjoy sa party mo, a. Haha! Sana may treat yung di nakapunta. :p Uhm, sino ba dyan si... :D

Almost 2 years na kong alcohol free. Kala ko ba naman may reason na kong mapainom maski na konti. Kita ko dun sa ibang pix may mga bote ng San Mig light e. Maski na di ko masyado gusto lasa nun ok na din. Tas mukhang ok pa yung bogchi. Kaso wala talaga. Busy si Jaja at Mayk. Kainis tong dalawang to. Di pa ko nakakapasok sa alinmang gimikan sa Malate no. Maski na dinner lang. Kayo sana ulit ang una kong kasama dun.

Pero baka sa bday ni Jaja, eh manlibre naman siya. Oist Jaja! Yoohoo! Alam ko nababasa mo to. Manlibre ka :p

******************

"Gusto ko lang sabihin na importante ka sa akin. Sana huwag kang mawala." Kung nabasa nyo yung previous posts ko tungkol sa text messages, eto ang kasunod nun. Sayang at bad trip ako ng araw na iyon kaya di man lang ako nakapag-reply sa kanya. Kasi parang forwarded message, eh. May kadugtong pang, "Send to the people important to you..." Haayy.

******************
OT:
Happy, happy Birthday Many more to come to my LOLA, Amada V. Cruz, today. Next Sunday pa yung celebration. Sayang wala akong picture nya para mai-post ko din. Last Sunday ako pumunta sa kanila kasi akala ko na yung araw na yun magse-celebrate.


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 3:52 PM |

Saturday, September 10, 2005

Random Thoughts XX

* Nakainom na ko nung Coke "sakto" habang naghahapunan ako sa post na ito. Ito yung nasa maliit na bote tas limang piso lang sa tindahan. Di naman siya ibang variety (vanilla, ice, etc.) nito kundi sa size o ounce lang nagkatalo. Pero ang cool nung bote. Parang old school Coca Cola. Gusto ko nga itago yung bote kaso hiniram lang yun sa tindahan, eh. Mukhang vintage pa naman. Sayang.

* Nung nakaraang Sabado, naibili ko na ng tsinelas yung 2 kong kapatid, yung kamukha ng sa akin. Kaso mas mahal na ngayon kasi wala nang discount/promo sa sports house na yun. At medyo natagalan ako sa pagpili para sa tamang size at ayos na kulay ng strap. Pero ang mas nakakatuwa dito ay yung text message sakin ng isa sa mga kapatid kong binigyan ko nun. Ang text nya, eh,
"Kuya, salamat s tsinelas... E2 n nga pla bago q #"
Hindi kasi kami close nyan.

* Hindi pala kami makakapunta mamayang gabi sa birthday party ng kaibigan namin. Di kasi masyado naayos at nagpag-usapan. Tsaka busy din lahat.

* Mula naman sa post na ito, medyo maganda ang araw ko. Kasi may natanggap na kong 2 text messages kagabi. Tapos isa kanina. Pero di ba nga sabi ko na gusto ko pa munang single ako. Sige ka. Baka mamaya mahalin na kita. Haha!

* Hindi ko alam kahapon kung ano ang nakakatawa sa suot ko. Kasi pagkatapos kong mag-submit ng ilang forms sa HR, eh napansin ko na parang pinagtatawanan ako ng 2 janitor na kasabay kong naghihintay ng elevator. Tinuturo ako nung isa gamit ang kanyang nguso tas sabay silang ngingisi. Ibig ko na ngang sabihin na, "Ang guwapo ko no?"

* Kahapon sa may elevator ulit. Nung 12 am pa ang shift ko, eh palagi muna kong natutulog sa sleep room sa luma naming bldg noon. Madalas kasi na ang dating ko sa work, eh 9pm. Kaya pagkatapos kong kumain, eh natutulog muna ko. Isang gabi ay naalimpungatan ako't may nadinig akong umiiyak. Alam ko lalaki yun kasi nung hinanap ko kung san nanggaling yung tunog, eh nakita nya ko tas nagtakip ng kumot. May stuff toy na Jack Jack (the Incredibles) sa may ulunan nya katabi ng kanyang bag. Tas kahapong papauwi na ko, may nakasabay akong may dalang Jack-Jack at kumot. Dun sya sa 3rd floor bumaba. Eh, andun ang sleep room ng bago naming bldg. Naisip ko kung iyun ba yung umiiyak noon. Siguro ang makapagsasabi lang sakin ng sagot, eh si Jack Jack. Haha!

