Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Friday, August 19, 2005

Uhmm

Ok. I am working on a half day today. Second half lang ng shift ko yung papasukan ko which is from 3pm to 7pm. Pero andito na ko sa office before 12nn.

Past 8am kami umalis ng bahay, eh. Nakarating kami dito sa Ayala ng past 9am. On our way to this certain bank, I bumped into my elementary and college friend/classmate. Nung una nga tiningnan lang ako. Tas natawa ako. Di siguro ko nakilala. Tinapik ko sa balikat. Naks. Naka-yellow long sleeves. Yuppie na si Manuel. Pagkatapik ko sa kanya, eh sinabi nya sakin na, "Sabi ko na nga ba't ikaw yan, eh. Ang haba ng buhok mo. San ka na?" Konting usap lang kasi papasok na siya. Last time ko siyang nakita, eh yung bakasyon lang ng 1st year college namin sa USTe. Nag-tranfer kasi yun ng CSB.

Yun. Pumunta na kami ng bangko. Punta sa Information section. May pinatawagan samin. TUmawag naman kami. May pinapatawagang ibang number. Tumawag kami tas answering machine lang. Pero sinabi nung unang nakausap ng mommy ko na sa Binondo branch daw lahat ng files. Kaya sabi ng mommy ko na pupuntahan na lang nya dun.

Sakay kami ng bus papuntang lrt. Tas lrt na lang sya papunta dun.

Ako naman pasok na sa office. Pero bago ko bumalik, bumili muna ko ng shawarma. Maniwala kayo't sa hindi, second time ko pa lang kumain ng shawarma. Unang kain ko ay yung sa may mrt pa last year. Eh, nung nauso yung shawarma, eh high school pa ko nun, eh. Pero buti naman at hindi tumataas ang presyo nito. P40 pa din pag large with cheese. Yun, sakay na ako nang bus pabalik.

Hindi pa ko nasiyahan. Pagkaubos ko ng shawarma, eh bumili naman ako ng pesto with garlic bread sa pantry. Solb.

Ngayon nga iniisip ko kung ano na kaya ang nangyari sa nilalakad ng nanay ko. Kasi minsan kamamadali, eh natataranta yun. Pero sabi naman nya sakin na lahat ng info kukunin nya.

Kaya ngayon medyo nakahinga na ko. Kasi nung Linggo pa lang talaga, iniisip ko na yan. Na-overdue na ng sobra yung cc ng nanay ko kasi, eh ang laki ng babayadan. Naisip ko na ang ipangbbayad namin, eh yung lahat ng ipon ko. Kaso nga lang wala talagang matitira. Sininod ko din yung payo nung iba kong teammates na baka naman may iba pang option kesa ibigay ko lahat ng pera ko kasi nga naman daw paano kung bigla kong kailanganin. Mas ok na nga naman kung may naitatabi ka. For the rainy days, ika nga. Sinabi ko na naman sa nanay ko na alamin yung options tas by installment ko na lang babayadan. Tutal, eh yung payroll naman namin ka-affiliate nung bangko. Kaya on line transfer ko na lang.

Nun ngang Mirekules ng gabi, eh nagbigay ako ng sulat sa nanay ko. Basta sinabi ko dun yung mga gusto kong sabihin. Alam nyo naman siguro yung pakiramdam na yung anak tas may gustong ipaabot sa magulang tas di magawa ng harapan kasi nakakaiyak. Madramang tagpo kaya wag na lang. Tas mahinahon naman kaming nag-uusap ng nanay ko.

Kanina nga nung nag-aabang kami ng bus papaluwas, sinabi nga nya sakin na di naman nya ginamit yung card pang-shopping. Nag-cash advance daw sya ng isang beses nung kelangang magbayad ng tuition dati. Kinuwento din nya sakin na magmula nung nging private yung bangko na pinagtrbahuhan nya, hindi na daw tumaas yung sweldo nila. Nung nasa gov't pa daw sila, tumataas daw ng P1,000 per year yung sweldo. Pero naiba na daw. Biruin nyo, more than 25 yrs nanay ko dun, a. Tas yung di na tumaas ang sweldo 11yrs ago after she resinged. Dun nga sa office nya na yun, 7 o 9 na lang daw ata yung mga natitirang origanal na andun, yung veterans. Nasa abroad na daw yung iba. Maski daw yung mga bagong nag-resign wala ding nakuha. Oo, resigned na mommy ko mga 2 o 3 yrs ago ata.

