Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Thursday, July 21, 2005

Sound. Smell. Taste. Sight.

It is downtime during this hour of the day so I am blogging again and listening to somebody else's music files in our intranet. Image hosted by Photobucket.com

------------------

Yung sinasakyan ko kaninang fx, eh bwiset. Oo. Maski na non-living thing ang isang sasakyan naiinis ako. Buti na lang na mabilis lang ang biyahe mula samin hanggang mrt station kundi na carbon monoxide poisoning na ako. Kasi naman maski pagkalakasan pa namin nung katapat ko sa upuan ang pagkakasara nung pinto sa likod, eh sumisingaw pa din yung amoy ng usok. Wala namang usok sa loob. Pero amoy talaga yung usok. Kaya nakakahilo. Image hosted by Photobucket.com

Inobserbahan ko nga yung fx, eh talagang medyo palitin na.

------------------

I didn't like what I had for lunch. I thought that beef picadillo (Ok. That's giniling in it's glorofied name) would be a very nice pick from that canteen where I bought it. Heck! It looked like a smashed brain of a cat that crossed the super highway.

Plus, those raisins added to its weird look. Image hosted by Photobucket.com (I hate raisins in cooked food.)

------------------

To console myself...

I am enjoying my Starbucks coffee right now. To date, pangatlo ko na 'to simula nung bumili ko ng kape sa kanila. Pero kanina first time kong bumili sa may branch nila dito sa may Ayala, sa may Standard.

Bumili kasi ko ng spill proof na lalagyan nila. Eh, bibigay ko sa kapatid ko kasi birthday nun sa Lunes, July 25. Eh, madalas nagkakape yun sa office, kaya binilhan ko na. Sale nga pala ngayon dun sa branch na yun ng Starbucks. Kaso pag binili mo ng sale yung lalagyan nila, eh walang free coffee. Konti lang naman yung diperensya kaya regular price na lang binayaran ko para may mocha frap ako.

Haay, yun na naman ang inorder ko. Sa susunod iba naman. Happy 22nd Birthday, Tin! Image hosted by Photobucket.com

------------------

Polo shirt. Ok tignan. Simple. Pero bakit kailangan yung iba itaas pa yung collar. Di ko maintindihan kung idol ba nila si Elvis. Parang ang hirap kasi tignan. Parang ayaw lumingon nung may suot minsan. Ingat na ingat sa collar ng polo nila.

Sige na nga. Pagbibigyan ko na yung gumagawa nyan kung fashion statement nilang ituturing yan. Baka dun na sila kumportable.

But the devil in me says, "Ok, a. Parang galing ang buong suot sa isang manikin sa tindahan."

Anything for the sake of fashion nga naman.

* Image hosted by Photobucket.com I am not posting this to bash those who are considered fashionistas or fashion gurus. Siguro sinusunod talaga ng halos lahat ang trend. Nagtataka nga din ako kung ba't may tinatawag na guru. Eh, we are the master of our own body naman. So, dapat isuot natin kung ano ang dikta ng isip natin at hindi ang pauso ng ilan.

------------------

Bakit nga kaya minsan naghihintay pa din ako na mag-sorry ang isang tao sa akin. Maski na sa maliit na bagay, madalas ang pagsasabi ng sorry ay nakakapagpagaan din ng loob para sa taong nasaktan. Sa ganung paraan, nalalaman nung tao na na-acknowledge mo na may mali ka.

Kasi nung isang araw, eh my tumulak sakin sa mrt - shaw station. Alam kong rush hour pag uwian kaya nga paglabas nung mga bumaba sa shaw, eh umusad agad ako dun sa di ako masasagasaan nung papasok. Eh, bigla ba namang may kumapit sa balikat ko tsaka ako tinulak (sinadya man o hindi). Di pa nasiyahan at kumapit pang muli sa braso ko naman at tuluyan na talagang nawala yung balanse ko. Buti na lang at napasandal ako dun sa likod nung katabi ko at napahawak ako dun sa rail sa itaas.

Sa inis ko ay nakapagsabi talaga ako ng, "Huwag naman po kayong manulak." Mahinahon ang pagkakasabi ko, a. Sinagot ako ng, "Hindi ako nanunulak. May nanulak sa akin."

Sus. Hugas kamay pa. Eh, sino ba yung kumapit sakin ng 2 ulit? Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com

------------------

Binalik ko na yung perang pang-Ilocos sana namin sa kaibigan ko.

Siya kasi ang may sagot ng accomodation fee. Kaso bigla talagang na-cancel. Medyo nga kinakabahan ako nung nakipagkita ko para balik yung pera kasi nun lang kami ulit mag-uusap since ma-cancel nga yung trip namin. Alam ko kasi na di ko matatago na medyo inis ako.

Eh, di yun. Ayaw pa ngang kunin yung pera kasi pinipilit akong sumama sa dinner kasama yung 2 pa nyang kaibigan. Sabi ko ayaw ko kasi umuulan at baka wala na kong masakyan pauwi. Idagdag mo pa na maaga pasok ko kinabukasan.

Sabi ko next week na lang. Kaso aalis na pala siya next week. Sabi ko next year na lang.

Sa totoo lang, ayoko din sumama talaga. Ang peke nga ng ngiti ko kagabi kasi pagod na din ako.

Ok. Pwede bang mag-rant dito hinggil sa pagkakakansela ng trip namin sa Ilocos? Ayoko sana kaso medyo masama talaga loob ko.

Higit dalawang buwan naming plinano ito. Una sana, eh sa Boracay ang tuloy namin kaso binalita nung isa naming kaibigan na isasara ang 61 establishments dun ng July - August for cleaning. Eh, di ang second option namin ay Vigan at Pagudpud. Pagkatapos ng mahabang pagpapalitan ng suggestions, eh nag-file na ko ng 5-day vacation leave nung May 23.