* Parang nagsawa na ko kumain sa may RC. Di sa pagkain kundi sa lugar. Oo nga't makasasagap ako ng sariwa't may pagka-polluted din namang hangin. Basta makalabas lang ng office para bagang breather lang para di nakakainip. Pero tinatamad na kong um-order, umupo, kumain tas sibat na. Isa sa mga bagay na ginagawa ko na routinary na nakakasawa. Kaya nitong work week na 'to, eh halos take out na lang ang ginawa ko at sa pantry na lamang kumain. Ngunit sayang ang P2 bayad sa styro nila. Sabi ko pa naman napamahal na sa akin ang RC at mukhang ibinablik nito ang alaala ng college. Pero bakit ako nababato?

* Malamang na birthday celebration ng lola ko sa Linggo kaya uuwi kami sa kanila. Ilang minuto lang naman ang biyahe. Nakakainip kasi sa lugar nila. Kaya madalas, eh nauuna na agad akong umuwi. Pero masaya naman dun at nandun ang halos lahat ng mga pinsan ko. Alam ko, eh 84 na ata ang lola ko. Madalas kasi nyang sinasabi na 1 taon lang ang tanda nya kay JPII.

* Ang cool tignan ng bohemian na porma. Parang reggae/gypsy/pirate ang dating. Basta parang ang kulang na lang na mangyari ay umihip ang malamig na hangin sa tangahaling tapat, yun ang kukumpleto sa porma nila. Kaso nagiging masyado nang commercial. Halos ang mga malalaking malls, ganito ang nakasuot sa mga manikin at naka-display. Halos araw-araw ay may mga babae din akong nakakasalubong na halos ganito ang dating. Halos sayad na sa lupa ang palda. Magandang tignan. Kaso nakakasawa kung araw-araw kong nakikita. Gandang tignan nung mga nakaganito na simula noon pa ay trip na nila ang ganitong porma, hindi dahil uso lang. Haay, pop culture - mahal pa naman kita.

* Nagsisimula ko nang hanap-hanapin ang lasa ng pan de sal ni tita.. err, that sounded bastos, man! Haha! Seriously, mas masarap ang pan de sal ng isa sa mga kamag-anak namin kesa dun sa isang bakery na matagal na naming binibilhan. Mas malambot. Mas mabango. Mas malinamnam. At higit sa lahat, environment friendly ang lalagyan kasi nasa paper bag. Syempre mas tatangkilikin namin ang sariling amin.


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 3:28 PM |

Friday, September 09, 2005

Wet Wet Wet

Walang sinabi ang isang basang sisiw sa akin kagabi.

Nakinikinita ko na na malakas ang ulan. Medyo kumikidlat kasi sa kalangitan noong naglalakad ako sa walkway kahapon. At nang malapit na ako sa Greenbelt ay nagsimula nang humamog. Mas lalo akong nagmadali sa pag-aakalang malakas ang ulan sa aking patutunguhan --- Cubao, kung saan naroroon ang terminal ng aking sasakyan.

Ngunit ako'y mali pala. Marahil ay mas nauna nang inulan ng Cubao kaysa sa Makati. Medyo tuyo ang kalsada ng EDSA kagabi. Natiyempuhan pa na hindi ko na kailangang maghintay ng bus o fx dahil may dumating na agad na bus patungo samin. Wala pang gaanong sakay kaya naman ay nakapamili pa ako ng ayos na pwesto at nakapagpahinga na din. Napuno din ito habang kami ay papalapit na sa expressway.

Matiwasay naman ang biyahe. Umulan na lamang pagkatapos ng mga ilang minuto mula ng pumasok na kami sa Bulacan. Inisip ko na baka doon lamang maulan at sa amin ay hindi. Kung umuulan man ay may kahinaan o pasimula pa lamang. Mali na naman ang aking hinala.

Ang pagkalakas ng ulan ay nagdulot na ng baha sa kalapit baryo namin. Inisip ko na din na di maaaring wala pang baha sa lugar na bababaan ko --- eskwelahan.

Nagpaabiso na ako sa kunduktor ng bus na kung maaari ay doon na lamang ako ibaba sa may gasolinahan dahil malalim na ang tubig sa may eskwelahan. Sinabi ko na din na doon na lang ako ibaba sa baryo na susunod sa amin upang sumakay na lamang ako ng tricycle pauwi. Ngunit masama yata ang timpla ng kundoktor at doon na lamang pinahinto sa driver ang bus. Bumaba na din ako sa pag-aakalang mayroon akong masisilungan. Mali na naman ako. Di lang umaanggi sa may gasolinahan, baha pa.

