Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Tuesday, September 27, 2005

11 Days to Go Before My Birthday

tick tock <spoiler> I was this close to pissing myself off this morning.

Mga 20 minutes akong late sa office. An hour and 40 minutes akong naghintay ng sasakyan kaninang umaga. Higit dalawang oras talaga ang pataan ko para siguradong di ako late sa office kaso wala talaga. Nakailang rap number na nga ako sa kalye, eh wala talaga.

Walong bus patungong Cubao ang pinapara ko pero ayaw na talagang humintot't magsakay kasi nga puno na. Lampas 8:40 am na nang ako'y nakasakay sa fx. Nakakapagtaka nga at 4 pa ang kulang na sakay nung fx e kadalasan napupuno na yun mula crossing samin.

Napapamura na talaga ko kanina sa inis sa kakaintay at sa mga bus na ayaw huminto.

Kung mabilis na ang lakad ko sa walkway, mas binilisan ko pa dahil alam kong late na ako. Pero sa kabilang banda, naisip ko na ang isang minutong late ay walang pinagkaiba (ata) sa metrics/records ko for the week. Kaya bumalik sa normal ang paglakad ko. Di ko gaanong inintindi na huli na ako. Wala na rin naman kasi akong magagawa.

Kesa mainis, eh sa walkway ko pinagpatuloy ang pag-hum ko ng kahit na anong kantang maisipan ko. Pinagmasdan ko yung mga ginagawang building sa gilid ng daanan ko. Nakasalubong ko pa nga yung teammate ko at sinabihan ko na late na ako. Kasi pag endshift nya, eh dapat naka-log in na ko. Kaya yung pagkakasalubong namin ay patunay na late na ko.

Kaya pag-log ko dito, more than 20 minutes na akong late. Syempre dumating ako in my most haggard look (Lagi naman, eh. Haha!).

Yung late na 'to, hindi ko inisip ng pa-negative. Maski na hindi ako makakakuha ng award para sa pagiging on-time sa work, oks lang.

Naisip ko kasi na eto pa lang ang pangalawang pagkakataon na na-late ako sa office. Naisip ko din na sa halos araw-araw na lang, lagi akong nagmamadali. Binibilisan kong lumakad para lang makapag-log in ng maaga maski na alam ko na di pa ako late. Ang bilis ko din minsan kumain ng lunch. Ang bilis ko din umuwi. Lahat na lang ata minamadali ko para sa dahilan na matapos lamang ang bagay na yun. Tinatakpan lang ng pagmamadali ko ang mga iniintindi ko. Mas nalimutan ko to take my life as it is. At kung hindi man umepekto yung una kong plan, dapat may plan b o c para handa. O kaya hanapan ng alternative solution.

Siguro nakalimutan ko na na mag-enjoy habang papasok sa trabaho. Dati kasi kumukuha pa ko ng larawan ng mga interesanteng bagay gamit ang phone ko bago pumasok sa office. O, kaya mabagal lang ang lakad ko para di ako gaano pagpawisan at realxed ako pag-log in ko. Sa ganun kasi, naiiwasang maging irate sa customers. Mas nagiging patient ako.

Natanong ko kanina sa sarili ko na kaya ba ako nagtatrabaho para lang magkaroon ng perang panggastos... pambayad ng bills... pambigay sa magulang... masabihan na hindi bum o loser... kasi graduate na ako... para may mapatunayan sa sarili ko at sa mga tao...

Minsan ko lang ma-appreciate yung sarili ko. Ngayon ko lang ulit gustong sabihin na proud ako sa sarili ko... kahit mumunti pa lang ang narating ko... kahit di pa ako fulfilled... kahit pangkaraniwan pa lang ang nagagawa kong difference sa buhay ko.

Siguro yung sinasabi nating direction, eh medyo blur pa din. Maski na 4 yrs na kong naka-graduate sa college. Wala pa din akong concrete na sagot pag tinanong ako ng, "Where do you see yourself 5/10 yrs from now?"

Eh, sino ba ang may kasiguraduhan sa hinaharap? Maski na anong galing ng isang tao, di nya mapipigilan kung magkakasakit ba siya, kung babagsak ang negosyo nya, kung mapapariwara ang isang miyembro ng pamilya nya.

Kasi ngayon maski na madami pang kulang, sulit naman kung anong buhay meron ako. Hindi ko rin alam kung mabilis lang ba akong makapag-cope up sa bagong sitwasyon o ano. Ni hindi nga ako ganun kagaling makisama, eh. Kulang ako sa PR. Pero natutuwa ako sa sarili ko na minsan bigla na lang akong magkakaron ng bagong kaibigan o isang maganadang pag-uusap sa isang kaibigan o sa isang taong noon ko pa lamang nakilala.

Parang ok. Kung ang gusto ng isang tao, eh magkamal ng malaking salapi para sa future nya, eh di sige. Kung sa palagay nya, eh ok na na may titilo na siya o siya ang boss, sige. Kung may tsikot ka na at may pamana na sayo ang magulang mo, sige.
</spoiler>


Sorry. This entry has to be cut due to certain reasons. I just want to end the post with this: I am proud of myself. ;)


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 3:22 PM