Dude, Pare
Mababait. Matitino. Simpatiko. Guwapo. Iyan ay ilan lamang sa mga pang-uring pwedeng gamitin upang ilarawan ang apat na binatang inyong pinagmamasdan ngayon. Mula sa kaliwa, si Ronald, Joms, John at ang inyong lingkod.
Walang official na pangalan yung barkada namin, eh. Actually, madami kami. Kaso tinamad na din akong mag-edit ng mga pictures kaya kaming tatlo na lang na uber handsome ang inilagay ko (uber means, uhm.. super? tama ba?). Bale madami pang smaller groups sa barkada namin. Bilangin mo kaming apat. Tas yung kina Margaux, kina Kookai, Jason, Roselyn. Basta may kani-kanyang grupo pero pag outing o tulungan sa research o lunch ay nagyayayaan kami. Maski na ang pagtambay sa BG (botanical garden) o sa high school, isang umpok lang kami. Isama mo pa yung pagkain ng footlong sa may Asturias pagkatapos ng histo & microtech lab subject ng alas 7.
Last time kong nakita si Joms at Ronald nung sa Gerry's nga. Tas si John, July last year pa ata. Ilang beses na nga nya kong pinipilit pumunta sa kanila kasi nasa kanya pa yung xmas card na padala sakin ng kaibigan naming si Vincent.
Kuha 'to sa UST field bago ang Baccalaureate Mass namin nung March 2002. Bakit ako may dalang long-stemmed white rose? Galing yan sa isa naming barkadang si AC. Binigyan nya kaming lahat. Yung nasa likod nga pala namin ay ang Main bldg. Andyan yung ibang classroom at lab room namin.
Bale nung araw na yan kami nagbati nila John at Ronald. Nagkatampuhan kasi bago mag-finals. Nainis kasi ko nung laboratory class namin. Tas nagpalamig muna ko nun kaya di ako sumasamang mag-lunch sa kanila. Di din ako tumambay nun kasama sila. Pero napag-isip ko din nun na pre-graduation jitters lang din siguro kasi ayoko pang magkahiwa-hiwalay kaming lahat na barkada.
Baccalaureate Mass muna tas may ceremony/program. Ipinakit yung video clips habang kinukunan bawat college at students. Tapos, lighting ng candles. Yung kandila ng graduating students, eh sisindihan mula sa torch na dala ng dean ng college nila. Parang symbolism nya eh pinapasa na ng dean ang responsibility, future, wisdom, ect sa students. Dyan sa part na yan nagbibiro pa nga ako tas tawa pa kami ng tawa. Pero pagkatapos ng ilang minuto, nung palitan na ng USt pin, umiyak na ko. Bale yung pin na nasakin, ikakabit ko sa iba. Tas may magkakabit din sakin. Si Joms ang kapalitan ko nun, eh. Pagkakabit ko ng pin, nilapitan ko na isa-isa yung iba pa naming barkada at kinakamayan ko at nag-congrats ako. Kaso yung isang kamay ko nakatakip sa mukha ko kasi iyak nga ako ng iyak. Gumagalaw pa nga yung balikat ko tas my tunog pa yung iyak ko. Natatawa lang ako pag naaalala ko yun. Pati yung prof ko niloko nga ako after grad nung bumalik kami sa school. Wag na daw akong iiyak.
Ito naman ay sa PICC Plenary Hall nung graduation namin. Professor namin yung nasa gitna namin, Si Dr. Rotor. Si Margaux yang naka-pink dress at Regan yung isa pa. Parehas din naming kaibigan sila.
Haay, napag-tripan ko lang mag-post ng ganyan. Kasi di namin mapag-meet yung sked namin, eh. Si Ronald, med student. Si Joms di ko alam kung nag-resign na as medical transcripitionist at med trans instructor. Si John, may graduate school. Ako, sa work. Tas halos lahat din ng iba sa barkada, eh nasa med school. Malamang sembreak o before xmas ang next gimik nyan.
Deym. Nakaka-miss ang pagpapa-zerox sa Asturias. Pati na ang kwek-kwek at amoy ewan ng coop. Pati pala ang coop kasi giniba na siya. Nakaka-miss din ang benches sa high school. Yung covered walk sa may BG. Yung chapel. Yung paglalakad sa gilid ng field o sa may papuntang gym para mag-lunch. Nakaka-miss ang lunchtime sa SR Thai nung 1st year.. sa Capt. Cook nung 2nd year.. sa Mang Toots at E Cube na may "langgonisang binusog" mula kay Joms (di ko alam kung ba't di kami naging panatiko ng Almer's).. nakaka-miss yung pag-aabang ng jeep sa dapitan at andalucia.. pati na din yung mala-patinterong pagtawid sa dapitan.. yung pagpapa-recopy ng pictures sa four castles.. Dami pa. Ang dami ko nang kelangang gawin ulit.
Next time pagpunta kong USTe, kakain ulit kami sa kinakainan namin dati. Hahanap din nga pala ako ng ust jacket sa may eng'g area. pati pagbili ng isang poetry book sa publishing house.
Dati pagka-graduate ko, eh linggu-linggo talaga kong lumuluwas para makipagkita sa mga barkada ko. Nagpapalusot lang ako sa bahay na iche-check ko kung may transcript at yearbook na. Pero ang totoo, eh kitakits lang kaming barkada. Tas internet na ko bago umuwi. Sira talaga tuktok ko. Gastos sa pamasahe lang at oras ng biyahe, talo na.
Ha, ewan. Basta I'm bringing back my college days glory. Sinabi ko na dati kung ano ang gusto ko sa college, eh. Basta the idea of college keeps me going. Buti na lang parang college din yung teammates ko. Tas dun pa ko kumakain sa isang low profile, pero masarap at ayos ang presyo ng pagkain, na canteen dito sa makati.
Di ko alam kung immaturity lang o ayoko talaga mag-move on. Basta yun. It's a totally different thing when one speaks about college. Parang yun ang peak ng youth at personal life mo.. your choices.. decisions.. dreams.. Ay, drama.
Para sa mga barkada ko mula college na alam kong hanggang ngayon, eh text-text na lang tayo kasi sobrang busy at malayo ang distansya, hintay lang. Pag lahat may work na at may sarili nang pera, makakapag-dinner o outing gaya ng dati ulit tayo. Dude, pare, steady lang. Para kong high, ah. Haha.
O, sige na. Baka tumulo pa uhog ko. See you when I see you. take care.
* Yung kuha ni Ronald ay mula sa dinner namin sa Gerry's Nobyembre ng nagdaang taon. Si Joms, halata naman na mugshot. Pasensya sa picture ni John kasi wala akong mahagilap maski na sa mga outing namin o sa friendster account nya. Yan lang ang pinili ko. Kuha yan sa PICC nung graduation 2002. Alam kong iyan ang gusto nyang ilagay ko kasi naka-barong siya dyan. Eh, trip nun ang pormal na getup. Yung sakin ay kuha ni Aisah, dati kong teammate. Kinunan nya kaming lahat na AM shift last year para sa pagbabago ng support site ng account namin kaso nga lang ay di naisakatuparan at natapos na kaagad yung account na yun. Kakapadala nya lamang ng mga pictures na kuha last year sa email kanina. Nung makita ko ang mga larawan ay na-miss ko tuloy lahat. *hikbi*
posted by Arn at 11:55 AM
|
<< Home