Hanap kami sa internet ng pwedeng puntahan, tuluyan, sakyan.. yung schedules ng bus trips at flights ng PAL.. room rates.. pwedeng kainan.. Hinanda ko na nga na bibili ako ng boardshort na buti na lang, eh nawalan na ko ng panahon para bumili.

Nakwento ko na naman dito yung araw na naghanda ako ng gamit.

Kasi ang ikinainis ko lang, eh higit 2 buwan ang pagpaplano. Pumayag naman ang lahat sa mga napagkasunduan. All set na nga, eh. Bigla-biglang na-cancel ng hapon ng Sabado. Eh, Linggo ng umaga ang alis namin. Wala pang 24 oras eh kanselado na ng ganun ganun na lang.

Kung di pa ko nakakita ng proxy para maka-access ng pex, eh di ko pa malalaman na cancelled na. Malamang naghintay at nagpalipas ako ng oras dito sa office nun para lang umabot ako sa sobrang agang oras ng alis namin kinabukasan.

Pagkabigat pa kamo ng dala-dala kong mga gamit na iniluwas ko pa dito at isiniksik ko sa mrt. Tapos, iuuwi ko din pala. Alam na din samin na aalis nga ako for vacation tapos wala. Napahiya lang ako. Nabalewala yung 2 buwang pagpaplano. Nagsayang pa ko ng load sa kate-text at kakatawag para lang sa trip na to. Pati pagod ko sa paghabol sa meeting sa Gateway nung Huwebes para ma-finalize yung plano. In short, nabalewala yung lahat.

Kahapon nga sinabihan ako nung kaibigan ko na, "Nagtatampo kayo sakin no? Kaya ayaw mong sumama..?" Ngiti lang talaga ang nasagot ko kasi wala talaga kong ganang makipagbiruan o makipag-usap. Nagpaalam nga agad ako kasi gusto ko na din umalis agad.

Ayun, nabahagi ko lang. Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com

------------------

Ang larawan sa ibaba ay kinopya ko lang sa blog ng isang taong di ko kilala.

P300


Ang supposedly, ticket o stub (Cash coupon na nga, eh) ng isang ng-rally nung nakaraang araw sa Ayala. nakuha daw yan sa kalsada mismo. Kung sinoman ang nakawala neto, pasensya. Wala na ang tatlong daan mo. Tsk. Tsk.

Pero ganito na ba talaga kahikahos ang ordinaryong Juan dela Cruz? Ni prinsipyo at paninindigan ay nabibili sa halagang tatlong daang piso?

At sino si G. Nick Santiago sa buhay ng Pilipino? Image hosted by Photobucket.com

------------------

Natatandaan nyo yung post ko dito na pinamagatang "Pabalang"? Kung hindi ay paki-click na lang po ang link na yan. Ayokong magdagdag pa ng sasabihin ko kasi baka maging bastos naman ako. Pakibasa na lang. Kasi gusto ko ulit ipaalala yan.

If you think you are the one I am talking about, bang! Image hosted by Photobucket.com Sapul ka.

------------------

Bilang panghuling entry sa post na ito, pakibasa ang reply ni Ventada ng PEx (Location: Paranaque, Join: Feb 2005) mula sa thread na Get a grip: There are more than 2 types of People .

"Dude, shouldn't we be spending more time at the Stocks thread at the Working Filipino? =) This fiasco sent me all the way here at LAFI to pour out my frustration with the opposition which I have to accuse of creating a bear market.

Many people here at LAFI could not comprehend this fact. After all, it is more of a political forum than an economic or financial space to to express one's economic analysis.
In fact, I have no idea why I keep coming back to this forum and spend precious hours composing messages that will not and can not salvage the stock market.
I guess I have a personal agenda, the stock market, and I believe it was GMA who made it work for me in the past few months and her enemies are what made the stock market work against me. I lost PhP5000 in the stock market due to this fiasco dude.

What fascinates me in this forum are the different intentions of PExers who post messages in it. Some just want to sound profound, others just wants to practice their debate skills. The funniest observation I had in this forum is how people are engrossed with expressing their writing prowess without even listening. I've encountered arguments in here that gives you a rebuttal which doesn't reflect a single thought about your previous messages. Nobody listens, barahan lang ng barahan. In fact, nahawa na nga ako. "

* Basta nung nabasa ko yung post na yan, parang pakiramdam ko, eh panapal yan dun sa mahilig magmarunong at magsasalita ng kung anu-ano sa mga forums. Akala mo na kung sila ang presidente o may katungkulan sa bansa, eh isang buka lang ng bibig nila magbabago na ang lahat.

Nag-reply nga ako sa last paragraph nya ng, "maraming tinamaan dito at pihadong kumukulo na ang dugo at nanggagalaiti nang mag-reply.

almost everyone here sounds like they're in a declamation or extemporaneous speech contest."

Di ko lang maatim na gumawa ng alternick para makipagsabayan sa mga andun, eh. Basta ang alam ko, maski na sa pc ka lang nakaharap at nagbabasa ng posts, gigil ka p din lalo na't ikaw ang binira o tinamaan ka sa sinabi ng ibang nag-post.

Wala naman kasi best in speech o best in whatever na award, eh ginagawa pang komplikado ang posts. Worse, nagpapaka-astig. Hoy! Kahit kailan, hindi magiging astig ang peke. Image hosted by Photobucket.com

Kaya kung walang magawa, huwag magpapansin Image hosted by Photobucket.com sa mga messageboards o kaya'y gumawa ng katakut-talot na alternicks, uki?


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 3:58 PM