Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Saturday, March 19, 2005

Untitled

Di ko alam kung anong dahilan, ngunit habang ako'y kasalukuyang nagsa-shampoo ng buhok sa loob ng aming banyo ay bigla ko na lamang naisip ang isang paksa na ibig ko rin namang pag-usapan, ang kamatayan.

Weirdo man pero di naman ako goth o miyembro ng kulto o anuman. Habang patuloy ako sa pagkusot ng aking ulo ay kung anu-anong mga bagay na may kinalaman dito ang sumasagi sa isip ko na wari'y isang kaisipang nakapagbabalisa sa isang tao sa kaluwalhatian ng gabi. Gumagalaw man ako ngunit iba ang lipad ng aking isip.

Ilang tanong man ang aking gawin ay paniguradong walang makasasagot sa akin maliban na lamang kung makakausap ako ng isang taong nanggaling na sa kabilang buhay o sa madaling sabi ay patay na.

Di naman ako takot na mamatay. Ang ikinatatakot ko lamang ay ang akto o paraan kung paano ko mamamatay. Sa pagtulog ba o habang nasa biyahe? Sa isang krimen o sa isa o di mabilang na karamadman? Siyempre, dun na ko sa una kong nabanggit. Wala siguro kong mararamdaman kung ganun. Pero kung sa isang malagim na pangyayari, kailangan ko muna sigurong lumunok panandali pra masikmura ko kung anuman ang mangyayari sakin.

Sa mga panahon ngayon, naiisip ko na malayo pa ang takdang oras ng aking pagyao. Ngunit paano kaya kung bigla akong mawala kahit na di ko pa oras? Ibabalik kayo ako ng mga anghel na kasama ni San Pedro sa langit? Teka nga. Sa langit nga kya ang diretso ko. O, baka naman si "kamatayan", isang imahe o isang tauhan sa mga lumang kasabihan ng ating mga ninuno, ang kikitil sa aking buhay gamit ang kanyang pamosong kalawit. Kung anumang anyo nya na nabubuoo ngayon sa isipan ko ay ikinakikilabot ko na. Ano pa kaya kung ako'y nasa harapan na nya? Meron din akong mga nadidinig at napapanood sa telebisyon tungkol sa "angel of death." May ganito kaya talagang uri ng anghel? Nagdadala ng wakas sa buhay? Sa bagay, kung ang puno nga ng kasamaan sa mundo ay isang anghel din.

Baka ako'y tila isang ligaw na manlalakabay na pilit binabagtas ang daan kahit di alam ang patutunguhan. Nakalutang. Nagtataka. Tila di masolusyunan ang pararaanan. Estranghero sa bagong mundong kinapadpadan na kahit di ninais ng mga paa'y natangay sa isang lugar na bago sa paningin. Nakakatakot mawala. Nakakatakot na mag-isa na walang pinanghahawakan ni isang bagay na magpapaalala ng naganap.

Isa pang ideyang kakabit ng kamatyan ay ang reincarnation. Di ko alam ang katumbas nito sa salitang Tagalog. Di naman siguro ito ang sinasabing pagkabuhay namaguli (resurrection). Gusto kong maniwala sa ganito. Kung mawawala man ako, gusto kong ako'y magbalik. Ngunit sa reincarnation kaya ay isang bagong tao din ang kapalit ng isang taong nawala na? Hindi naman "bago" sa orihinal n konteksto nito. Bago na muli siyang isisilang hanggang sa maabot na naman niya ang tugtog ng kanyang buhay. Maswerte na siguro siya kung makamit nya lahat ng mga pangarap nya. Ngunit iyon ay ibang istorya na.

Hindi ko man matukoy kung ako'y babalik muli sa mundong ito bilang tao ay mamarapatin ko pa ding mabigyan ng buhay. Di man tao, basta may buhay. Malay ko ba na isang halaman, aso o insekto pala ako noon. O di kaya ay isa sa mga nabanggit ay ang aking susunod na buhay na responsibilidad kong tapusin sa abot ng aking makakaya.

