Pang-Wala Lang Na Post...
Holiday ngayon dito. Walang pasok halos lahat. Pero kami syempre, eh meron. EDSA Revolution anniv kasi. Special holiday. Meaning 30% additional sa sweldo. Ok na din kesa sa bahay lang ako mag-stay.
Nakakatamad din ngayon sa opis. Kasi ala gaano tao. Parang Sabado. Tas yung proxy setting na ginagamit namin para maka-access ng naka-block na sites (friendster, PEx), eh nadiskubre na ata ng IT dito. Kaya ayun. Tablado na naman kami.
******************
Kahapon naman, late na ko nakakain ng lunch. 12nn sana ko bababa sa food court kaso ang dami pang naghihintay sa elevator. Andito kasi sa opis namin sina Pres. Arroyo at Sen. Roxas. Di ko nga gaano nakita maski ilang meters lang layo nila. Dami din kasing nakaharang. Tas may suot pa kong headset kaya di ako gaano makakilos.
******************
Nung Miyerkules, eh nakita ko yung barkada ko sa may Glorietta. Sa may Magallanes ang trabaho nya. Ako naman dito sa may Ayala kaya magkalapit lang. Huli ata kaming magkita nung umabay ako sa kasal nya. November last year pa ata yun. Nakita ko sya na pababa ng escalator. Paakyat sana ko kasi hinintay ko na lang sya na bumaba. Tas kinalabit ko.
Sabay na kami sa MRT at sa bus pauwi. Medyo nga inantok ako sa kwentuhan namin, eh. Magaiba nga kami, oo. Pero magkaibigan kami. Di kasi makaka-relate yun pag nagkwento ko ng mga hilig ko. Eh, nung nasa MRT kami, eh kinuwento pa yung textmate nya. Isang taon din nya atang di na-text yun. Nagkakilala sila nung na-wrong send sya. 0920 number ko. Yung naging tetxmate nya, eh 0919. Tas parehas na kami ng last 7 digits. Nung nasa MRT pa kami, eh inulit-ulit pa nyang sinabi number ko. Tas vine-verify kung yun nga. Ako naman medyo pilit na ngiti ko kasi di ko trip pag-usapan mga textmates o mga kalokohan sa fone. Tas ang lakas pa ng boses nya sa MRT at sinabi pa ng paulit-ulti yung number ko. Ayoko lang kasi ng medyo malakas ang boses na parang "boses lasing" pa.
Nung nasa bus naman kami, eh tanong pa ng tanong ng email add ko kasi kakagawa lang nya ng account. Eh, di kami masyado magkarinigan. Eh, di ang lakas na naman ng boses. Tas email add ko na naman ang napalakas ang sabi. Sinabi ko na ngang mamaya na lang.
Ok. Sige. Wala namang masama sa ganun. Kaso para sakin, eh ang private na ng celfone number at email add para madinig pa ng madami.
******************
Nakakaaliw na mag-edit ng template. Check nyo yung buttons sa dulo ng sidebar ko.
******************
Patay na naman. Ako na naman ang nakatoka na magbayad ng electric bill. Haay..
posted by Arn at 3:00 PM
|
<< Home