Kalalapag pa lang ng mga sapatos ko sa aspaltong daan ay para na akong binuhusan ng isang timbang tubig sa lakas ng bagsak ng ulan. Wala na akong nagawa kundi magpatuloy nang lumakad. Hinibad ko na ang aking mga sapatos at medyas. Nabasa na din sila ng tubig. Di lamang tubig, nag-amoy gasolina pa sila. (Bakit ba kasi doon ko pa naisipang bumaba, eh?)

Hindi ako magkamaliw kung ano ang una kong aayusin sa mga dala ko. Ang aking telepono ay nasa bulsa ko at tila basa na rin. Kinuha ko ito at isinilid na lamang sa aking bag. Ang aking isang medyas ay isinilid ko sa loob ng aking basang sapatos. Bumalik pa nga ako sa may gasolinahan nang mapansin kong wala ang isang pares ng medyas ko. Tutal basa na naman ako, wala nang tuyo sa akin na iniingatan kong mabasa. Ang aking pantalon ay basa na ng tubig-ulan at baha.

Pasalubong sa mga sasakyan kong tinunton ang gate ng eskwelahan. Habang umaabante ang mga sasakyan ay di na rin naiwasan na matilansikan ako ng tubig. Basa na nga, lalo pang binasa.

Mga ilang metro pa lamang ang layo ko sa gasolinahan ay biglang kumidlat at parang naapektuhan ang posteng malapit dito. Grounded ata. Nagulat at natakot din ako dahil kalapit ko lang yung poste. May konting siklab kasi akong napansin. Naisip ko na kung kumidlat at sa akin tumama o biglang malagot yung kable ng kuryente habang nakalusong ako sa baha. Patay kang bata ka.

Mula highway hanggang bahay ay nakatapak ako. Leptospirosis. Tibo. Pako. Wala yan. Wala akong magagawa.

Naligo ako pagkahubad ko ng mga suot ko. Polo ko, basa. Sando ko, basa. Medyas ko, basa. Pantalon ko, basa. Shorts ko, basa. Pati ba naman brip ko. Haaay, walang ligtas sa lakas ng ulan.

Mga ilang minuto muna ang aking pinalipas bago kumain ng hapunan. Dala ng aking ina ang aking kakainin. Galing kasi siya sa bahay ng aking lola. Bingyan din ako ng aking ate ng ulam nila habang ako'y naghihintay.

Sabay ang pahinga, panonood ng telebisyon at pagkain ng embutido at ginisang munggo kagabi. Medyo pata na din ang katawan ko. Palalim ang gabi at palalim na din ang tubig sa labas ng bahay. Mayamaya'y lalakas kapagdaka'y titila ang ulan. Salamat na lamang at di pinasok ng baha ang aming bahay kung hindi ay magdamagang limasan at lipatan ng kagamitan ang mangyayari.

Ngayon lamang ako muling inabutan ng ganito. Nung huli ay noong kolehiyo pa. Yamot lamang ako't nabasa at nag-amoy gasolina ang aking kaisa-isang puting rubber shoes. Kinabahan din ako dun sa kidlat. Alangan din ako sa kung ano ang maaari kong matapakan sa daan. Madaming aso sa lugar namin kaya naisip ko din na baka mayroon akong masalisod na isang bagay na may kalambutan.

Isang karanasang matatawa ako kapag naalala ko. Ulan, baha, basa...basa, baha, ulan. Ngunit ang baha, humuhupa. Ang ulan, tumitila. Ang basa, natutuyo.

Salamat at maaliwalas ang paligid ngayon kahit na makulimlim.


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 12:19 PM |

Wednesday, September 07, 2005

Hit and Miss

Text. Nill. Updates. Nada.

I was glad when you said, "Yes, of course." after I asked you if you really miss me. But now I've been sending loads of messages but I got no single reply. Deym. Alam mo naman na di ako ma-text na tao pero para sa'yo maski na text marathon, ok lang.

Ayos, sige. You miss me. But that was your message almost two weeks ago pa yata. Sguro nga ang kulet ko. Kasi nag-text pa ko ng makailang ulit nung wala akong natanggap na reply sayo. Nag-text ulit ako nung sumunod na araw. Quote na nga lang ang tinext ko, wala pang reply maski na isa ring quote na paulit-ulit nang nase-send maski na sa inbox ng ibang tao. Maski mag-forward ng message na na-send mo na sakin, di mo pa din ginawa.

Bakit kaya di na lang kita tinawagan nun, no?

*batok sa sarili... ang hina mo, pare koy...*

I should've called you.

*said that line in a very conyotic way while looking at the window overlooking the cityscape... sabi na ngang ang hina mo, pare koy, eh*

Ok. Walang text. Walang email. Walang ha. Walang ho.

