Hit and Miss
Text. Nill. Updates. Nada.
I was glad when you said, "Yes, of course." after I asked you if you really miss me. But now I've been sending loads of messages but I got no single reply. Deym. Alam mo naman na di ako ma-text na tao pero para sa'yo maski na text marathon, ok lang.
Ayos, sige. You miss me. But that was your message almost two weeks ago pa yata. Sguro nga ang kulet ko. Kasi nag-text pa ko ng makailang ulit nung wala akong natanggap na reply sayo. Nag-text ulit ako nung sumunod na araw. Quote na nga lang ang tinext ko, wala pang reply maski na isa ring quote na paulit-ulit nang nase-send maski na sa inbox ng ibang tao. Maski mag-forward ng message na na-send mo na sakin, di mo pa din ginawa.
Bakit kaya di na lang kita tinawagan nun, no?
*batok sa sarili... ang hina mo, pare koy...*
I should've called you.
*said that line in a very conyotic way while looking at the window overlooking the cityscape... sabi na ngang ang hina mo, pare koy, eh*
Ok. Walang text. Walang email. Walang ha. Walang ho.
Nami-miss mo kaya ako ngayon. Yung ngayong oras na ito habang nagta-type ako ng isa pang entry. Ano na kaya ang ginagawa mo? Paniguradong nagmerienda ka na. Kanina ka pa sigurong umaga nakapaligo. Baka naligo ka ulit ngayong hapon kasi maalinsangan sa labas. Dito kasi sa lugar ko ay may kainitan.
*Whoa! Is it just the weather or is it me? haha!*
Eh, ako kakatapos ko lang kumain dito sa pantry samin. Bicol express at isang rice. Di ko nga alam kung isang cup nga yung rice na yun, eh kaso sobrang bitin ng kinain ko. Gusto ko sanang tignan ang telepono ko ngayon para i-check kung kelan pa yung huling message mo sakin.
You know what, love is a strong word. So strong that it could break your/my/our heart/s. Buti na lang. Yun lang. Buti na lang.
Hmm, ayaw talaga kitang tawagan, eh. Sa lahat ayoko yung nagna-nag tas ako tatawag hangga't sagutin mo? Lalo naman siguro kung magpa-miscol ako. Baka lalo ka lang mainis sakin. Mainis? Teka. Inis ka na ba sakin kaya parang wala lang ang estado natin ngayon? Hmm, ulit.
Mag-headbang man ako sa background music ko ngayon, eh di pa rin maalis yung thought na wala. Wala talaga. Wala pero andito sa loob ng utak ko. Yung kawalan ng oras. Bwiset. Nag-demand na naman ako.
Romance. Malabo-labo. But why do we keep updating each other with each others life? Bakit nga kaya? To the point that we become so used to it. Afterwards, we would text each other those, "Musta na?" which figuratively means "I miss you." And when any one of us replies, "Ok lang. Ikaw kamusta na?" that, again means something else (which could be "I miss you more.")
May pagkakataon kaya na isang gabi, eh naghihintay ako ng text sayo tapos ikaw din pala, eh naghihintay ng galing sakin. Yung tipong sabay tayong nag-aabang ng balita o pngungulit mula sa bawat isa. Pero mas pinili pa din natin na tikisin kung anuman ang gustong mensahe nating ipabatid sa kabilang linya. Ang resulta --- parehas tayong di mapakali.
Siguro nga I'm too boring for you. Kung bored ka nga nung araw na yun, eh what's the use of texting a boring person like me? Double boredom? Siguro nga I'm not that stimulating kasi I switch to a more serious topic most of the time. Lihis na lang ako ng lihis ng usapan kadalasan.
Magkaibigan na nagpapakiramdaman... naghihintayan... Pero hanggang dun lang yun. Hindi ko kayo kayang guluhin ng mukhang nakikipagbalikan sayo. Kilala mo naman ako.
I'm not ready.
*pambihirang dahilan yan, oo. Buset.*
Heto. Isang pangungusap na lamang bago ko tapusin ito.
Nadale mo na naman ako.
posted by Arn at 3:29 PM
|
<< Home