Thursday, March 31, 2005
A Promise Or A DareSounds familiar, he? Actually, it's the opening line of the song "Five Candles (You Were There)" by Jars of Clay. Well, this post would be dedicated to two of my very, very good friends: Margaux and Ronald. It was their birthday last Monday, March 28th. I was trying to call Ronald before I took my siesta but was not picking up his phone so I decided to send him a text message. After I woke up from my short sleep, he already replied and said that he was sleeping that time. Margaux, on the other hand, got my call a little past 4 p.m. She was at school finishing something. Oh, make that medical school. Actually, both Ronald and Margaux are med students. The former in San Beda while the latter is in Fatima. Giving someone a ring isn't really me. I am too lazy to text someone. What more on calling someone? But you know, I do not want to dump my prepaid credit through expiration. And I keep on convincing myself that I could afford to buy a prepaid call and text card whenever I run out of it. As long as my phone would not end up in zero credit, that's fine. You never know when you need to contact someone. Aside from from the convenience of having a "load" on the phone when you needed to use it even in the wee hours of the day, connecting people should be another benefit. Simply amazing, isn't it? Hmm, sounds like a telecom ad. Haha! Right now, I do not want to pass any special ocassion in the life of the closest people to me. I try to remember their birthdates so I could greet them. Roselyn, one of my college friends, was even shocked when she got a call from me last January to greet her a happy birthday. She said, "Gulat naman ako. patawag-tawag ka na ngayon, a... Touched naman ako. Grabe..." Ok. Back to the celebrators. Ronald was seated to my right when we were in college. Margaux was on the opposite row. We were all in front. I don't have a very good eye sight so I have to be there. Most of my group almost occupied the first four rows in our room. Ronald was the masculado ( na chubby) among all of us. One of my friends, by the name of John, even called him chubby nape and kargador sa pier. He could cook, could sing, could... basta medyo madami. And he always let us stay in his house if it would be impossible for us to go home after a party. I believe he is the most maporma because of the hair gel. Haha! On Margaux? Hmm, my dance partner. The first person I noticed on day 1 of teh freshmen orientation. She was the one who represented our class on stage. She was wearing a white sleeveless blouse and maong pants. Part Pinoy. Part Chinese. She was like my date during acquaintance parties in college. My audition partner for the dance troupe (danced "Try Again" by Aaliyah). We always had little misunderstandings then like each year tampuhan. I guess, that's what they call the test/s of friendship. Almost always, both are with me during gimiks, food trips, road trips, outings. Here are some pictures so you'd get images on how they look like. Margaux Joms, John, Dr. Rotor, Ronald and me. Taken after our graduation ceremonies last April 2002. Margaux's the one in pink. Trivia: Margaux and I were not ok when we graduated. Last Song Syndrome : Five Candles (You Were There) - Jars of Clay **for obvious reasons...
posted by Arn at 1:44 PM
|
Wednesday, March 30, 2005
Yipeeyayipeeyeyo!New skin courtesy of Goldi. (Thanks! ) I'm still hyped editing little details so I couldn't post something not so interesting today. What I like about this new layout are the cursor and the black/white background of the guy in the picture. Anyway, enjoy the rest of the day friendly friends.
