Walang titulo
Lapit na pala ng Oktoberfest, no? Maski na di pa ko nakadalo sa alinmang party nito, masaya pa din ako pag nadidinig o napapanood ko yung ganitong celebration.
Nung isang gabi kasi. eh napanood ko sa tv sa bus yung plug na "10 days to go, Oktoberfest na..." Napaisip ako na ang bilis talaga ng panahon. Nung isang taon lang, sa parehas na buwan, ay may kausap akong isang kaibigan kung pupunta sya sa Oktoberfest '04 celebration sa Megamall. Di ko na din pala namalayan na halos ilang tulog na lang ay babaha na naman ng serbesa sa kalakhang Maynila... at nalalapit na din pala ang aking kaarawan.
Sa parehas na araw at telebisyon nung napanood ko ang tungkol sa Oktoberfest, nagtaka din ako na may black darna din pala. Haha! Hindi ako regular na nanonood ng show na ito. Pero mas sexy ata yung black darna played by Katrina Halili kesa sa bidang darna na si Angel Locsin.
And speaking of Katrina Halili, tingin ko konting panahon na lang at magiging cover girl na din ito ng isang men's magazine. Kadalasan kasi sa reader's section ng mga babasahing ito ay siya ang kasama sa wishlist ng mga tagatangkilik.
Noong isang araw ay nakasalubong ko sa may Landmark yung kaklase ko nung high school. Parehas kami ng pinasukang unibersidad pero lumipat din siya matapos ang unang taon ng pamamalagi dito.
Di pa nga nya ko nakilala. May harang kasing accessories stand sa pagitan namin. Kaya nag-snap na lang ako ng daliri malapit sa tenga nya. Tas sinabi nyang, "Arnold, di ba?" Tumawa lang ako. Sa isang call center din sya nagtatrabaho. At kasama nya nung gabing yun ang girlfriend nya na mukhang ang bata pa talaga. Hehe.
At ngayon-ngayon lamang, kaka-meet ko lang sa former teammates ko. Si Nina lang sana ang sadya namin sa may starbucks. Kaso di pa ko kumakain nun (Alas 4 na pasado kasi kaya tom-guts na ko). Nagkwentuhan muna kami nina Liza at Goldi sa tapat ng kfc. Tas si Lea pala ay andun din kumakain. Ayun, nagulat kami nung lumapit samin kasi ang pagkakaalam namin ay ansa Europa pa siya para sa tour ng kanyang choir.
Kumain muna ako sa kfc. At sa labas na ng kainan namin nakakwentuhan si Nina. Tiyempo din at nagpang-abot pa sila ni Lea.
Kaya ayun, masaya at nakita kong muli ang mga dati kong kasama sa trabaho. Halos 5 buwan din ata kaming di nagkitakita.
Masaya din ako at parang nalalampasan ko na ang isa sa mga bagay na kinatatakutan ko. Yung tipong mas ok na lang napalampasin ko. Kaso natapos ko na yung requirements for promotion. Opo, mga kaibigan. Nag-apply ako for promotion at nag-submit na ko ng requirements sa hr kahapon. Sa halos 2 taon kong pamamalagi dito sa kumpanya, ngayon ko pa lang mararanasan ulit ang magpa-interview. Kelan? Di ko pa alam. Wala pa kong natatanggap na email kung may schedule ako ng interview.
Hindi ko naman minadali ang pag-a-apply. Pinag-isipan ko din naman. Medyo kinakabahan lang talaga ko kasi paniguradong dadaan na naman ako sa panahon na kailangang patunayan ko sa aking sarili, sa departamentong kabibilangan ko kung saka-sakali at sa mga bagong/lumang taong makakasama ko sa pagsasaayos ng aming trabaho.
Sa totoo lang, naiisip ko na baka magkandamali-mali ako sa interview. Mas madami ang negatibo kesa sa hindi. Pero hindi ko din naman malalaman hangga't di pa nangyayari ang araw na iyon.
Basta pagsisikapan kong paghandaan ito at lakas ang aking loob.
Mataas naman ata ang metrics ko. *yabang*
*** God bless sa aming lahat ng mga kaibigan kong nagsipag-apply din. Sana isa sa ating ang maging katangi-tanging QA Analyst. :)
posted by Arn at 4:55 PM
|
<< Home