(Street) Food Trip
I was just wondering when was the last time I enjoyed eating street foods. Enjoy as in e-n-j-o-y! I barely have time to make tambay (Oh, sh/t! I can't believe I'm saying this in a conyotic way.) with my friends...childhood friends. I think I have the luxury of time during my days off from work. But I also feel that I am running out of time thinking about.. I mean worrying about [enter anything you may want to].
Geez. Kaya ako namamayat ng ganito. Tsk. Tsk.
I was actually thinking about creating this post last night, while I was on my way home. You know when you're in a public transport. Some street foods are brought by the vendor/s inside the bus. And they would make alok (haha!) to you. Btw, the way they attract customers is amazing. They are almost singing to their own melody with the lyrics of course the item/s that they have.
Ah, mani..mani.. (boses na parang naipit at medyo matinis) Sitsarong baboy, ispeysyal.. bagong luto lang, o. Malutong.. Big- tubig..malamig.. sampu lang isa.. Kanya-kanyang diskarte rin talaga.
I was so tempted to buy balut yesterday at the bus station. But I decided I'd just get two tomorrow, which is today. So, later definitely.
Uhm, here are some of the street foods that I really miss eating:
* balut - mas ok pa din ang balut samin kesa yung dito galing sa city. Nuebe pesos lang samin. Dito sampu.. mahal. Tsaka samin may maanghang na sukang kasama.
* maning basa - yan po yung nilagang mani. Mas gusto ko talaga to kesa dun sa maning nasa loob pa nung kulay brown niyang balat tas tuyo.
* kwek-kwek - mas nalilinisan akong kainin kung kulay dilaw yung balot nyang harina kesa orange.
* tukneneng - mas malaki naman to sa kwek-kwek. Bale, itlog ng manok na nilaga tsaka binalutan ng harina. May mga stalls sa mrt na may tindang parehas ng nasabi ko. Masarap naman siguro kaso iba pa din yung kain kapag dun ka bumili sa naka-kariton na nagtitinda. Hindi lang yung pagkain, eh pati yung ambiance. Hehe.
* LTB - for lugaw, tokwa, baboy. Madalas di ko nakakain yung baboy kasi nbilaga lang. Sa panlasa ko, eh parang di pa luto. Yung tokwa naman, eh konti lang din ang kinakain ko kasi di ko gusto lasa neto. Gusto ko lang din kasi dito, eh yung maanghang na sawsawan ng tokwa't baboy.
* goto - syempre mas may dating to kesa sa lugaw kasi madalas may kasama tong twalya ng baboy, balun-balunan na paborito ko at dugo. Lalo pang masarap pag may kalamansi. Meron ding mga stalls o fastfood na nagbebenta nito. Pero sabi ko nga, iba pa din kung dun ka bumili sa karinderya o sa may kariton. Di mo mabibili yung ambiance.
* Ihaw-ihaw - kasama dito ang adidas (chicken's feet), betamax (dugo), ulo ng manok, bbq, hotdog, isaw (bituka/intestine ng manok o baboy), tenga ng baboy. nakakapaglaway, no? Makita mo pa lang na iniihaw na yung order mo, napapadila ka na sa labi mo at gusto mo na agad isawsaw sa maanghang na sawsawan.
* fishballs - isama mo na ang kikiam, squid at chicken balls. Pero ang karaniwang nasa tinda ng naka-sidecar o kariton ay fishballs at kikiam. Nakakapaglaway din lalo na pag medyo tustado yung fishballs at pag sinawsaw mo ay nanunuot ang sukang maanghang sa loob. At pagkagat mo, mapapangiwi ka. *lasap*
* kakanin - puto, sapin-sapin, kutsinta, nilupak, binatog, biko, ginataang mais, bilo at munggo. Medyo mabigat ng lang sa tiyan. Pero bakit ba? Laman tiyan din yan. Tsaka pag gutom, eh talu-talo na. hehe.
