Strange
Naalimpungatan ako sa aking pagkakatulog kaninang madaling araw. Mga bandang alas dos y medya ay parang may narinig akong kaluskos sa may sala namin at konting kalampag sa bubungan.
Mabilis pa sa aking aksyon sa isang baranggay tanod. Bumangon agad ako upang suriin kung ano ang mga ingay na aking naulinigan. Sumilip muna ako sa aking bintana para tignan kung ano ang meron sa labas ng bahay at bakit may kumalampog sa bubungan. Marahan ang aking pagbubukas na animo'y may inoobserbahan. Kaliwa't kanan ang pag-ikot ng aking mga mata ngunit wala akong napuna.
Isinara ko na lamang ang aking bintana noong wala akong napala.
Bumaling ako sa aking pintuan na ang nasa isip ay baka ang kapatid ko lamang iyon na umaga nang umuwi o mga magnanakaw. May mga insidente na din kasi ng pagnanakaw sa aming lugar.
Binuksan ko naman ang aking pintuan sa isang marahan din na pamamaraan. Madilim. Ngunit may liwanag sa may kusina. Kadalasan ay iniiwang bukas iyon ng aking nanay hanggang sa paggising namin sa kinabukasan. Walang tao. Walang kahit ano.
Sa isip-isip ko, malamang guniguni ko lamang ang mga iyon. Kaya't nahiga muli ako sa aking kama para ipagpatuloy ang naantala kong paghimbing. Ngunit di na rin ako makatulog. Ipikit ko man ang aking mata ay hindi na ako makatulog pa. Gising na ang aking isipan. Karaniwan ay medyo matagal bago mahnap ko ulit ang aking antok. Nahiga na lamang ako at ipinikit ang aking mga mata. Pero gising pa din ako.
Inabot na ng pasado alas singko ng umaga bago ako nakatulog. Nadinig kong tumunog na ang aking telepono na senyales na dapat na akong bumangon at maghanda para sa pagpasok sa trabaho. Saktong alas singko beinte yun. Inisip ko na mayroon nang mainit na tubig sa telmo kaya ayos lamang na umidlip muna ko para makaiwas sa sakit ng ulo.
Napaidlip naman ako ngunit may kababawan. Mga ilang minuto din siguro ang itinagal noon.
Muli akong nagising. Iniisip ko kung ano na ang oras. Igagalaw ko sana ang aking kamay para kapain ang telepono ko ngunit di ako makagalaw. Pakiramdam ko'y may pumipigil sakin sa aking pgbangon. Pakiwari ko'y may isang malakas na kung anuman na my hawak sa dalawa kong braso. Idinilat ko ang aking mata ngunit medyo malabo ang pagkkaaninag ko. Kita ko lamang ang malabong repleksyon ng liwanag na mula sa papasikat na araw sa aking bintana. Nilalabanan kong tumayo ngunit di talaga ako makagalaw. Nung bigla akong nakatayo ay agad akong kinilabutan. Hinipo ko pa ang aking braso para tignan kung nakatayo nga ang aking mga balahibo. Medyo pahingal pa akong lumapit sa estante para buksan ang ilaw. Pagbukas ay dun ko pinagmasana ang aking braso. Tayo pa din ang mga balahibo. Hingal pa din ako. Iniisip ko kung nanaginip lang ba ako. Ngunit bakit nakadilat ako? Medyo malabo man ang tingin ko ay nkit ko ang liwanag mula sa aking bintana. Alam ko din na pilit kong itinatayo ang aking likod.
Nanatili muna ako ng ilng minuto sa aking silid upang mag-isip. At saka ako bumaba bitbit ang aking bag at radyo.
Nagtimpla na akong kape at naghiwa ng keso para sa aking apat na pan de sal. Kasabay ko ang musika na mula sa aking radyo sa pag-aalmusal para malibang.
Wala lamang iyon, pagpapalakas ko sa aking sarili.
******************
Sinadya ko talagang ganyan ang style ng pagsusulat para nakapanghihilakbot. Pero di ako nanloloko. Natakot din ako. Kasi nung di ako makagalaw, eh parang nakatali yung 2 kong braso. Magkadikit na magkadikit kasi yung braso ko sa katawan ko. Yung tipong walang space sa kilikili. Ipit. Alam mo yung pakiramdam na hinostage ka tas tinali ka. Tapos nun nanlalaban ka at nagkikikiwal para maalis yung tali? Ganun.
Ewan ko din. Ayoko pa namang takutin ang sarili ko. Mamaya pagdating ko bahay ako lang sigurong mag-isa pa naman. Makikiramdam ako pagdating. Titingin-tingin ako sa paligid lalo na sa duluhan namin. Kakain. Manonood ng tv maski na nakakatakot manood mag-isa na parang may nanonood din sakin. Tapos kakabahan akong mag-urong ng pinggan pagkakain. Tapos, kakabahan ako sa loob ng banyo habang naliligo bago matulog. Tapos.. Tapos...
...nanay ko po!
Hindi. Pero wala yan. Ako pa.
* Siguro kakaisip ko na manood ng D' Anothers kaya ganun, no. Hehe.
posted by Arn at 3:56 PM
|
<< Home