posted by Arn at 4:10 PM
|
Tuesday, March 29, 2005
Random Thoughts VIIHey ya, guys! I've been out for the last four days. I pretty much enjoyed my boring Holy Week bakasyon grande. It's the longest I've had since I got into this job. I was suppose to watch the three-day senakulo in my place but I stayed home instead. I was just too lazy to move my butt from one place to the next. Whenever there's an event like that, a lot of street food are being sold from nearby the chapel. Halo-halo, fishballs, kikiam, tuknene, pop corn, the list goes. So, I asked my nephew to grab some nilagang mani for me. Holy Thursday was my last day at work. Good thing there was no traffic as I went home. Good Friday was the day I did some cleaning in our bathroom. Black Saturday..hmm, just bummed around the house. Of course, there was a movie marathon on Channel 2 during these days. ****************** I tried my luck in finding a nice jacket at our friendly neighborhood ukay-ukay. Got my pants repaired first then, headed to this place where my sister usually buy some cool stuff. Checked on the items. Mapapa-hatssssiiiiinngg ka pala sa alikabok. I found some nice items. But new styles would be available by next week. I don't want to go home empty handed so I bought this really, really nice black jacket. Guess what the brand is - Marks & Spencer. Perfect for a nightout. 'Nuff said. ****************** Hot, hot summer we got here. According to the papers this morning, yesterday's temperature was the hottest the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (just say PAGASA) has regestered for this year. So, probably that's the reason why I spent some time taking a bath yesterday morning. Then, took a shower again at around six p.m. ****************** Before going to work, the narra trees (Here I go again) on the pathway I always take are full of their yellow, little flowers. Some scattered on the soil, some still on the tree looking good with the green leaves. Either way, I don't care. As long as it's summer and I could smell the summer breeze or whatever, I am perfectly fine. Those trees bring some sort of a nice smell which is more noticable during the day. I love summer. I love trees. What the heck. I'm a botany graduate nga pala. Haha! ****************** I just do not like the start of my work week. First, I have to surrender and register my celfone to the guard. My claim tag is numbered, let me see..hmm, 14. Second, my destop showed nothing after I logged in. I thought there was a technical difficulty or reimaging session but no. Drive C: is gone. LAN settings is also gone. Clear History button is gone as well. MS Word and Excel is... you' re right. Ranting ain't gonna help. Bring back PEx!!! Eveything's gone. Everyone's gone. Oops. Did I say everyone? Some are resigning. And that's a totally different story. Ok. Shut me up now. ****************** I came across Netdisaster via Jen's . See the harakiri-ed version of my blog****************** I do not want to end this post without leaving a smile on your face. So, all together now... Jumbo hotdog kaya mo ba 'to? Kaya mo ba 'to? Kaya mo ba 'to?
posted by Arn at 10:34 AM
|
Thursday, March 24, 2005
My Beloved Day
That's Mahal na Araw translated literally. It's Holy Week and still got work. We would not be called a 24/7 company if we don't. Anyway, I was pretty much prepared before going to work. I enjoyed my cup of coffee and three pieces of pan de sal while listening to a cd. Though the MRT has no operation today, I still managed not to be late. Simple stuff like watching the sun rise while inside a bus, looking at the people standing by the streets waiting for their ride, glancing at huge billboards along EDSA... It's one of those days where I felt really light then a wrecking news would spoil everything. Yeah. I am sad. Oh, make that depressed and worried and paranoid, the list goes. A number of us would have to be transferred to another account come next month. From 20, we would be trimmed down to 7. "Lucky" 13 would have to move whether they/we like it or not (Or should it be by hook or by crook?). Also, no celfones on the floor starting March 29. Only level 4 employees and up are allowed to "display" it inside. Oh, well. I fall under the level 2 category. Sorry for me. I have to surrender mine to the guard on duty before entering the premises. My batchmate slash teammate, Zig would be spending his life partying, sleeping and getting up to sleep again, girl watching, spending more time with his loved ones, basically him is equal to no limits. No office hours, company policies, traffic, etc. He just sent us his "bye-bye" email. Good luck and see you again. I'm trying to divert myself to other things but I am really bothered by that "opportunity" to grow in another account. I hate goodbyes even the word would just eat a couple of seconds to be uttered, I still hate it. Even if it's just temporary, I still hate it. Even if it would mean "I would be back", I still hate it. I hate it. I hate it. I thought this day would be a good one since I'm off for four days - two days vacation leave followed by my rest days. *sighs* ****************** On the lighter note, help me in welcoming the newest addition to our family, Gabby. My sister just gave birth to her last March 20th, Sunday. Also, happy birthday to Rhia, Jay Mark, Benj, Toti, Ronald, Xixa and Margaux. happy, happy birthday to each one of you. I'm too lazy to check your birthdates. Lastly, I know you know that Manny "Pacman" Pacquiao is still the man!