Nami-miss mo kaya ako ngayon. Yung ngayong oras na ito habang nagta-type ako ng isa pang entry. Ano na kaya ang ginagawa mo? Paniguradong nagmerienda ka na. Kanina ka pa sigurong umaga nakapaligo. Baka naligo ka ulit ngayong hapon kasi maalinsangan sa labas. Dito kasi sa lugar ko ay may kainitan.

*Whoa! Is it just the weather or is it me? haha!*

Eh, ako kakatapos ko lang kumain dito sa pantry samin. Bicol express at isang rice. Di ko nga alam kung isang cup nga yung rice na yun, eh kaso sobrang bitin ng kinain ko. Gusto ko sanang tignan ang telepono ko ngayon para i-check kung kelan pa yung huling message mo sakin.

You know what, love is a strong word. So strong that it could break your/my/our heart/s. Buti na lang. Yun lang. Buti na lang.

Hmm, ayaw talaga kitang tawagan, eh. Sa lahat ayoko yung nagna-nag tas ako tatawag hangga't sagutin mo? Lalo naman siguro kung magpa-miscol ako. Baka lalo ka lang mainis sakin. Mainis? Teka. Inis ka na ba sakin kaya parang wala lang ang estado natin ngayon? Hmm, ulit.

Mag-headbang man ako sa background music ko ngayon, eh di pa rin maalis yung thought na wala. Wala talaga. Wala pero andito sa loob ng utak ko. Yung kawalan ng oras. Bwiset. Nag-demand na naman ako.

Romance. Malabo-labo. But why do we keep updating each other with each others life? Bakit nga kaya? To the point that we become so used to it. Afterwards, we would text each other those, "Musta na?" which figuratively means "I miss you." And when any one of us replies, "Ok lang. Ikaw kamusta na?" that, again means something else (which could be "I miss you more.")

May pagkakataon kaya na isang gabi, eh naghihintay ako ng text sayo tapos ikaw din pala, eh naghihintay ng galing sakin. Yung tipong sabay tayong nag-aabang ng balita o pngungulit mula sa bawat isa. Pero mas pinili pa din natin na tikisin kung anuman ang gustong mensahe nating ipabatid sa kabilang linya. Ang resulta --- parehas tayong di mapakali.

Siguro nga I'm too boring for you. Kung bored ka nga nung araw na yun, eh what's the use of texting a boring person like me? Double boredom? Siguro nga I'm not that stimulating kasi I switch to a more serious topic most of the time. Lihis na lang ako ng lihis ng usapan kadalasan.

Magkaibigan na nagpapakiramdaman... naghihintayan... Pero hanggang dun lang yun. Hindi ko kayo kayang guluhin ng mukhang nakikipagbalikan sayo. Kilala mo naman ako.

I'm not ready.

*pambihirang dahilan yan, oo. Buset.*

Heto. Isang pangungusap na lamang bago ko tapusin ito.

Nadale mo na naman ako.


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 3:29 PM |

Five Minutes of Fame, baby!

Di ko matandaan kung sino ang nagsabi na sa bawat tao, mayron siyang five minutes of fame sa buhay nya.

Naalala ko tuloy yung mga nangyari sakin na kino-consider kong limang minuto ng kasikatan ko. Eto't iisa-isahin ko.

1. Nung graduation day nung Day Care (kindergarten ata ito nun) ako. Ako kasi yung first honor. Eh, kung 1st honor kadalasan ikaw yung may special number. Kaya nagsayaw ako ng Arico Mambo. Naka-white long sleeves (trouvenice.. di ko alam spelling.. ata tawag dun) ako nun tas may botay (butterfly) ako at yung sampaguitang sinasabit sa graduates. Tas yung mga back up kong babae, eh naka-makulay na suot. Tas habang sumasayaw, eh nawawala ako sa pwesto. Palagi akong nauusog sa dulo ng stage. Kaya para di ako mahulog ay binibuhat pa ko ng teacher ko nun at ibabalik ako sa pwesto ko. Kaya medyo nakakatawa din.

2. Ang paglabas ng picture namin sa isang pa-tweetums na babasahin. Debut party yun ng kaibigan ko sa college at na-print sa magazine na yun ang iba sa highlights ng debut nya. At andun ako. At may kopya ako nung magazine for remembrance. hehe.

3. Nung college naman, eh sumali kami sa dance contest. Dancin'99 yung project na yun ng dance troupe ng college namin kung saan ay naging kasapi din ako. Sa contest na ito, eh natalo kami. Baduy na ang music, baduy pa ang costume. "Larger Than Life" by the BSB tas yung costume pa namin, eh medyo futuristic. Medyo kinopya namin yung idea sa video. Basta natatawa ako pag naaalala ko ito. Pero dito sa contest na ito na-tap yung talent ko at nakilala ako ng mga classmates ko na sanay sumayaw.

