My Way Or The Highway
Ano nga ba yung road less travelled? Eh yung tamang daan? Dating daan? (Walang koneksyon sa relihiyon 'to, a.)
Lahat naman tayo, eh may kani-kanyang landas na gustong tahakin. Yung mismong tayo ang pumipili. Maging para sa karera natin sa buhay, sa pangarap o kahit saan pa, may sinusundan tayong sa paniniwala natin ay iyon mismo ang magbibigay satin ng gusto natin at magpupuno sa inaasam natin.
Pa'no na lamang kung nalingat ka't naligaw? O di kaya ay napagod at nagpahinga. O mag-reroute o detour kaya?
Gaya ng nasabi ko, lahat ay may pagkakataon sa kanilang buhay na tahakin ang daang gusto nila anuman ang panganib na nakaabang dito. Madalas pa nga, eh kahit di ka magtagumpay, basta napatunayan mo lang sa sarili mo na napagdaanan mo 'yun ay sapat na upang magpatuloy ang buhay.
Nasasabi ko ang ganitong mga bagay maharil ay napag-isip ko din kung ano ang saloobin ng taong andun sa "road less travelled," wika nga ng marami. Yung tipong against all odds o me against the world. Madrama, oo. Pero lahat ay dumating sa ganitong pagkakataon sa kanilang buhay. Sa totoo lang, eto ang isa sa nagpapa-excite sa buhay. Di ba yung kwento din ng prodigal son sa Bible? Umalis sya sa tahanan nila. Pero nagbalik din sya na isang mabuting tao na.
Di ba minsan din, eh gusto mong kumawala sa paningin ng lahat? Yung tipong ikaw muna mag-isa. Kung naayos mo na ang sarili mo ay saka ka magbabalik na may ngiti at maaliwalas na mukha.
Aba. Eh, ang hirap din na kayanin ang ganyan. Parang ikaw lang ang nakakaintindi sa iyong sarili. Parang ikaw lang ang nakauunawa sa mga desisyon mo. Parang ikaw lang ang may pasan ng daigdig. (Uhm, pelikula ata ito, a. Hehe.)
Malungkot na masaya; nakakatuwa na nakakainis; maganda na pangit; nakakapagod na nakakagana... iilan lamang siguro yan sa iyong mga mararamdaman kung nagdesisyon kang ayusin muna ang iyong sarili bago ka humarap muli sa mundo. Syempre, konting sisi sa sarili, pagka-miss ng mga dating gawi, panghihinayanang at mga agam-agam ang karaniwan nang reaskyon mo sa sarili. Animo'y naglalakbay ka na di mo alam kung san ka dinadala ng iyong mga paa. Gaano man kakapal ang alikabok na iyong nahawi sa daan ay di pa rin malinaw ang paroroonan. Umiwas ka man sa sikat ng araw ay masisinagan ka pa rin. Kukulimlim ng panandali ngunit siya'y babalik. Sumilong ka man sa lilim ng isang punongkahoy ay lilitaw pa rin ang anino mong tila isang repleskyon sa isang malinaw na tubig. At maiisip mong nahihilo ka na sa kakalakad sa mainit at walang kasiguraduhang lansangan. Di mo na rin siguro maiisip kung may nagmamasid sa iyo o may nag-aalala man lamang. Isang pangkaraniwang tanawin lamang siguro ang halimbawang ito. Ngunit di ba sa panaginip ay maaaring mangyari sa atin ang ganito? Literal.
Di ba parang naglayas ang tema o nagrebelde? Para sakin ay karaniwan na 'to. Kundi mo gusto ang mga patakaran sa mundong iyong ginagalawan, eh di ba gumagawa ka ng paraan di lamang para humulma sa hubog ng iyong mundo kundi para ilabas ang iyong gusto. Patuloy na hinahanap ng isang tao ang pansarili nyang kagustuhan.. yung mga bagay na magpapasaya sa kanya, yung mga taong kukumpleto sa kanya, yung mga pangyayaring tatatak sa kanyang puso't isip. What a selfish world ba? Nah. Natawa tuloy ako.
Mas masayang isipin na kung san ka man nagpunta, sa iyong paguwi ay naroroon pa rin ang mga taong nagmamahal sayo't naghihintay. Sa kabila ng iyong desisyong lumayo muna ay malapit ka pa din sa kanila. Paniguradong may mga bagong tao kang nakilala sa iyong pasumandaling pag-alis. At sa pagbalik mo'y kumpleto pa din ang mga taong nais mong makita muli.
Naisip ko tuloy na malamang ay may naghihintay sakin sa may doorstep nya. Lagi na lang akong hinihintay. Lagi na lang ding nagpapahintay. Sana di man lang sumagi sa isip mo ang inip at pagkabagot habang nakamasid sa buwan sa gabi at bumubulong sa mga bituin ng iyong hiling na sana'y tumino na ko (Huhu!). Mahintay mo pa sana ko ng kaunti. Pasensya. (Hmm.. *zips mouth*.)
Di ba may sense naman ang sinabi ko? (Duda pa ko, ah.) Ewan ko pero basta ganyan. To summarize everything, it just means "sa hinaba-haba ng prusisyon ay sa simbahan din ang tuloy." Ay! Off topic pala. Joke. Hindi. "Home is where the heart is." Ayan. Ayos ba? Wag mong isipin ng literal, a. Maraming pedeng ibig sabihin yan "home."
Sige. LSS na lang muna...
Last Song Syndrome:
Coming Home Now
Boyzone
Chorus
And I’m coming home now
It’s been so long now
Gonna get there somehow
Praying you’ll be there
And I’m coming home now
It’s been so long now
Gonna get there somehow
Praying you’ll be there
******************
On the lighter side:
Alam ko na ang late na neto. Pero eto yung pic namin nung Christmas party ng company na ginanap sa Makati Shangri-La Hotel noong ika-19 ng Disyembre ng nakaraang taon. ;)
Goldi, Nina, Liza, Tess (from Workforce) and me
Some of my teammates. Si Zig naman yang nasa far left. Dressed to kill ba kami, ha? :p
posted by Arn at 8:30 AM
|
<< Home