posted by Arn at 10:54 AM
|
Saturday, March 19, 2005
UntitledDi ko alam kung anong dahilan, ngunit habang ako'y kasalukuyang nagsa-shampoo ng buhok sa loob ng aming banyo ay bigla ko na lamang naisip ang isang paksa na ibig ko rin namang pag-usapan, ang kamatayan. Weirdo man pero di naman ako goth o miyembro ng kulto o anuman. Habang patuloy ako sa pagkusot ng aking ulo ay kung anu-anong mga bagay na may kinalaman dito ang sumasagi sa isip ko na wari'y isang kaisipang nakapagbabalisa sa isang tao sa kaluwalhatian ng gabi. Gumagalaw man ako ngunit iba ang lipad ng aking isip. Ilang tanong man ang aking gawin ay paniguradong walang makasasagot sa akin maliban na lamang kung makakausap ako ng isang taong nanggaling na sa kabilang buhay o sa madaling sabi ay patay na. Di naman ako takot na mamatay. Ang ikinatatakot ko lamang ay ang akto o paraan kung paano ko mamamatay. Sa pagtulog ba o habang nasa biyahe? Sa isang krimen o sa isa o di mabilang na karamadman? Siyempre, dun na ko sa una kong nabanggit. Wala siguro kong mararamdaman kung ganun. Pero kung sa isang malagim na pangyayari, kailangan ko muna sigurong lumunok panandali pra masikmura ko kung anuman ang mangyayari sakin. Sa mga panahon ngayon, naiisip ko na malayo pa ang takdang oras ng aking pagyao. Ngunit paano kaya kung bigla akong mawala kahit na di ko pa oras? Ibabalik kayo ako ng mga anghel na kasama ni San Pedro sa langit? Teka nga. Sa langit nga kya ang diretso ko. O, baka naman si "kamatayan", isang imahe o isang tauhan sa mga lumang kasabihan ng ating mga ninuno, ang kikitil sa aking buhay gamit ang kanyang pamosong kalawit. Kung anumang anyo nya na nabubuoo ngayon sa isipan ko ay ikinakikilabot ko na. Ano pa kaya kung ako'y nasa harapan na nya? Meron din akong mga nadidinig at napapanood sa telebisyon tungkol sa "angel of death." May ganito kaya talagang uri ng anghel? Nagdadala ng wakas sa buhay? Sa bagay, kung ang puno nga ng kasamaan sa mundo ay isang anghel din. Baka ako'y tila isang ligaw na manlalakabay na pilit binabagtas ang daan kahit di alam ang patutunguhan. Nakalutang. Nagtataka. Tila di masolusyunan ang pararaanan. Estranghero sa bagong mundong kinapadpadan na kahit di ninais ng mga paa'y natangay sa isang lugar na bago sa paningin. Nakakatakot mawala. Nakakatakot na mag-isa na walang pinanghahawakan ni isang bagay na magpapaalala ng naganap. Isa pang ideyang kakabit ng kamatyan ay ang reincarnation. Di ko alam ang katumbas nito sa salitang Tagalog. Di naman siguro ito ang sinasabing pagkabuhay namaguli (resurrection). Gusto kong maniwala sa ganito. Kung mawawala man ako, gusto kong ako'y magbalik. Ngunit sa reincarnation kaya ay isang bagong tao din ang kapalit ng isang taong nawala na? Hindi naman "bago" sa orihinal n konteksto nito. Bago na muli siyang isisilang hanggang sa maabot na naman niya ang tugtog ng kanyang buhay. Maswerte na siguro siya kung makamit nya lahat ng mga pangarap nya. Ngunit iyon ay ibang istorya na. Hindi ko man matukoy kung ako'y babalik muli sa mundong ito bilang tao ay mamarapatin ko pa ding mabigyan ng buhay. Di man tao, basta may buhay. Malay ko ba na isang halaman, aso o insekto pala ako noon. O di kaya ay isa sa mga nabanggit ay ang aking susunod na buhay na responsibilidad kong tapusin sa abot ng aking makakaya. Naisip ko din na kaya siguro may ibang tao na may pagkakahawig sa itsura ng isang taong namatay na. Di kaya siya din yun na nabigyan muli ng pagkakataong maging isang tao? Baka kaya may mga hayop na itinuturing na nating kaibigan sa dahilang kay bait nila sa atin ay isa palang namaya nang kamag-anak na nagbalik bilang ibang nilalang na may buhay. Mali kaya na isipin kong ang reincarnation at kamatayan ay katumbas ng "reduce-reuse-recycle" na slogan? Marami pa din akong mga katanungan. Ngunit ang iba ay nasagot na naman ng Psychology class ko noong nasa kolehiyo pa ako. Near death experiences. May isang tunnel na may