Whaaappaakkk!
Ang Sampung Utos (daw) sa Pag-inom
1. Huwag MAKULIT habang umiinom.
2. Huwag MATAKAW sa pulutan.
3. Huwag PATAGALIN ang BASO at mayroon naghihintay ng TAGAY.
4. Huwag uminom ng uminom kaylangang BUMILI ka rin.
5. Uminom ng DIRETSO sa TIYAN at huwag sa ULO.
6. Huwag biglang MAWAWALA sa inuman, MAGPAALAM kung UUWI NA.
7. Magtira ng PANGLAKAD kahit hinlalaki ng paa.
8. Huwag MATUTULOG habang umiinom.
9. Siguraduhing sa BAHAY ang UWI kung lasing na.
10.Huwag MATAKOT sa bf/gf.
Nakuha ko lang 'to sa isang messageboard na na-surf ko. Nag-lurk lang ako. Eh, tiyempong ayos pala yung thread na na-click ko. Kaya nakuha ko yang sampung kautusan na yan. Nakakatawa man pero may ibig pa din ipaalala sa atin, lalo na sa mga manginginom, tanggero, lasinggero, tomador, sampay bakod o kung anumang term meron kayo.
Naaalala ko tuloy yung una kong lasingan session. Disyembre a-otso yun kundi ako nagkakamali. Beerday este birthday celebration ng dalawa sa barkada namin na pinagsabay. Dun pa kami nag-set ng mesa't upuan pati mga handa sa garahe ng isa naming barkada. Unang official lasingan yun. Kasi graduate na din kami ng high school. Eh, pag nalaman kasi sa school namin dati, eh kickout ang pinakamatindi. Mga 16 lang ako nun, e. At ang unang nakalango sakin, eh Colt 45. "Kaya mo nang magdala. Nasa edad ka na." Ang bata kong nagsimula 'no? Wala pa pala ko sa wastong edad nun.
******************
Pasintabi muna sa magbabasa. Ang unang beses kong pag-throw up (Pagandahin na lang natin ang term para di naman yucky.. Haha!), eh nung birthday din nung isa naming barkada. Mga 20 yrs old na ata ako nun. Kasi debut yun nung barkada namin, 21st bday. Kaya tiba-tiba sa pulutan. May lechon, tahong, mangga, mani.. limot ko na yung iba. San Mig naman ang ininom namin nun. Sa likod-bahay nila kami nakapwesto.
Late na nga akong dumating, eh. Mga past 9 pm. Kadalasan, eh kung sino medyo huling dumating, mga dalawang sunod papatagayin para makahabol naman daw sa ikot (Ang wais ng mga barkada ko, 'no?). Tas alok sa'yo ng alok ng pulutan. Nakakahiya din naman kasing di dumampot ng kahit ano sa mesa baka sabihin, eh di mo gusto yung andun. Tsaka kadalasan, eh di talaga ko matakaw sa pulutan. Kasi mas hirap ako pag nag-vomit (Safe word na naman, 'to a)ako.
Eh, di nabunsol na talaga ko sa pulutan. Ang pinakamadami ko sigurong nakain, eh tahong at mangga. Tas pag patapos na yung inuman, eh uratan ang lahat. (FYI: uratan = kulitan, bolahan, lokohan, gaguhan). Nakauwi, o mas mainam ata na sabihin nakatakas na yung iba kaya mangilan-ngilan na din lang kaming natira. Umalis na kami ng likod bahay at lumipat na kami sa may garahe. Ang ingay pa din namin nun. Well, sila lang pala. Tahimik kasi ko, eh :p Hugas ng kamay dun sa hose/grupo. Tas biglang nilakasan yung tubig at tinapat samin yung hose. Kaya ang ending ay basa kami. Nakuha ko ngang sumampa dun sa pool table, eh kasi may humabol sakin na may dalang tabo. Kaya ayun, nakuha ko nang umuwi kasi pasado alas tres na ata yun.