4. College, year 2000. Bawat org ay may ipe-present na production number para sa Pharmacy Week. Ayun, para sa org namin, kumuha ng representative bawat year level. 2nd yr ako nun. Bale, 6 kami galing sa class namin. Medyo sexy yung sayaw kasi "Waiting for Tonight" yung tugtog tas may pahaplos-haplos pa sa katawan ng partner. Nakaka-conscious. Haha. Pero yung number namin ang pinakamaganda kumpara sa lahat. Maski na ikumpara pa sa sinayaw ng dance club. At nadinig din nung mga kaibigan kong babae na may nagtatanong kung sino ako. Naks.

5. College, year 2002. Ako yung captain ball sa men's volleyball ng course namin. Kaya ako ng napili kasi member ako nung champion team nung 2000. Tsaka wala na ding kumuha ng responsibilidad. Kaso kulelat kami. Hahaha! Kasi kulang din kami sa players at walang practice. Yung players ko, player din ng basketball kaya hati. Nung unang game against Pharma, eh nag warm-up muna kami. Tas lumapit sakin yung isang official at tinanong kung varsity ako. eh, hindi naman kaya sabi ko hindi. Bawal kasi maglaro ang varsity player, eh. Deym, di naman ako magaling. *pa-humble* Di nga. Simpleng manlalaro lang ako.

6. At kahapon lamang. Nag-shoot ng video yung mga tagadito sa company para sa ipalalabas ata nila sa mga booth pag may job fair. Ngayon lang din ako nag-participate sa program ng company. No choice din sila kasi sup ko yung namili na hiramin nila ng ilang minuto para sa shoot. Sobrang liit lang nung "role" kasi nakaupo lang ako. Di man lang ako sumali sa acting ng pagtaas ng kamay o pagtatanong. Pag tapos na yung video gusto ko din namang makita kasi bad hair day ako kahapon. Hehe. Sa mga kakilala ko, naka-blue ako nun at nasa conference room kami. Pag may nakita kayong booth ng company namin, check nyo na lang. Teehee.

Tingin ko hindi lang limang minuto ang naka-alot para sa isang tao, eh. Higit pa dun. Maski na yung best of the best of the five minutes of one's life, more than five minutes pa din yun.

Pero tingin ko, hindi pa sa mga nabanggit ko natatapos ang five minutes na yan, eh. Gusto ko pang makapag-record ng kanta para sa isang indie* band.. maka-extra man lamang sa isang indie* film o pelikula ng Unitel.. ma-record ang isa sa mga nasulat ko nang tula tas lalapatan ng musika.. ma-publish ang isa kong tula.. lumabas sa isang commercial.. mag-perform sa full circle.. kaso lahat ng nabanggit ko, eh halos lahat kailangan ng camera. Di pa naman ayos ang rehistro ko sa tv. Huhu.

Limang minuto. Pero limang minuto lang kaya talaga?



*alam kong nagiging parang common na ang pagsasabi ng indie ngayon. kasi kadalasan para maiba lang at tawaging "artistic" ka e babanggit ka ng indie. hindi ito ang post ko para makipag-debate kung ano nga ba ang indie o hindi. basta sakin ang indie, pelikula man siya, musika o kung anupaman ang pwedeng ibigay na halimbawa na saklaw ng salaitang ito, ay ang malayang paghahayag ng kung ano ang nais ibahagi ng lumikha sa kabila ng kakulangan sa kagamitan. Ito rin ay ang pagtangi ng isang likha sa labas ng isang malaking kumpanya na may kakayahang pagalawin, pasunudin at pabagsakin ang isang industriya sa kanyang ayon. Ang indie ay para sa may ayaw at may gusto nito.


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 12:07 PM |

Tuesday, September 06, 2005

Happy, happy Birthday to my MOM!!! Happy, Happy Birthday!!!

She'd be spending her birthday with my siblings. Actually, she'd be sleeping at their apartment tonight. So, it would only be me and my two pieces of lumpia for my dinner. I'm just wandering what would they be feasting on. Hmm...



****************

It's also my friend, Jomark's birthday today. He's inviting us in his birthday party this coming Saturday. I told him I would contact some of our friends. But if we won't be able to make it, I asked him to just send some pix thru email.

Jaja and Mayk, kung nababasa nyo 'to, punta ba tayo?


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 3:21 PM |

Saturday, September 03, 2005

I have ___ on Q

Sabi ni Krish aka Kim na ita-tag daw nya sakin yung mahabang "survey" na ginagawa nya kahapon. Eh, nag-check ako ng blog nya, tas wala namang tag. Pero gagawin ko na din kasi ganti daw nya yun sakin sa pag-tag ko sa kanya ng makadalawang ulit. Pero hindi naman ito tag. Ala autograph ito nung elementary days. Haha!

