Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Wednesday, August 24, 2005

Another "Isip" Moment

Ganito talaga ko. Matanong lalo na pag ka-close ko yung kausap ko. Mahilig din akong gumawa ng mga situations na kunwari, eh andun ako sa oras na yun. Yung mga what ifs ba.

Sabi nga nila, habang buhay ang tao, eh di titigil yan sa pagtuklas ng kung anuman ang gusto nilang tuklasin na karaniwan ay para sa personal satisfaction niya. Eto pang isa. There's a hild in each and everyone of us that make us always wander about things. Of course, when a person wanders, there's always a question that is popped out to be answered... to be ignored... to be answered just to find out that the answer is just another question and so on.

Kaya heto. Habang kumakain ako ng tanghalian ko kanina sa RC ay may kung anung hangin (di ako nalipasan ng gutom at hinangin ang utak ko, a) ang pumasok sa ulo ko at naglaro ang mga palaisipang kasabay ng pagnguya ko ng kanin at ulam. Nawa'y maintindihan lamang ng aking mga mambabasa na hindi ito gawa ng aking malikot na isip. Ako'y isa lamang bata (ehem!) na nagtataka din naman ng madalas.

1. Ano kaya ang pakiramdam ng nasa LDR (long distance relationship)?
2. Bakit kaya pag nauna ka sa pila sa bilihan ng pagkain, eh may sisingit at sisingit pa din? Yung ready na talaga siya magturo ng ulam nya tas diretso agad dun sa bayadan. Wala man lang pasintabi.
3. Bakit pag nagpalit ka ng brand ng shampoo, eh nagkaka-dandruff ka? May adjustment period ba ang scalp to cope with the new shampoo formula?
4. Pag nangulanot ka tas pinitik mo lang, may chance kaya na pag naglakad ka, eh matatapakan mo din ang sarili mong ngotkula?
5. Bakit yung water dispenser sa kinakainan ko, eh nakasaksak naman tas may ilaw yung hot and cold pero pag kumuha ka ng tubig eh maligamgam pa din kaya kailangan mong lagyan ng yelo?
6. Malinis kaya yung kamay nung nagtiklop ng tissue dun sa kainan?
7. Sukatan ba ng tagumpay kung kaya mong higitan ang narating ng kaibigan mo? (Nakam. Seryoso.)
8. Sa tagumpay ulit, masasabi mo bang matagumpay ang isang tao kung titulado ito? Yung tipong bago mo banggitin ang first o last name, eh may Msgr o Dr o Atty muna?
9. Ano ang karaniwang "staying power" ng isang tao sa kanyang karera?
10. May future kaya ako?

Yan lamang po. Bow.


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 4:44 PM