Random Thoughts XX
* Nakainom na ko nung Coke "sakto" habang naghahapunan ako sa post na ito. Ito yung nasa maliit na bote tas limang piso lang sa tindahan. Di naman siya ibang variety (vanilla, ice, etc.) nito kundi sa size o ounce lang nagkatalo. Pero ang cool nung bote. Parang old school Coca Cola. Gusto ko nga itago yung bote kaso hiniram lang yun sa tindahan, eh. Mukhang vintage pa naman. Sayang.
* Nung nakaraang Sabado, naibili ko na ng tsinelas yung 2 kong kapatid, yung kamukha ng sa akin. Kaso mas mahal na ngayon kasi wala nang discount/promo sa sports house na yun. At medyo natagalan ako sa pagpili para sa tamang size at ayos na kulay ng strap. Pero ang mas nakakatuwa dito ay yung text message sakin ng isa sa mga kapatid kong binigyan ko nun. Ang text nya, eh,
"Kuya, salamat s tsinelas... E2 n nga pla bago q #"
Hindi kasi kami close nyan.
* Hindi pala kami makakapunta mamayang gabi sa birthday party ng kaibigan namin. Di kasi masyado naayos at nagpag-usapan. Tsaka busy din lahat.
* Mula naman sa post na ito, medyo maganda ang araw ko. Kasi may natanggap na kong 2 text messages kagabi. Tapos isa kanina. Pero di ba nga sabi ko na gusto ko pa munang single ako. Sige ka. Baka mamaya mahalin na kita. Haha!
* Hindi ko alam kahapon kung ano ang nakakatawa sa suot ko. Kasi pagkatapos kong mag-submit ng ilang forms sa HR, eh napansin ko na parang pinagtatawanan ako ng 2 janitor na kasabay kong naghihintay ng elevator. Tinuturo ako nung isa gamit ang kanyang nguso tas sabay silang ngingisi. Ibig ko na ngang sabihin na, "Ang guwapo ko no?"
* Kahapon sa may elevator ulit. Nung 12 am pa ang shift ko, eh palagi muna kong natutulog sa sleep room sa luma naming bldg noon. Madalas kasi na ang dating ko sa work, eh 9pm. Kaya pagkatapos kong kumain, eh natutulog muna ko. Isang gabi ay naalimpungatan ako't may nadinig akong umiiyak. Alam ko lalaki yun kasi nung hinanap ko kung san nanggaling yung tunog, eh nakita nya ko tas nagtakip ng kumot. May stuff toy na Jack Jack (the Incredibles) sa may ulunan nya katabi ng kanyang bag. Tas kahapong papauwi na ko, may nakasabay akong may dalang Jack-Jack at kumot. Dun sya sa 3rd floor bumaba. Eh, andun ang sleep room ng bago naming bldg. Naisip ko kung iyun ba yung umiiyak noon. Siguro ang makapagsasabi lang sakin ng sagot, eh si Jack Jack. Haha!
* Parang nagsawa na ko kumain sa may RC. Di sa pagkain kundi sa lugar. Oo nga't makasasagap ako ng sariwa't may pagka-polluted din namang hangin. Basta makalabas lang ng office para bagang breather lang para di nakakainip. Pero tinatamad na kong um-order, umupo, kumain tas sibat na. Isa sa mga bagay na ginagawa ko na routinary na nakakasawa. Kaya nitong work week na 'to, eh halos take out na lang ang ginawa ko at sa pantry na lamang kumain. Ngunit sayang ang P2 bayad sa styro nila. Sabi ko pa naman napamahal na sa akin ang RC at mukhang ibinablik nito ang alaala ng college. Pero bakit ako nababato?
* Malamang na birthday celebration ng lola ko sa Linggo kaya uuwi kami sa kanila. Ilang minuto lang naman ang biyahe. Nakakainip kasi sa lugar nila. Kaya madalas, eh nauuna na agad akong umuwi. Pero masaya naman dun at nandun ang halos lahat ng mga pinsan ko. Alam ko, eh 84 na ata ang lola ko. Madalas kasi nyang sinasabi na 1 taon lang ang tanda nya kay JPII.
* Ang cool tignan ng bohemian na porma. Parang reggae/gypsy/pirate ang dating. Basta parang ang kulang na lang na mangyari ay umihip ang malamig na hangin sa tangahaling tapat, yun ang kukumpleto sa porma nila. Kaso nagiging masyado nang commercial. Halos ang mga malalaking malls, ganito ang nakasuot sa mga manikin at naka-display. Halos araw-araw ay may mga babae din akong nakakasalubong na halos ganito ang dating. Halos sayad na sa lupa ang palda. Magandang tignan. Kaso nakakasawa kung araw-araw kong nakikita. Gandang tignan nung mga nakaganito na simula noon pa ay trip na nila ang ganitong porma, hindi dahil uso lang. Haay, pop culture - mahal pa naman kita.
* Nagsisimula ko nang hanap-hanapin ang lasa ng pan de sal ni tita.. err, that sounded bastos, man! Haha! Seriously, mas masarap ang pan de sal ng isa sa mga kamag-anak namin kesa dun sa isang bakery na matagal na naming binibilhan. Mas malambot. Mas mabango. Mas malinamnam. At higit sa lahat, environment friendly ang lalagyan kasi nasa paper bag. Syempre mas tatangkilikin namin ang sariling amin.
posted by Arn at 3:28 PM
|
<< Home