Mamaya o sa susunod may post akong iba. Pero hangga't di ko pa nalilipon ang lahat ng thoughts ko, eto na muna na ang pang-unang post ko sa araw na ito.

1. Do you have nicknames? yep. Tambay nic ko samin, eh, "Nho" (not pronounced as "no" as in "yes or no".. lagyan mo ng impit sa dulo) sa net naman, "Arn" sa previous job ko, "Arn" din.. dito sa present work ko, "Arn" din na ang nagpasimula ay ang batch nila Mitch at Ice.
2. Age? 23
3. Gender? M
4. Birthday? see my sidebar :p
5. Zodiac sign? Libra.. hint na yan sa birthday ko.
6. Where do you live? Sa bayan kung saan nanggaling ang ilan sa magigiting nating mga bayani at mahuhusay nating mga mataka, Malolos.. at sa lalawigan naman na sinisimbulo ang isa sa mga sinag ng araw sa watawat sa pagtatanggol sa kalayaan ng bansang Pilipinas, sa lalawigan na dalisay sa yamang kalikasan at pinagkukuhanan ng suplay ng tubig ng Kamaynilaan (hehe!), sa Bulacan.
7. Have you been in love before? next question pls :)
8. What's your favorite color? colorS...black, white, dark blue, dark green.. basta dark
9. Do you have any piercings or do you want any? left ear
10. Which is your favorite song right now? waiting in vain - bamboo, until you comeback to me - camille velasco, pinoy ako - orange & lemons
11. Do you have a tattoo or do you want one? i was suppose to get one back in oct last year.. kaso nagka-lower back "injury" ako.. e dun pa man din dapat ako magpapalagay.. naka-set na nga yung date kung kelan kami pupunta sa artist.. so yun, isip ko sign yun na dapat di ko na ituloy.. tsaka pagtinuloy ko baka kung ano mangyari kasi masakit yung low back ko nga.
12. Where do you shop most? sm west kasi kabisado ko na, glorietta kasi malapit sa office, ukay samin
13. What's your hair color? dark brown ata kasi madalas tinatanong ako ng naggugupit sakin kung nagpakulay ako ng buhok e.
14. Eye color? dark brown din ata.
15. How tall are you? a little over 5'7"
16. Do you use drugs? to cure something, yes.
17. Do you smoke? I've been nicotine-free for almost two years now. But i know i am a passive smoker. Kaya screw those who smoke in puvs and non-smoking areas.
18. If yes, which cigarettes? marlboro (pula) is ok. di ko alam ang difference ng lasa.
19. What kind of music do you like? mostly hip/hop, rnb, acoustic, pop/rock, "indie", OPM... basta hindi hardcore metal na puro sigaw lang, country at operatic.
20. Who are your best friends? dati di ako naniniwala sa best friends til nakilala ko yung tropa ko nung college *insert humihikbing smiley here* kung may best friend kasi ibig sabihin may worst friend.. wala naman sigurong worst friend. Basta pinaka-close ko nung college up to now, e, sina John, Joms, Kookai, Margaux.
21. Who are your best "online" friends? Ah, yung mga taga-messageboards na umabot pa sa ym, eb, text, emails, blogs at updates sa buhay ng bawat isa. Halos counterpart na sila ng mga barkada ko sa college.
22. What kind of make-up do you use? make-up ba lip balm?
23. Which shampoo do you use? head & shoulders at palmolive aroma therapy
24. Is your hair long or short? long daw pero sakin short to.
25. Do you like shopping? kung tabi-tabi yung stalls na may mga astig na gamit, oo.
26. What do you do to have fun? blogging, IM-ing, messageboarding ay fun na para sakin.. boring ba? i also meet up with friends for a dinner ocassionally. Siguro kung meron akong sariling pc at digicam mas funner..er.. funnier? haha. Basta anything to do with nature, people and everything in between, yun na.
27. How many phones are at your home? landline, eh wala na. salamat at wala na.
29. What do you usually do during weekends? soundtrip, tv surfing, foodtrip, rest, do some household chore, buy some groceries, text some friends.
30. Do you sleep on your back, side or belly? back and sideways
31. Do you sleep with a stuffed toy? nope.
32. Do you sleep with lights turned on or off? off
33. What's your favorite movie? one of them is "the cure"
34. Which perfume do you use? ubos na, e. pero ang binibili ko e yung versions lang ng designer perfume. yung huli ko ay yung version ng issey miyake.
35. Do you have an own phone? mobile, oo. at ako ang bumili nun.
36. If yes, what's the number? 0920.blah.blah.blah.blah.
37. Which words do you say most often? "para tong sira.","alam mo yun?" Tagalog version ng, "you're crazy." at "you know" respectively.
38. Are you serious, shy, friendly or naughty? all four. imagine a whole pizza.