maliwanag na ilaw sa hangganan nito. Pagpapakita ng mga yumao nang kamag-anak. Ngunit di ko malalaman hangga't ako na ang nakasalang sa husgahan ng mga mortal. Hindi ko maiintindihan kundi ko pa nararansan. Hindi ako malilinawan hangga't wala pa ko sa hangganan ng buhay. Di ko pa din naman maisip kung gaano makaaapaekto ang pagkawala ko sa mundo kapag nagkataon. Kahit papaano ay mayroon namang nabigay ng importansya at pagmamahal sakin. Mas gugustuhin ko na sigurong ako na muna ang mauna dahil mas mahina ako kung ako ang makakasaksi ng pagkawala ng isang taong binigyan ko ng halaga. Ito nga ang takipsilim, ang dapithapon ng buhay. Sa isang literal na banda ay totoo. Dahil mapipikit ang mata ko sa paghinto ng tibok ng akinng puso hanggang sa walana akong masilayang liwanag mula sa itaas na kapagdaka'y siya ring sasalubong sakin sa bukana ng langit. Tunay nga siguro na doon ko muling makakasama ang mga mahal sa buhay na yumao na. Ang ibig sabihin kaya noon ay di sila na-reincarnate? Bumalik na naman ako sa isa sa aking mga tanong kanina. Ngunit iiwan ko na lamang na walang sagot ang mga ito. Mas paghahandaan ko na lamang ang tumatakbong oras habang nananatili pa ako sa aking pisikal. Sa hinaharap ko pa lamang malalaman kung ng kamatayan nga ang mgwawakas at makapaghihiwalay sa buhay. ** Naisip ko ang bidyo (Tagalog na Tagalog, a) ng "Tha Crossroads" habang naisip ko ang tungkol dito habang ako'y naglalakbay kaninang umaga tungo sa opisina. Wala akong matinong pang-title sa post na ito kaya hayaan nyo na lang na inilahad ko ito sa ilalim ng "Untitled" na depenisyon. ** Huwag din kayong mag-alala. Hindi ako namamaalam o nagbabanta malapit na akong mamaalam. Hindi mangyayari iyon. Mahal ko ang buhay. At mas nanaisin kong mabuhay at tumanda ng ilang daang taon kaysa humimlay sa isang madilim na sulok na yari sa semiyento kausap ang mg langgam at uod. Ngunit sa panaginip lamang maaaring magkatotoo ang mg ito. Nasa palad ko man ang mga guhit nito, di ko pa rin sila kayang pasunurin sa utos ko. Magandang tanghali sa inyong lahat. Crossroads Bone Thugs N HarmonyBone, bone, bone, bone, bone, bone, bone, bone, bone Tell me what ya gonna do where there ain't no where to run when judgment comes for you, when judgment comes for you? What ya gonna do where there ain't no where to hide when judgment comes for you, Cause it's gonna come for you
Bizzy: let's all bring it in for Wally Eazy sees Uncle Charlie, Little Boo, God's got him, and I'm gonna miss everybody, I done roll with flows my game, looked at him while he lay When playing with destiny, play too deep for me to say, Lil Lazy came to me told me if he should decease well then please bury me by my Gran Gran and when you can come follow me. Layzie: God bless you workin on a plan to heaven follow the Lord all 24/7 days God is who we praise even though the devils all up in my face. He keepin me safe and in my place say grace to the gates we race, but I change the face of judge, then I guess my soul won't budge, grudge, because there's no mercy for thugs, ohhhhhh what can I do, it's all about a family and how we roll Can I get a witness not enough fool We livin our lives to eternal our souls ay o ayo... Chorus 1: Heeeeeeeey, and we pray, and we pray, and we pray, and we pray Everyday, everyday everyday, everyday And we pray, and we pray, and we pray, and we pray, and still we lay, still we lay, still we lay Krayzie: Now follow me roll stroll whether it's hell or it's heaven let's come take a visit of the people that's long gone they rest Wally, Eazy, Terry, Boo And still keepin up wit they family Exactly how many days we got lastin while you laughin we passin' passin' away God rest our souls cause I know I might meet you up at the crossroads Yall know ya forever got love from Bone Thugs baby Wish: Lil E-Z long gone, really wish he could come home But when it's time to die gotta go bye bye all 'lil thug