Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Friday, July 11, 2008

07.11.08 Fri
4:21pm
Music: The Truth - David Cook
Muching on: BluSkies Spring Onion Crackers/ Jolly Finger Cream Sandwich Cookies
Location: Office


Petiks

Relaks. Take a sit and, not wats a movee, but surf the net.

Sa tagal ko na siguro sa posisyong ito, ngayon lang ako nabakante ng higit 4 na oras. Tumbas na ng half day kumbaga. Salamat na lang at Lunes pa lang, may mga inuna na kong ayusin para kung anumang balakid sa trabaho ang dumating, may sobra pa akong oras. Gaya ngayon. 'Di balakid pero akin 'to. Akin :)

Salamat din at may iba na akong ka-teammate na humahawak sa dati ay para sa akin. Laking tulong talaga nito at kabawasan na din sa work load.

Pero kung susumahin, 'di naman kalakihan ang puntos na nabawas. Linggu-linggo, pumapatak ng humigit kumulang siyamnapung sessions ang aking sinusuri. Ngayong tapos na ako, na pwede pa din naman akong magdagdag ngunit ayoko na lang, ay naka animnapu't walo ako.

Ayos na din, 'di ba?


Bukod sa pagsubok na mag-post ng blog, pinapakinggan ko din sa net ang mga origihinal na kanta ni latest AI champ na si David Cook. Biruin n'yong may 3 album na pala siya. Eto, check n'yo (http://www.davidcooktheamericanidol.com/music/). Hinahanap ko lang talaga yung lyrics ng 'The Truth' kaso sinuwerte at nakita ko nga itong site na 'to. 'Di ko nga lang ma-download yung mga kanta.

Kaya eto ko ngayon, naghihitay na mag-5:30 para makauwi na. Biyernes ngayon. Dami tiyak tao sa MRT at sa terminal ng bus.

Bibili pa ko ng panregalo sa pamangkin kong magbe-birthday sa isang linggo.

PS. Kainis kasi iba sana ang ipo-post ko. Kaso nga lang na-mental block na ko. 'Di ko kasi nasulat maski gist man lang sa tickler ko. Nakatayo kasi kanina ko sa bus. Alangan namang magsulat ako habang nakatayo. :p

Ipa-publish ko na 'to at baka magsara pa yung proxy ko. Ssshhh...


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 5:15 PM