39. Which car would you like to have? i don't like driving. pero kung bibigyan ako ng kotse gusto ko yung ok yung takbo at sound system.
40. What is special about your school? sa high school, medyo seminary (all boys school) yung set-up.. pinaka-ok dito yung programs lalo na pag Foundation Day.. tska yung "katkatan" ng buhok pag medyo mahaba na ang buhok ng estudyante... sa college, yung environment at location.. yung tambayan at conversations pag break ng estudyante.. yung relationships na nabubuo..
41. Are you funny or strange? parehas din e.
42. What was the most embarrassing moment in your life? nung sinilid ako sa sako ng tatay ko kasi ayokong pumasok nung Gr.1 ako.. nilipat tuloy ako ng ibang school.
43. If you had 3 wishes, what would they be? 1.) be rich 2.) revive/resolve/repair broken relationships 3.) let every person find what would complete them.
44. Do you want to get married? later
45. Do you pray? yes
46. Are you a righty or lefty? righty
47. Favorite name for a girl? andrea (maski na matanda tas ganyan ang pangalan, ang classic ng dating), paris (si tweety de leon ang naiisip ko pag naiisip ko ang pangalan na yan.)
48. Favorite name for a boy? travis (baka maging rockstar ang anak ko), paul, mark, matthew (from the Bible)
49. Have you ever tried to kill yourself? i tried not to breathe for a few seconds. i always thought that i'd die young, for strange reasons.
50. Do you have any siblings? 3 - original, 4 - half.. so, that makes it 7.
51. What's the first thing you notice about the opposite sex? the manner of walking
52. Do you like to play tricks on other people? sa close friends..
53. What was the craziest trick you ever played?
54. What's your favorite class at school? laboratory classes except biochem
55. What time is it now? 11:13 am
56. Do you want to study at college/university? done
57. To which school do you go to? i failed the UPCAT, I passed the entrance exam od Mapua, I failed my top choices in USTET. Still, I went to UST.
58. What degree did you earn? B.S. Bot. At abolished na yan ngayon.. sama nila no? haha.
59. Do you like your classmates? maski may division, team naman kami pag may activity o fieldwork.
60. Do you like video games? nung elementary days. Nintendo, game and watch at yung hinuhulugan ng piso. pero sa arcade ngayon, ayoko. Nakakahilo at nakakaduling.
61. Do you sleep a lot? nope.
62. Do you get along well with your parents? i am the eldest. usually, the eldest in a family stands up on his/her own. And parents don't like decisions made by you alone.
63. Have you ever lied to them? yes.
64. If yes, why? more than being their son, I am a person, an individual.
65. Are you rich, poor or in between? just fair
66. How many rooms does your house/flat have? 4.. but i'm planning to have our own. I'm pissed by one of my half-sibs.
67. What do you want to become? I want to become that person whom God destined me to be. nakanam.
68. How does your room look like? lumipat kasi ko dun sa room na karamihan ng nakalagay ay libro e. di ako studious pero kasi andun sa kwarto ko yung ate ko habang hindi pa tapos yung bahay nila. tsaka wala akong pakialam sa itsura ng kwarto. ang importante sakin ay yung gamit. aba, may vcd player ako sa room ko maski na wala akong tv a.. haha.
69. What color is your toothbrush? white/blue
70. Do you have a job? oo. harinawa'y nakakatulong ako sa ekonomiya ng Pilipinas.
71. Favorite fruit(s)? manggang hilaw
72. Favorite vegetable? kangkong, petchay, dahon ng sili na nasa tinola
73. What was the best day in your life? March 2002
74. Are you mommy's little girl/boy? nope
75. Are you daddy's little girl/boy? nope
76. Do you play a musical instrument? sayang nga at hindi.
77. Who is the cutest boy? i wish i'd have a son as cute as jonathan lipnicki or aaron hunatas. When i was a kid, even up to now, I'm cute. ;)
78. Do you wear nail polish right now? nope. but black nail polish is cool. rock steady.
79. If yes, which color? -
80. How many rings/bracelets are you wearing right now? none
81. What's your favorite toothpaste? basta mint
82. Are you tired? of?
83. Do you have any scars? most favorite (haha!) e yung nasa right eyebrow kasi nakuha ko yan nung tumama ako sa kanto ng stairs sa may flag pole ng public school samin ng itulak ako ng pinsan ko.