Maswerte nga ako kasi nung ako yung nag-aaral, may work pa siya nun. Parang ako ang hindi nahirapan lalo na pag may babayadan.

Naiisip ko din na ang hirap talagang maging magulang lalo na pag may mga anak ka tas isa ka lang. Halos lahat ng responsibilidad ay papasanin mo. Aakuin mo na ang lahat. Wala ka namang ibang maaasahan kundi sarili mo lang din halos. Naiisip ko talaga yung lahat ng sacrifices na ginawa ng nanay ko. Yung sinasabi nila isusubo na lang ay ibibigay pa sa anak.

Ilang buwan ding nag-isip-isip ang nanay ko bago siya mag-resign, eh. Kinuwento kasi sakin nung tita ko na kaibigan nya at nung hipag ko na kakwentuhan din ng nanay ko. Minsan sa office daw pinagtatawanan na ang mommy ko kasi may utang nga. Mahina kasi tenga nun kaya minsan di na nadidinig yung mga comments sa kanya. Minsan naman gagawin nya yung pinakiusap na trabaho ng kaopisina nya. Ganun ka-professional ang nanay ko. Para sa trabaho, gagawin lahat magawa lang ng maayos at ma-meet ang deadline. Maski pa di sanay mag-computer yun, nagpapaturo para lang mapaayos ang trabaho. Sinabi nga ng tita ko sa kanya, eh, "Eh, ano ngayon kung pagtawanan ka. Tanungin mo sila kung san nag-aaral ang mga anak nila? Sabihin mo sa kanila na ang lahat ng ginagawa mo ay para sa mga anak mo. Sabihin mo din sa kanila na di sila ang nagbabayad ng utang mo." Loan officer III ang nanay ko dun. Maski na may position sya, di sya nagmamalaki sa mga kaopisina nya.

Minsan nga nung pumunta dun yung kapatid ko sa bangko para mag-withdraw, eh nilapitan sya nung isa sa mga kaibigan dun ng mommy ko. Sinabi sa kanya na pagk-graduate daw nya, dun daw sya sa office ng mommy ko magtrabaho para daw balikan nya yung mga nangmamaliit sa mommy ko.

Biruin nyo. Maski na teller na pinakamababa na ata sa bangko, eh masyadong walang alam kung saan nya dapat ilagay ang sarili nya. Kasi yung nag-withdraw yung kapatid ko, tinawag sya nung teller. Pumunta yung mommy ko sa teller at sinabi nga na anak nya yun. Ang mommy ko pa ang pinagbilang ng pera. Sabi ko nga mahina tenga ng mommy ko, sumigaw-sigaw pa dun. Eh, ang mommy ko di naman kumikibo yun maski na ganunin mo, eh. Tinarayan ng kapatid ko yung teller. Tas kinausap ng mommy ko yung kapatid ko na wag daw ganun. Nagpaliwanag naman yung kapatid ko. Basta yung mga ganyang bagay pag naiisip ko, mas nagpupursige ako na gawin ang trabaho ko ng maayos. Iniisip ko din na yung ganitong experiences, eh training na din sakin once nagkaron na ko ng sarili kong pamilya. Naiisip ko na din na maski na may posisyon ka na sa kumpanya, dapat di ka magbago lalo na sa pakikitungo sa kapwa at pag-uugali.

Sobrang ipinagmamalaki ko ang nanay ko. Una, pinanindigan nya na mahal nya ang tatay ko maski na may unang pamilya na ito. Ikalawa, nung namatay ang tatay ko siya na ang nging nanay-tatay-ate-kuya-yaya-tagasundo pag late na tas galing fieldtrip-tagaplansta ng uniform pag wala na palang plantsado tas nagmamadali na-kayang maglaba at magluto ng sabay-pinilit matutong magluto noon maski na itinatago pa sa amin yung cook book-etc-etc. At panghuli, samasama pa din kami at inaalagaan.

