Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Wednesday, September 07, 2005

Five Minutes of Fame, baby!

Di ko matandaan kung sino ang nagsabi na sa bawat tao, mayron siyang five minutes of fame sa buhay nya.

Naalala ko tuloy yung mga nangyari sakin na kino-consider kong limang minuto ng kasikatan ko. Eto't iisa-isahin ko.

1. Nung graduation day nung Day Care (kindergarten ata ito nun) ako. Ako kasi yung first honor. Eh, kung 1st honor kadalasan ikaw yung may special number. Kaya nagsayaw ako ng Arico Mambo. Naka-white long sleeves (trouvenice.. di ko alam spelling.. ata tawag dun) ako nun tas may botay (butterfly) ako at yung sampaguitang sinasabit sa graduates. Tas yung mga back up kong babae, eh naka-makulay na suot. Tas habang sumasayaw, eh nawawala ako sa pwesto. Palagi akong nauusog sa dulo ng stage. Kaya para di ako mahulog ay binibuhat pa ko ng teacher ko nun at ibabalik ako sa pwesto ko. Kaya medyo nakakatawa din.

2. Ang paglabas ng picture namin sa isang pa-tweetums na babasahin. Debut party yun ng kaibigan ko sa college at na-print sa magazine na yun ang iba sa highlights ng debut nya. At andun ako. At may kopya ako nung magazine for remembrance. hehe.

3. Nung college naman, eh sumali kami sa dance contest. Dancin'99 yung project na yun ng dance troupe ng college namin kung saan ay naging kasapi din ako. Sa contest na ito, eh natalo kami. Baduy na ang music, baduy pa ang costume. "Larger Than Life" by the BSB tas yung costume pa namin, eh medyo futuristic. Medyo kinopya namin yung idea sa video. Basta natatawa ako pag naaalala ko ito. Pero dito sa contest na ito na-tap yung talent ko at nakilala ako ng mga classmates ko na sanay sumayaw.

4. College, year 2000. Bawat org ay may ipe-present na production number para sa Pharmacy Week. Ayun, para sa org namin, kumuha ng representative bawat year level. 2nd yr ako nun. Bale, 6 kami galing sa class namin. Medyo sexy yung sayaw kasi "Waiting for Tonight" yung tugtog tas may pahaplos-haplos pa sa katawan ng partner. Nakaka-conscious. Haha. Pero yung number namin ang pinakamaganda kumpara sa lahat. Maski na ikumpara pa sa sinayaw ng dance club. At nadinig din nung mga kaibigan kong babae na may nagtatanong kung sino ako. Naks.

5. College, year 2002. Ako yung captain ball sa men's volleyball ng course namin. Kaya ako ng napili kasi member ako nung champion team nung 2000. Tsaka wala na ding kumuha ng responsibilidad. Kaso kulelat kami. Hahaha! Kasi kulang din kami sa players at walang practice. Yung players ko, player din ng basketball kaya hati. Nung unang game against Pharma, eh nag warm-up muna kami. Tas lumapit sakin yung isang official at tinanong kung varsity ako. eh, hindi naman kaya sabi ko hindi. Bawal kasi maglaro ang varsity player, eh. Deym, di naman ako magaling. *pa-humble* Di nga. Simpleng manlalaro lang ako.

6. At kahapon lamang. Nag-shoot ng video yung mga tagadito sa company para sa ipalalabas ata nila sa mga booth pag may job fair. Ngayon lang din ako nag-participate sa program ng company. No choice din sila kasi sup ko yung namili na hiramin nila ng ilang minuto para sa shoot. Sobrang liit lang nung "role" kasi nakaupo lang ako. Di man lang ako sumali sa acting ng pagtaas ng kamay o pagtatanong. Pag tapos na yung video gusto ko din namang makita kasi bad hair day ako kahapon. Hehe. Sa mga kakilala ko, naka-blue ako nun at nasa conference room kami. Pag may nakita kayong booth ng company namin, check nyo na lang. Teehee.

Tingin ko hindi lang limang minuto ang naka-alot para sa isang tao, eh. Higit pa dun. Maski na yung best of the best of the five minutes of one's life, more than five minutes pa din yun.

Pero tingin ko, hindi pa sa mga nabanggit ko natatapos ang five minutes na yan, eh. Gusto ko pang makapag-record ng kanta para sa isang indie* band.. maka-extra man lamang sa isang indie* film o pelikula ng Unitel.. ma-record ang isa sa mga nasulat ko nang tula tas lalapatan ng musika.. ma-publish ang isa kong tula.. lumabas sa isang commercial.. mag-perform sa full circle.. kaso lahat ng nabanggit ko, eh halos lahat kailangan ng camera. Di pa naman ayos ang rehistro ko sa tv. Huhu.

Limang minuto. Pero limang minuto lang kaya talaga?



*alam kong nagiging parang common na ang pagsasabi ng indie ngayon. kasi kadalasan para maiba lang at tawaging "artistic" ka e babanggit ka ng indie. hindi ito ang post ko para makipag-debate kung ano nga ba ang indie o hindi. basta sakin ang indie, pelikula man siya, musika o kung anupaman ang pwedeng ibigay na halimbawa na saklaw ng salaitang ito, ay ang malayang paghahayag ng kung ano ang nais ibahagi ng lumikha sa kabila ng kakulangan sa kagamitan. Ito rin ay ang pagtangi ng isang likha sa labas ng isang malaking kumpanya na may kakayahang pagalawin, pasunudin at pabagsakin ang isang industriya sa kanyang ayon. Ang indie ay para sa may ayaw at may gusto nito.


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 12:07 PM