Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Saturday, June 02, 2007

Sa Tindahan (Pero Di Ni Aling Nena)
11:44pm
Music: Minamalas - Mojofly


Napangiti ako ng aking pamangking lalaki noong Martes.

Bago ako pumasok sa opisina, nagpapabili ako sa kanya ng dalawang klaseng ulam sa may tindahan sa kalsada.

Hindi ko kilala yung nagtitinda. Pero alam ko na kapitbahay ko siya. Tubo sa aming lugar ang kanyang mga magulang, parehas ko. Pero di hamak na mas may edad sa akin yaong naninindahan. Nanay na siya na halos kasing edad na rin siguro ng aking nanay, sa aking palagay. Nito lang din siya muling bumalik sa aming lugar para manirahan kasama ang kanyang pamilya.

Ayun, sa kanya na ko palagiang bumibili ng ulam. Lutong bahay kasi. Mura pa. Hassel nga lang ang pagdala patunggong opisina. Isipin mo na lamang ang ilang kilometrong tinatahak ko sa araw-araw. Pero sulit din naman kung minsan. Nasasayahan na din ako sa beinte peso na kalahating order ng karne o sampung pisong kalahating order ng gulay. Inuuna ko ang kahit ano sa dalawa sa pananghalian at hapunan sa opisina.

Ngunit noong Martes ay nagustuhan ko ang kanilang sinigang na baboy. Sakto lamang ang iniabot kong pera sa aking pamangkin. 20 para sa sinigang at 10 para sa ginisang ampalaya. Kaso pagbalik nya ay sinabing 25 na raw ang kalahating order ng sinigang. Karaniwang pag-abot sakin ng ulam ay siya namang bigay ko sa kanya ng limang piso bilang kapalit ng pagbili nya ng ulam. Walang pasok sa eskwela kaya't alam kong pwede na rin ang limang piso pambili ng tinapay na pang merienda sa hapon.

Hinbol ko ang aking pamangki upang iabot ang isa pang limang piso dahil sakto nga lamang ang iniabot kong pambili. Inisip kong ang kulang na bayad na ibabalik nya sa tindahan ay yung para sa kanya. Pero sinabi nya na natawaran daw nya dahil suki naman daw kami.

Napailing na lang ako at nangiti.

Labels: ,


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 12:02 AM