* Samalamig/Palamig - madalas tubig, arnibal at sago lang ang laman nito. Naaalala ko pa na malaki pa dati ang plastic na lalagyan nito di tulad ngayon na ang payat na at isang salok lang ng sandok ang kasya sa loob. Tas noon, yung sago ay ipinangtitira/ ipinangsusumpit namin sa mga kalaro namin. May flavor din to. Yung iba buko-pandan (kulay green tas may gelatin), may kulay pula na may pula din sago at gatas, may chocolate pa nga ngayon, eh.
* Ice candy - eto ang tagal ko na talagang di nakakakain. Ang paborito ko na noon, eh yung grape flavor at chocolate. Ngayon kasi frostee na ata o iba na yung tatak ng uso.
* sorbetes - ah, eto mas masarap kesa sa alinmang brand. Yung apa pa lang na manamisnamis, wala nang binatbat yung mga may pangalan nang ice cream. Tapos, sa isang order, karaniwan ay 3 scoop ng magkakaibang flavor ang ibibigay sayo. Masarap din pala ito pag ipapalaman mo sa monay.
* footlong - madalas akong kumain nito nung college. After laboratory classes, bili muna kami ng mga barkada ko tas tambay dun sa tindahan nito at nagpapalipas ng ilang minuto.
* siomai - shark's fin/dumpling ewan ko ba ba't ang mahal nito dito. Eh, nung nasa ust kami, 4pcs/12 lang. Dito halos P30 ata 4 pcs lang din naman. Pero that was 4 yrs ago. So, baka nagmahal na nga ang ingredients.
* turon - may langka man to o saging lang ang nasa loob ng balot, ok na.
* banana at camote cue - basta mainit pa, masarap. Pag malamig na kasi, eh naglalawa yung asukal eh. Parang nilawayan ng ibang tao. haha.
* fish crackers - eto ang all time favorite junk food ko. Junk food ba to? Siguro kasi nung pinakita sa Imbestigador yung pagawaan ng mga ganito, eh iniipis at ang dumi ng lugar. Malamang junk nga. Kaso siguro naman yung binibilhan ko nito eh di dun sa maduming factory galing. Wala naman sigurong insect remnants, body fluids at pests excretions ang kinakain ko. Pag naiisip ko din ang fish cracker, eh naaalala ko yung pinsan kong fil-am na umuwi dito nitong summer lang. Nasa pool kami tas pinasisisid ako nung isa ko pang batang pinsan. Susundin daw nya ang iuutos ko pag sumisid ako. Sumisid ako tas inutusan ko na ikuha ko ng fish cracker. Nung kumakain ako nun sa pool, kinuka nung pinsan kong fil-am yung nasa kamay kong fish cracker. Tas nung nakain na nya eh humingi ulit. Kala ko kasi di din ako gaanong kakausapin nun kasi nga di sanay mag-Tagalog. Dahil sa fish cracker nagsimula yung usapan namin.
Buti nga di ako nagksakit nung kumakain ako ng ganyan nung bata ako, eh. Yung iba ko kasi kakilala nagka-hepa. Di ko alam kung matibay lang ba talaga sikmura ko at masyado namang pihikan ang sa kanila. Basta ang akin lang, eh na-enjoy ko talaga ang pagkain sa mga ganitong klaseng pagkain. Di ba nga minsan pag may foreigner, eh street food din ang madalas nating ipasubok sa kanila?
Ewan. I think it's not just the food. Ambiance, as I've said, adds something in the scene. Eating in the streets make me feel more than normal.. more than basic.. more than natural.. Dining in some posh or cozy places are ok. But in the street, it's more intimate, I guess because you get to know more about the people you're with. Eating goes well with a nice chit chat.
Also enjoying street foods bring me back to the 90's. Ewan ko. Pero it has that effect on me. More of barkada and the food. My voice and his/her voice. My joke and his/her joke.
Haay, nagugutom na naman ako.
posted by Arn at 3:29 PM
|
<< Home