Naisip ko din na kaya siguro may ibang tao na may pagkakahawig sa itsura ng isang taong namatay na. Di kaya siya din yun na nabigyan muli ng pagkakataong maging isang tao? Baka kaya may mga hayop na itinuturing na nating kaibigan sa dahilang kay bait nila sa atin ay isa palang namaya nang kamag-anak na nagbalik bilang ibang nilalang na may buhay. Mali kaya na isipin kong ang reincarnation at kamatayan ay katumbas ng "reduce-reuse-recycle" na slogan?

Marami pa din akong mga katanungan. Ngunit ang iba ay nasagot na naman ng Psychology class ko noong nasa kolehiyo pa ako. Near death experiences. May isang tunnel na may maliwanag na ilaw sa hangganan nito. Pagpapakita ng mga yumao nang kamag-anak. Ngunit di ko malalaman hangga't ako na ang nakasalang sa husgahan ng mga mortal. Hindi ko maiintindihan kundi ko pa nararansan. Hindi ako malilinawan hangga't wala pa ko sa hangganan ng buhay.

Di ko pa din naman maisip kung gaano makaaapaekto ang pagkawala ko sa mundo kapag nagkataon. Kahit papaano ay mayroon namang nabigay ng importansya at pagmamahal sakin. Mas gugustuhin ko na sigurong ako na muna ang mauna dahil mas mahina ako kung ako ang makakasaksi ng pagkawala ng isang taong binigyan ko ng halaga.

Ito nga ang takipsilim, ang dapithapon ng buhay. Sa isang literal na banda ay totoo. Dahil mapipikit ang mata ko sa paghinto ng tibok ng akinng puso hanggang sa walana akong masilayang liwanag mula sa itaas na kapagdaka'y siya ring sasalubong sakin sa bukana ng langit.

Tunay nga siguro na doon ko muling makakasama ang mga mahal sa buhay na yumao na. Ang ibig sabihin kaya noon ay di sila na-reincarnate? Bumalik na naman ako sa isa sa aking mga tanong kanina. Ngunit iiwan ko na lamang na walang sagot ang mga ito. Mas paghahandaan ko na lamang ang tumatakbong oras habang nananatili pa ako sa aking pisikal. Sa hinaharap ko pa lamang malalaman kung ng kamatayan nga ang mgwawakas at makapaghihiwalay sa buhay.

** Naisip ko ang bidyo (Tagalog na Tagalog, a) ng "Tha Crossroads" habang naisip ko ang tungkol dito habang ako'y naglalakbay kaninang umaga tungo sa opisina. Wala akong matinong pang-title sa post na ito kaya hayaan nyo na lang na inilahad ko ito sa ilalim ng "Untitled" na depenisyon.

** Huwag din kayong mag-alala. Hindi ako namamaalam o nagbabanta malapit na akong mamaalam. Hindi mangyayari iyon. Mahal ko ang buhay. At mas nanaisin kong mabuhay at tumanda ng ilang daang taon kaysa humimlay sa isang madilim na sulok na yari sa semiyento kausap ang mg langgam at uod. Ngunit sa panaginip lamang maaaring magkatotoo ang mg ito. Nasa palad ko man ang mga guhit nito, di ko pa rin sila kayang pasunurin sa utos ko. Magandang tanghali sa inyong lahat.


