Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Wednesday, April 06, 2005

Pabalang

Saan man daanin, kay hirap pa rin intindihin ang personalidad ng isang tao. Ang imahe na gusto nyang dakilain ng publiko... Ang karakter na ibig itatak sa ating noo.. Ang attitude (O, wala na ko maisip na Tagalog na salita na dapat dito.) na pambalot sa pisikal na kaanyuan nito.

Haayy buhay! Kung minamalas-malas ka pa'y ikaw ang mabibiktima ng ganitong klaseng pag-iintindi. Image hosted by Photobucket.com

Hmm, sa dami ba naman ng ating/aking (O, sya. Sosolohin ko na.) nakakasalamuha sa mundong ito, eh di malayo na makatalisod ako ng may kagaspangan ang ugali.

Bakit kanyo ko nagsasalita ng ganito? Pasensya pero ayoko nang magkwento. Ilalahad ko na lang ang aking mga natutunan sa pangyayaring ganito.

O, handa ka na ba?

Una, ang taong buraot ay buraot pa din. Baligtarin mo man ang mundo, kahalo na yan ng kanyang pagkatao. Image hosted by Photobucket.com

Ikalawa, ang taong mahilig mag-inarte ay hindi maarte (Whatta connection?!). Siya ay sadyang
a.) pa-importante
b.) klsp (kulang lang sa pansin)
c.) bitter (Uhm, ang Tagalog nito, eh, mapait. Tama po ba ako?).. mapait! mapait! mapait! Image hosted by Photobucket.com
at ang pinakamatindi.. *tenenenentenen*
d.) wala lang. Trip nya lang.

Ikatlo, lahat ng tao may pagka-plastic talaga. O, teka. Wag ka muna mag-protesta. Sa mga bagay na di gusto ng isang tao kung kulong na sya sa sitwasyon, eh wala na syang magawa kundi makisama, magkunwari na ok lang sya/ sa kanya ang mga nangyayari, magpasensya pero sa loob ay kumukulo na pala dugo nya, magpadala/sumakay na lang sa mga nangyayari at ang huli kong naiisip na dahilan ay dahil ayaw na lang nyang makasakit (Ang baet.) O, sya. Di na lahat. Karamihan na lamang lalo na yung di natin mga gusto.

Ikaapat, hindi kailangang maging extravagant o magkunwari na ganito ka para lang makuha, mas matinik - maagaw, ang atensyon o oras ng isang tao at i-O.P. (out of place) ang iba para ma-solo mo siya. May mga tao talagang nilikha na malupet ang karisma. Image hosted by Photobucket.com

Ikalima, bilang lang talaga ang pwedeng pagkatiwalaan ng isang tao. Mabigat mag-akusa at mag-ala makapili, no. Pero totoo. Kaya ingat-ingat lang po tayo.

Ikaanim, ang taong sala sa init, sala sa lamig, eh malamang na pulmunyahin. Buti nga. Image hosted by Photobucket.com

Ikawalo, di pa rin sa eskwelahang pinanggalingan nasusukat ang kakayahan, maging ang paninindigan ng isang tao.

Ikasiyam, ang chismis mapanira lalo na sa isang relasyon. Sheeeesh.

Ikasampu, ang balimbing ay di lang sa puno at palengke nakikita. Maaaring nasa loob din pala ito ng isang naka-air conditioned na istruktura... gaya ng refrigerator (Ay! Wala palang aircon yun.). Image hosted by Photobucket.com

Ikalabingisa, ang mabilis maghugas-kamay sa isang sitwasyon ay isang taong marungis maliban na lang kung gumamit sya ng sabong may skin germ protection. Di, walang biro. Mas masahol pa sya sa isang taong namamakipak ang mga daliri na may singit-singit na lupa ang mga kuko. Suggestion pa- spa ka na lang kaya. Tas sabihin mo sakin kung ok kasi di ko pa nararanasang magpaganyan, eh. On with the topic...

Ikalabingdalawa, may ibang tao din pala na pwede kong ikumpara sa diarrhea (Ingelsin ko na lang. Sagwa sa salitang Tagalog, eh.) Bigla na lang mararanasan pag may nakain kang di angkop sa iyong tiyan. Parang sa tao, kung kailan na-welcome mo na (Parang sa intake ng pagkain), eh dun aatake ng walang sabi-sabi na kung minsa'y pa-simple pa (Pag sa pagkain, bigla na lamang natin kakainin na di na natin naisip kung makasasama ba sa ating tiyan)... Isang diarrhea na panay toxins ang dala. O, naku. Naku. Masama talaga yan. Maaari na rin itong kakonekta ng nasa ikalima. Image hosted by Photobucket.com

Ikalabingtatlo, pambihira ang talento ng isang dalahira.

Ikalabingapat, ang isang taong may kinatatakutan, napa-paranoid. Image hosted by Photobucket.com

At sa panghuli, ang karma, nararapat sa binabalikan nito. Parang ang basurang itinapon mo, babalik din sa'yo. Di ko na dadagdagan pa 'to, a. Image hosted by Photobucket.com

Haay buhay ulet. Di ko akalain na may matututunan pa pala ako sa lagay na yaon mula sa taong muhka namang walang pinagkatandaan. Ngunit kung tutuusin ay mga natutunan ko na ang mga bagay na yan. Paalaala lamang para sa aking sarili, maging sa inyo na rin, na paulit-ulit lang naman ang aral na ating napupulot sa pang-araw-araw na buhay. Ang muli kong natutunan ngayon ay maaari kong matutunan o maalaala ulit sa susunod.. na nangyari na pala sakin ngunit naulit na naman. Nauulit lang ng nauulit.

Hangga't maaari, eh welcome naman ako sa lahat ng tao. May sayad man o wala, oks lang. Sila naman yun, eh. Di ako.

O, maski na ganyan ka, eh acquaintance pa rin kita ka, ha.

Tigas talaga ng ulo, ko oo.

Image hosted by Photobucket.com


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 11:35 AM