Nakauwi naman ako ng maayos at direcho pa ang lakad. Ang siste, eh nung aktong hihiga na ko sa kuwarto ko, eh bigla akong nag-puke (Oist! Di bastos yan. Silent "e"). Di na ulit ako dumilat. Parang wala lang sakin na nasukahan (Haay.. wala na kong maisip na iba pang angkop na salita. Pasensiya.) ko sarili ko.
At sa pag gising ko ng alas-8 ng umaga (Maaga talaga kong magising), di lamang hangover, sakit ng ulo at namumugtong mga mata ang sumalubong sakin. Isama mo ang mga langgam na pula. Nakita ko na yung kobre kama ko, eh may mga kulay orange. (Alala mo na, isa sa pulutan namin, eh tahong?) Diring-diri talaga ko sa sarili ko kasi maski binti at braso ko ay may gumagapang na mga langgam. Ngeee.
******************
Ang pinakaayaw ko na atang balikan, eh yung uminom kami ng 2 grande at 4 na gin-pineapple. Naku't akoyo pa naman ng lasa ng pinya. Pero ala na kong nagawa. At una,eh tatlo lang kaming umiinom. Ayoko din talaga ng lasa ng gin kaso nahiya na kong tumanggi sa insan ko. At ang pinulutan na lang namin, eh yung mga bunga ng Indian mango sa likod ng bahay namin. Nadagdagan lang kami ng kainuman nung dumating yung dalawa ko pang pinsan na mas matanda samin.
Yun talaga yung para kong ewan na lakad ako ng lakad sa kalsada pagkatapos maligo. Nahihilo ko pero gusto kong lumakad. Tas di tumalab yung gamot kong softdrinks para mawala yung tapang nung alcohol. Dinukot ko na nga ng hintuturo ko yung lalamunan ko para maduwal na ko at mabawasan yung hilo ko kaso ala pa din. Nagpabili pa ko ng goto pero di ko din nakain.
******************
More than a year na din ata akong alcohol free. Ay! Naka-shot pala ko ng konti dati pero konti lang. Sa totoo lang, ang pinakaayaw kong part ng pag-inom, eh yung pagsusuka. Naluluha kasi ko tas ang sakit talaga sa tiyan.
Masaya naman ako sa desisyon ko na uminom pag may okasyon lamang. O, di kaya kung may dahilan. Di yung basta inom-inom na lang. Eh, kadalasan madaling araw na natatapos pag ganun. "Dring moderately" nga naman, sabi ng gobyerno. Ako, drink occasionally and socially na lang. Ayoko nang magpuyat ng magpuyat. At ayoko nang uminom ng parang walang bukas. Takot din akong mabangungot 'no.
Ayos naman na mag-happy-happy. Trip-trip. Di naman nawawala ang beer sa mga selebrasyon. Birthday, kasal, binyag, bagong taon, Pasko, maski nga holiday na gaya ng Bonifacio Day, eh may nag-iinuman samin. Ito lang siguro ang mga araw na mas madaming available at pedeng uminom.
Pero di ba pag lasing ka, eh ang lakas ng loob mong gumawa ng anumang bagay na maisipan mo? Mas makulit ka. Mas nailalabas mo kung ano yung gusto mo. Pero ibang istorya na yun.
Kaya mga senglot, sabi sa isang kanta, "Sa langit wala ang beer..."
Itaas mo. Pero kayo-kayo na lang muna. Sagot ko na lang ang kwento.
P.S.
Itinuro sakin nung barkada ko kung pa'no mo malalaman kung anong oras ginawa yung beer na tinutungga mo. Di ba yung tansan. Iharap mo sa'yo yung parteng may gray na plastic. Dapat yung logo ng San Mig, eh upright, parallel sa'yo. Tas dun sa binabanggit kong gray na plastic may makikita kang dot. Yun ang magsasabi kung anong oras na-produce yung beer na ine-enjoy mo. Di ko alam kung totoo 'to o inurat lang ako nung barkada ko. Haha!
posted by Arn at 1:25 PM
|
<< Home