Itong mga susunod na buwan, sasabak na naman ako sa ibayong pagtitipid at pag-iipon. Nanghihinayang talaga ko kung ibabayad ko din lahat ng ipon ko kasi ang tagal ko din inipion yun tas nagtipid talaga ko. O.A. lang siuro ko at nag-panic nung malaman ko. Buti na lang at di ako nagpadalusdalos. Pero sabi ko nga sa mga nakararaan kong post, di ko rin alam kung paano ko nakakapag-ipon. Minsan maski na maubos yung sweldo ko, may way si God to make me feel that I am secured. Ewan ko. Basta ganun, eh. Di ako kinakapos. Mysterious.

******************
Kagabi di ako makatulog pa kaya nanood muna ko ng tv hanggang bago mag-12 mn. Replay pala yung Maalaala Mo Kaya. Buti na lang din at pinanood ko. Tungkol dun sa magkapatid na yung isa putol ang mga binti at isang kamay. Tas yung kuya naman nya ang pumapasan sa kanya papunta eskwelahan tuwing may pasok. Nakaka-insipire.

Nakakapag-isip pa yung opening line ng host. "Hanggang kailan mo kayang isakripisyo ang personal mong kligayahan at pngarap para sa iyong kapatid?"

May isang scene pa dun na nagpumilit umakyat sa hagdanan yung may mg putol na binti kasi di sya mabubuhat ng kuya nya at nagte-training ng COCC. Hinabol sya ng kuya nya pero nakapanik na ito. Naabutan sya ng kuya nyang pagod na pagod na nakasandal sa may pader. Tas sinabi nung may putol na binti na sana di na daw nag-training yung kuya nya. Sinabi nung kuya na ang yung kapatid naman daw nya na yun ang naghikayat sa kanya. Yun medyo umiiyak na sila. Sinabi din ng kuya nya nga nun lang nya sinunod ang gusto nya. Lagi na lang syang nagsasakripisyo para sa kapatid nya. Sinabi nung may putol na binti na huwag na lang syang tulunga kasi siya daw nagpapahirap sa kuya nya. Sibihan sya ng kuya nya na di sya pababayaan kasi mahal nya ang kapatid nya. Moving yung scene na yun. Mapapag-isip ka talaga.

******************

"Kind words bring life, cruel words crush the spirit." Pr. 15:4

I hope each and everyone of us would think first before we act. You know how it feels when somebody just cheers you up? When you feel that somebody stands for you? Believes in you? Encourages you? Acknowledges you?

How about this? How would you feel is somebody curses you? Cuss on you? Mistreats you? Belittles you? Turns you down? Rejects you?

There's always a nicer way to say something. Not the sugar coat. But the fact that you are dealing with individuals who are capable of feeling.

******************

I checked who made a comment in my last entry. After that, I payed a visit at her's. Good thing that my pc wasn't on mute. Her music is the Black Eyed Peas' "My Humps." Tsk tsk. Nakaka-LSS. Mahal ko na ata si Fergie. Yan ay di ko pa nakikita ang music video ng kantang ito, ha. Must get their album asap.

******************

Nakakatawa at pilit kong ginagaya yung sayaw sa OST ng D' Anothers. Yung part na, "Kung katawan ko lang ang habol mo..." hahaha!

******************

Last week yung 3rd yr anniv ng Congo Grille eb ng PEx. Kadalasan, mga taga-Personals forum ang andun. Sayang at di ako nakapunta. May thread pa man din ako dun at may mga kaibigan na ako. Bumabagyo kasi tsaka di naman nagsipuntahan din yung mga kaibigan ko.

Pero mukhang masaya siguro yun. Finally meeting the one behind his/her username. Minsan bagay sa'yo yung username mo. Minsan hindi. Gaya ng sakin na parang di nga bagay. Hehe. Pero sabi ko nga, ok na makilala yung tao na gumagamit ng username na yun. Syempre may kanya-kanyang kwento kung ba't ganun yung ginagamit nila. Pero in every eb naman talaga, kadalasan masaya kasi parang close agad lahat kayo. Oi. Minsan lang ako nakipag-eb sa mga kaibigan ko sa PEx at iyon ay yung bday treat namin last year.

******************

World Youth Day nga pala ngayon. Kakabasa ko lang nung dyaryo kinuha ko sa mrt at na nasa bag ko kanina pang umaga. Nung WYD '95 eh 1st yr high school ako nun. Mga 4th yr lang yung sinama at konting representative kada year. Syempre di ako napili. Sayang. Gusto kongmaka-attend ng ganyan.


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 1:35 PM