could do was cry, cry Why'd they kill my dog? Damn man I miss my Uncle Charles yall he shouldn't be gone in front of his home what they did to Boo was wrong ohhhhhh (wrong, wrong) was so wrong gotta hold on, gotta stay strong, when the day come better believe Bone got a shoulder you can lean on, lean on Repeat Chorus 1 (fade into main chorus) And we pray, and we pray and we pray and we pray. Everyday, everyday, everyday, everyday... And we pray, and we pray and we pray and we pray. Everyday, everyday, everyday, everyday... See you at the crossroads (crossroads, crossroads) so you won't be lonelySee you at the crossroads (crossroads, crossroads) so you won't be lonely See you at the crossroads (crossroads, crossroads) so you won't be lonely See you at the crossroads (crossroads, crossroads) so you won't be lonely, And I'm gonna miss everybody and I'm gonna miss everybodyAnd I'm gonna miss everybody and I'm gonna miss everybody And I'm gonna miss everybody and I'm gonna miss everybody And I'm gonna miss everybody and I'm gonna miss everybody And I'm gonna miss everybody and I'm gonna miss everybody And I'm gonna miss everybody and I'm gonna miss everybody Livin' in a hateful world, sending me (straight to heaven) that's how we roll Livin' in a hateful world, sending me (straight to heaven) that's how we roll Livin' in a hateful world, sending me (straight to heaven) that's how we roll And I ask the good Lord why, he sigh, he told me we live to die Whats up wit dat murder yall? See my little cousin was hung Somebody really wrong anybody wanna touch that star? And Ms. Sleazy set up easy to fall You know while we sinnin He intindin on endin it when it ends He comin again and again and again now tell me what ya gonna do. Can somebody anybody tell me why hey... Can somebody anybody tell me why, he died, we die, I don't wanna die........ (so wrongoo, so wrongoo, wrong) See you at the crossroads (crossroads, crossroads) So you won't be lonely See you at the crossroads (crossroads, crossroads) So you won't be lonely See you at the crossroads(crossroads, crossroads) So you won't be lonely See you at the crossroads(crossroads, crossroads) So you won't be lonely See you at the crossroads(crossroads, crossroads) So you won't be lonely See you at the crossroads(crossroads, crossroads) So you won't be lonely See you at the crossroads(crossroads, crossroads) So you won't be lonely See you at the crossroads(crossroads, crossroads) So you won't be lonely See you at the crossroads(crossroads, crossroads) So you won't be lonely.......
posted by Arn at 9:21 AM
|
Thursday, March 17, 2005
Summer '05Remember my previous post about the narra trees in my place shedding all their leaves? Well, I noticed just this morning that all its green was in full swaying through the morning breeze. I always passby those trees to and fro the house. But what I love about the season is the summer sun, though it's terribly hot almost everyday. I complain, yes. But that just only a minute or two. Then, I'm ready to go basking under the summer heat. I think I'm not getting any action this summer. All my friends from college are busy. They are planning. I do not know if it would push through. But I'm anticipating. More than enjoying the water, I would love to see all my friends. Spend some time and take some pictures (Chiizzz! Oh! Someone told our class that saying, "Sex" while being shot works better than saying "Cheese" Hearing the word would really bring that grin in your face, right?). How I wish to walk on a whitesand beach with a beautiful sunset to close the day. Yeah. Whatever. I'm daydreaming again. Nothing much to do in the office. I apologize but summer really got me. I guess I really need to have fun as much as I could. Rainy days are just a few moments away. Before I get pissed, better celebrate first. Alright, you guys enjoy your summer as well. Happy sun-smiley days!