Crossroads
Bone Thugs N Harmony

Bone, bone, bone, bone, bone, bone, bone, bone, bone
Tell me what ya gonna do
where there ain't no where to run
when judgment comes for you,
when judgment comes for you?
What ya gonna do
where there ain't no where to hide
when judgment comes for you,
Cause it's gonna come for you
Bizzy:
let's all bring it in for Wally
Eazy sees Uncle Charlie,
Little Boo, God's got him,
and I'm gonna miss everybody,
I done roll with flows my game, looked at him while he lay
When playing with destiny, play too deep for me to say,
Lil Lazy came to me told me if he should decease
well then please bury me by my Gran Gran and when you can come
follow
me.
Layzie:
God bless you workin on a plan to heaven
follow the Lord all 24/7 days
God is who we praise even though the devils all up in my face.
He keepin me safe and in my place
say grace to the gates we race,
but I change the face of judge,
then I guess my soul won't budge, grudge,
because there's no mercy for thugs,
ohhhhhh what can I do, it's all about a family and how we roll
Can I get a witness not enough fool
We livin our lives to eternal our souls ay o ayo...
Chorus 1:
Heeeeeeeey, and we pray, and we pray, and we pray, and we pray
Everyday, everyday everyday, everyday
And we pray, and we pray, and we pray, and we pray, and still we
lay,
still we lay, still we lay
Krayzie:
Now follow me roll stroll whether it's hell or it's heaven
let's come take a visit of the people that's long gone they rest
Wally, Eazy, Terry, Boo
And still keepin up wit they family
Exactly how many days we got lastin while you laughin we passin'
passin' away
God rest our souls cause I know I might meet you up at the
crossroads
Yall know ya forever got love
from
Bone Thugs baby
Wish:
Lil E-Z long gone,
really wish he could come home
But when it's time to die gotta go bye bye
all 'lil thug could do was cry, cry
Why'd they kill my dog?
Damn man I miss my Uncle Charles yall
he shouldn't be gone
in front of his home
what they did to Boo was wrong ohhhhhh (wrong, wrong)
was so wrong gotta hold on, gotta stay strong,
when the day come better believe Bone got a shoulder you can
lean on,
lean on
Repeat Chorus 1 (fade into main chorus)
And we pray, and we pray and we pray and we pray.

Everyday, everyday, everyday, everyday...
And we pray, and we pray and we pray and we pray.
Everyday, everyday, everyday, everyday...
See you at the crossroads (crossroads, crossroads)
so you won't be lonely
See you at the crossroads (crossroads, crossroads)
so you won't be lonely
See you at the crossroads (crossroads, crossroads)
so you won't be lonely
See you at the crossroads (crossroads, crossroads)
so you won't be lonely,
And I'm gonna miss everybody and I'm gonna miss everybody
And I'm gonna miss everybody and I'm gonna miss everybody
And I'm gonna miss everybody and I'm gonna miss everybody
And I'm gonna miss everybody and I'm gonna miss everybody
And I'm gonna miss everybody and I'm gonna miss everybody
And I'm gonna miss everybody and I'm gonna miss everybody
Livin' in a hateful world,
sending me (straight to heaven)
that's how we roll
Livin' in a hateful world,
sending me (straight to heaven)
that's how we roll
Livin' in a hateful world,
sending me (straight to heaven)
that's how we roll
And I ask the good Lord why,
he sigh, he told me we live to die
Whats up wit dat murder yall?
See my little cousin was hung
Somebody really wrong anybody wanna touch that star?
And Ms. Sleazy set up easy to fall
You know while we sinnin
He intindin on endin it when it ends
He comin again and again and again
now tell me what ya gonna do.
Can somebody anybody tell me why hey...
Can somebody anybody tell me why,
he died,
we die,
I don't wanna die........
(so wrongoo, so wrongoo, wrong)
See you at the crossroads (crossroads, crossroads)
So you won't be lonely
See you at the crossroads (crossroads, crossroads)
So you won't be lonely
See you at the crossroads(crossroads, crossroads)
So you won't be lonely
See you at the crossroads(crossroads, crossroads)
So you won't be lonely
See you at the crossroads(crossroads, crossroads)
So you won't be lonely
See you at the crossroads(crossroads, crossroads)
So you won't be lonely
See you at the crossroads(crossroads, crossroads)
So you won't be lonely
See you at the crossroads(crossroads, crossroads)
So you won't be lonely
See you at the crossroads(crossroads, crossroads)
So you won't be lonely.......


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 9:21 AM