84. Have you ever cried because of the opposite sex? eto hindi ako romanticaly involved a.. January 2003 e nagsusulat ako sa bday card para sa barkada kong si kookai.. tas yun, umiiyak ako at may sounds pa nga e habang nagsusulat. kaso di nya natanggap yung card nung i-mail ko. haaayyy.
85. Do you like lollipops? dati yung may bubble gum sa dulo ng candy tas nilulunok ko yung bubble gum. tsaka yung lollipop na may sawsawang maasim na apple powder.
86. What are you thinking right now? my sore lips este tongue pala. ang hapdi. hirap kumain.
87. Without looking, what kind of underwear are you wearing right now? i only wear one kind of underwear at di ko sasabihin.
88. What makes you laugh? old pictures.. pagkikita ng barkadang matagal na di nagkita.. "corny/mataray" na blog/messageboard posts.. mayabang na napahiya.. careless na napahiya..
89. Who's your favorite teacher? sa elem, si miss gareza.. magulo ako dati kaso nung ipatawag nya tatay ko naging introvert talaga ko.. kaya naman ngayon miss pa din siya.. hehe.. sama ko... sa h.s., si fr. pablo kasi minsan pag may gagawin akong di maganda yung tinuro nya sa values ed ang naiisip ko tas prefect of dicsipline pa namin yun nung h.s. kaya nasanay talaga ko na may sinusunod na rules.. sa college, si doc ed (nakakatuwang nakakatawa, galeng) at dr. rotor (young at heart at multi-talented.. galing sa photography, poetry, pagtugtog ng violin, makisama..).
90. Do you have a driver's license? nope. i can't drive.
91. With how many pillows do you sleep? 5.. dati nga 6 yan e.
92. What are your favorite holidays? Christmas kasi nagse-celebrate na kami ngayon di gaya dati nung namatay ang tatay ko.. New year kasi after ng pagka-"solemn" ng Christmas, party naman na parang walang humpay ang kasunod.. mas lively..
93. What did you do last summer? work. dati nung may school, beach agad.
94. Did you cry last week? nope.
95. Where were you born? bulacan.
96. Have you ever lived somewhere else? sa bahay ng lola ko mga 2 bayan ang layo sa bahay namin.. dun kasi ko tumira nung dun ako ilipat nung Gr.1. Tapos, every Friday e susunduin ako para umuwi samin. Naaalala ko pa na pag Biyernes daw pagkagaling ng school nakaabang na agad ako sa gate ng mang-lola ko at nag-iintay ng sundo ko. Tas pag ihahatid naman ako ng Lunes ng umaga dun para sa start ng school week, eh nagwawala ako pagsakay ng tatay ko sa tricycle at uuwi na. Humahabol kasi ko nun.. 1 yr akong nag-apartment sa cataluna St, now GM Tolentino, nung 1st yr college.
97. What's your favorite Disney movie? Snow white kasi classic.
98. Do you collect anything? happy meal toys, cds, vcds, tapes, books/articles/features about poetry/art, pictures of anything that interests me.
99. What does the opposite sex lack? independence. Almost all couldn't live a day without their boyfriend in sight.
100. How many CD's do you have? i lost count but it's just a small collection.. pirated/"burnt" included.
101. What kind of food don't you like at all? yung may pinya o pineapple juice.
102. Do you wear glasses or contacts? nope. pero gusto ko mag-glasses pampapansin lang. haha.
103. Rich and unhappy or poor and happy? rich and unhappy. bilog ang mundo. dadating ang panahon na magiging happy din yan.
104. Coca Cola or Pepsi? coke
105. What's your favorite day in the week? saturday
106. What's your favorite month? october kasi bday ko.. tas arpil kasi summer.
107. Are you a good listener? oo. i'm a more of a listener than a talker.
108. Do you like chain letters? nope. hindi ako naniniwala sa mga malas daw na dala nyan.
109. Are you tired from answering all those questions? i'm tired sitting on this chair.
110. e - mail address: blah-blah-blah.. ayokong i-post at baka may mag-search sakin sa friendster.. hehe.

*Feels like an authograph notebook of one of my classmate in elementary. Wala nga lang yung mga tanong na "what is love.. motto..?" and the like.


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 9:44 AM |

Friday, September 02, 2005

My shred of snow

Found this site from Arglene's.

Out of curiosity, I've made this one and another one. Told you I was curious.

I guess, I am as excited as everybody else since Christmas season just started here in my country. Not just the "-ber" month. Check the tv ad as well where Santa Claus is shown giving away raffled prizes. It has been airing since July. Oh, well. Let me be the first to greet you a VERY MERRY CHRISTMAS!!!


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 10:39 AM |