Last Song Syndrome: Summer Girls LFO
Yeah..I like it when the girls stop by...in the summer Do you remember, do your remember, when we met that summer ~Chorus:~ New Kids on the Block had a bunch of hits Chinese food makes me sick And I think its fly when girls stop by for the summer, for the summer I like girls that wear Abercrombie and Fitch I 'd take her if I had one wish But she's been gone since that summer...
posted by Arn at 9:20 AM
|
Tuesday, March 15, 2005
Eto Ka
Sa mga bagong graduate at mga nagbibilang na lamang ng araw bago sumapit ang araw ng kanilang pagtatapos, mabuhay kayo! Syempre ang pagbati na ito ay para sa mga sasampa na sa kolehiyo at sa mga dadagdag pa sa listahan ng mga walang trabaho sa bansa. Joke. Para sa mga mag-aaral na magsisipagtapos sa elementarya, sekondarya at kolehiyo, isang malaking hi! Biruin mo nga naman, ano. Magtatatlong taon na pala kong nakayari sa kolehiyo. Sa aking pagkakatanda, ang araw ng aking graduation ay natapat sa araw ng libing ng isang sikat na batang aktor. Ngunit di lang sa araw ng pagtatapos nauuwi ang lahat. May mas higit pang dalang bagong mukha ang mga toga, diploma, medalya, palakpak at kodakan... ang mukha ng isang ganap na mamamayan. O, di ba parang ang tanda na agad ng dating? Pero sa panahong natapos ka na sa pag-aaral, partikular na sa kolehiyo, ay mas ramdam mo ang mga responsibilidad mo sa iyong sarili. Huwag muna nating isama ang iyong pamilya, iyong bayan at iyong kapwa. Lahat ay hihinto sa iyong sarili animo'y nasa sentro ka ng daigdig at ang iyong paligid ay umiikot. Nakakahilo. Nakakamangha. Nakakadala. Siya nga pala. Nasabi ko ba na ang sustento o allowance pag graduate ka na, eh mahihinto na? Ang panglakwatsa? Pang-beach ngayong bakasyon? Pang-load? Siguro kung RK (Rich Kid) ka, eh no problemo ka dito. Pero teka. Nung pagka-graduate ko, eh nakapag-Fontana at Batangas pa ko nun, a. Tas nakanood-nood pa ko ng UAAP/NCAA Showdown, may allowance pa ko na P20 araw-araw. Pero wala akong pang-load nun kasi wala naman akong celfone. At lalong di ako RK. Masyado lang siguro kong "inintindi" ng nanay ko't wala pa kong hanapbuhay noong mga panahong yaon. Una akong nagpasa ng resume at application letter sa isang call center at isang computer shop ata. Tas nasundan pa para sa isang clinic. At ang una kong job interview sa posisyon na medical representative sa isang malaking kumpanya. Sa kasamaang palad ay di ako na-interview kasi di talaga ko handa at na-late ako. Nahiya na din akong magtanong nun. Di ko din gusto suot ko. Long hair pati. So, sa ka-bad trip-an ko, umalis na lang ako at nanood ako ng basketball. Pagkatapos, pinagupit ko na ang pinakamamahal kong buhok. Eh, di syempre clean cut na ulet ako. Makalipas ang tatlong araw ay tinawagan ulet ako nung kumpanya na di ko tinuloy ang interview. Nag-schedule na naman sila. Sa Makati Shangri-La naman ngayon. Nung una kasi ay sa Westin' Philipping Plaza. Dun, medyo confident na ko kasi guwapo na ko nun, e. Haha! Long sleeves. Black pants. Black leather shoes. Neck tie... at naka-gel ang buhok ko. Nakapasa naman ako sa exam. Sa interview ako pumalya kasi sinabi ko na may balak akong bumalik ng school. Eh, sino ba naman ang tatanggap sakin pag ganun? Second job interview ko ay sa may parteng Ortigas. Med rep na posisyon din. Na-late ako ng isang oras kasi galing pa ko sa DFA nun. Walang nangyari kasi halata sa interviewee na ang hinahanap nila, eh yung experienced na. Pero tuwa na din ako nun. Nakapostura na naman kasi ko. Hehe! Pangatlong job interview ay para sa isang laboratory sa may samin lang. Nakapasa naman ako. nagsimula ako nung