Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Wednesday, July 13, 2005

Random Thoughts XVIII

Politicking. To end the start of my work week yesterday, I came across another rally happening within the Ayala area. Actually, nakita ko sila habang lunchtime ko na nakasilong sa building namin kasi medyo umuulan nung hapon. Same route. I used the walkway to avoid the crowd. I was not suppose to pay attention to the rally but two things got me.

1.) On my way to the walkway, I heard a speaker/prayer leader saying, "Panginoon, pasukin Nyo po ang pintuan ng senado, ang pintuan ng kongreso..." Ok, napailing ako. Dasal yun so karapatan ng kung sinong namumuno na sabihin ang intentions nya. Pero sana lang sinama nya sa dasal nya ang kundisyon ng mga nagra-rally na kasama nya. Sana naman may pakain dun o di kaya may medics kung sakaling may hikain o anuman.

2.) Dito natawa talaga ako. Kasalukuyan akong nsa walkway. Lumalakad. Nang andun na ko sa Paseo, nakita ko yung mga kasamahan ni Bro. Eddie Villanueva na may dala-dalang mga walkie talkie. Hindi sa walkie talkie ang atensyon ko kasi di ko naman alam gumamit nun. Parang isang glow in the dark sticker ang dating sakin ng t-shirt ng mga taong ito. Suot nila ang kulay dilaw na t-shirt (Ito ang kulay na ginamit ni Bro. Eddie sa kampanya ny nung nakaraang eleksyon.) at may naghuhumiyaw na naka-print sa likod na "Bro. Eddie Villanueva for President." Wow. Prayer rally nga ito (con meeting de avanse). Ano ba yan? Clearly, political ambition just lounging on the corner.

Pero sige bigyan natin ng benefit of the doubt ang mga taong ito lalo na si Bro. Eddie. Siguro naman hindi sila inubliga na iyong t-shirt na yun mismo ang isuot sa araw na yun. Wala kasi sa tamang pagkakataon at tamang lugar ang pagsusuot ng t-shirt na yun. Pwede rin naman ni-recycle kasi yellow t-shirt ang requirement na isuot para ma-recognize na maka-Bro. Eddie sila. Pero wala silang ibang yellow t-shirt kundi yung t-shirt na yun from the election campaign.

Ay, si Bro. Eddie nga pala ang nagtatawag for a snap election. Maganda nga namang pagkakataon ngayon para mangampanya na agad. Inunahan na ang iba pang gustong tumakbo.

Ginagalang kita, Bro. Eddie kasi pinaniniwalaan ka ng mga kapanalig mo. Di ko alam kung paano ka bilang isang spiritual leader. May kredibilidad ka kaya patuloy kang sinusuportahan ng mga sumasampalataya sa relihiyon/sekta mo.

Bilang isang kapwa Bulakenyo mo at isang mamamayan ng Pilipino, hindi kita gusto bilang isang political leader. Madalas nating inihihiwalay ang batas ng tao sa batas ng Diyos. Siguro nga'y hasa ka na sa pagbabasa ng batas ng Diyos. Sana naman pagtuunan mo din ng pansin at kilatisin ang batas ng tao, ang konstitusyon. Hindi kita gusto. Lumalabas ang political ambition mo. Trapo.

Pansin ko na naiibigan ko ang mga usaping politikal. Tumatanda na ata ako, a. O, hinde.

On the lighter note, mabenta na naman ang buko juice, kwek kwek, squid balls, nilagang mani, mais at taho mamaya. Tiba-tiba sa negosyo yan. Paghusayan nyo.

PS. Sana'y di nyo guluhin ang mga empleyado na nandito ngayon sa Makati at gumagawa ng paraan para naman kahit papano'y makatulong sa ekonomiya lalo na sa kani-kanilang mga pamilya. Yun lang po.

******************

On the contrary. Lagi na lang akong napapagkamalan samin na papasok sa eskwelahan. Tuwing magmamano ko dun sa ibang matanda samin, tatanungin ako na, "Papasok ka ba sa eskwelahan? Ba't di mo kasabay ang ate mo?" Pagsumagot ako na nagtatrabaho na ko, sasabihin minsan na, "Salamat sa Diyos." (Parang ang negative nito. Parang sa wakas may trabaho na ko. Eh, dati pa naman ako may trabaho, a.) O kaya, "Nagtatrabaho ka na ba? Graduate ka na ba?"

Yung "ate" na tinatanong nila sakin, eh yung mas bata kong kapatid. Nagtatrabaho na din yun at 2 yrs ang gap namin. Minsan nga tinatong ko sila kung sinong ate ko ang tinatanong nila sakin.

Siguro kasi mahaba ang buhok ko (Nakasanayan na kasi natin na sa trabaho dapat clean cut ka o medyo boy next door ang dating mo) at naka-casual clothes lang ako (Long sleeves, slacks, black leather shoes and belts are not part of my everyday wardrobe.).

Babawiin ko yung una kong sinabi. Di pala ko tumatanda. Bumabata pala ako. Haha!

******************

My father's son. Habang naghihintay ako ng fx sa highway ay nakasabay kong maghintay yung kaibigan ng mommy ko, si Tita Zony, na nanay din ng barkada ko. Usap lang. Pupunta daw siya ng bukid. Tinanong din ako kung asan ang mommy ko. Sinabihan din nya ko na ang haba na ng buhok ko.

Pero mas napangiti ako ng sinabi nya na mas kamukha ko na daw ang tatay ko ngayon.

******************

Just got 2 new shirts from Spoofs in Glorietta. They're actually t-shirts from my favorite comic book, Beerkada. I think the shirts would have a limited supply so go get one.

One of my shirts read, goat milk? with a picture of a boy, at the right side of the back of the shirt, carrying a goat. Obviously, this is a spoof of got milk? t-shirts and the milk campaign in the US. My other shirt has this boy named Jimmy drinking on a fountain. The writings on the shirt are "Some drink from the fountain of knowledge. Some only gargle." True enough.

I ust do not like it when I perspire. Parang may mapa yung t-shirt. Buti na lang at di nagkakaron yung sa may bandang kilikili ko. Kundi dyahe yun. Turn off baga. (Uy, nagbibinata.)

But I do recommend the shirt.

******************

Bloated. I am happy to eat in this canteen at RCBC Tower. Cheap food. So-so place. Karinderya with a bit of class since it's in Makati. Feels like I am back in college. But I must find myself a lunchmate.

******************

ZZzzzZZ. I am 99.9 % sure that our scheduled post summer trip would push through. We still have two days to finalize everything. I need that vacation badly.

******************

To close this post. Got this from somone else's blog:

[when] "if everything is coming your way, then you're in the wrong lane..."

First, I would scream on the top of my lungs. Then, switch on the right lane.


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 9:42 AM