kina-Lunes-an pagkatapos ng Holy Week. Limang buwan at sampung araw din yata ang itinagal ng kontrata ko dun na tinapos ko naman. Masaya pero di talaga yun ang para sa akin. Pang-apat ay dito sa kumpanya ko ngayon. Pero bago pa mangyari yun ay kasalukuyang kumukuha ako ng Teaching units tuwing Sabado. Wala na kong nagawa kundi mag-AWOL kasi ayaw nila ko payagan mag-drop. Di ko na siguro kailangang ilarawan pa ang mga nangyayari o nangyari sakin dito sa kumpanya kasi magiging off topic na. Basahin nyo na lang ang iba kong mga post dito. Nagawa ko ang topic na ito upang maihatid lamang ang pakiramdam ng isang bagong graduate na di pa alam ang gagawin sa mundo o yung "tunay na mundo/real world" na sinasabi ng nakararami. Parang batang paslit na kaluluwal pa lamang ng kanyang ina na di malaman kung ano ang naghihintay sa kanya. Parang back to zero o sa scratch ka na naman. Tas iisipin mo kung ano ang edge o aadvantage mo sa iba. Parang binibilang (quantify) mo ang mga kakayahan mo. At pag wala ka nang maisip ay kukwestiyunin mo ang sarili mo kung magaling o karapatdapat ka nga ba o hindi. Pag sinimulan kasi ng katamadan, eh magdidire-direcho na. Tatamadin ka nang mag-apply. Maglakad-lakad sa paghahanap ng trabaho. Minsan pa gagayahin mo kung ano na pinagkakaabalahan ng kaklase mo o kaeskwela mo. Kung bumalik sya sa school, malamang bumalik ka din. Pero ito siguradong asskicker. Ang pagka-miss mo sa lahat ng may kinalaman sa eskwelahan. Ang pag-commute, mga projects, barkada, lunch na sama-sama... Parang mas tumanda ka kasi puro responsibilidad ang mga nasa isip mo. Pag-iipon. Career. Lovelife. Kasal. Kotse. Bahay. Luho. Gimik. Kung sabay-sabay na iisip ay pihadong magkadikit na ang mga kilay mo sa pagkakakunot nito. Sa lahat ng ganito, eh sarili mo lang din naman ang mababalingan mo. Maski anong payo o tip sa paghahanap ng trabaho o pagbuo-buo ng mga pangarap mo mula sa mga malalapit sayo, sarili mo pa din ang may huling desisyon dyan. Bigyan muna sandali ang sarili bago sumabak sa pagod sa trabaho. Mag-iiba na marahil ang estilo ng iyong pamumuhay gawa na din ng mga bagong taong makikilala mo, mga bagong eskperiyensyang may kaakibat na aral, mga pangyayaring babago ng pananaw, desisyon at tingin mo sa buhay. Konting ngiti. Isang hinagang malalim. Magyayang kumain kasama ang isang kaibigan. Masdan ang bughaw na kalangitan hangga't wala pa ang tag-ulan. Iparamdam mo na eto ka. Naririto at di matitinag.
posted by Arn at 9:19 AM
|
Wednesday, March 09, 2005
Before I go...A quick Personality Test from Ice . Here's mine. PressAnyKey - Tree Types!Personality Test based on your tree type. At PressAnyKey, Here are the results of your birthdate: October 08 Rowan
Sensitivity Full of charm cheerful gifted without egoism likes to draw attention loves life motion unrest and even complications is both dependent and independent good taste artistic passionate emotional good company does not forgive.
posted by Arn at 3:51 PM
|
Wurd up!Gizzle da hizzled my URL on this site --> Snoop from Candy's crib. Get that tranzlation, dawg. Me not in da m double O-D to post. Shizzolated mine: Whatcha waitin'? Drop it while it's hot. Booyah! *Ang jologs! Haha!* ****************** Peter Piper picked a peck of pickled peppers, if Peter Piper picked a peck of pickled peppers, wheres the peck of pickled peppers Peter Piper picked? Huh?! A-ha! Betty Botter bought some butter, but she said "this butter's bitter! But a bit of better butter will but make my butter better" So she bought some better butter, better than... Err. *bit my tongue* ****************** E! Conversation Eh, ekew pele, eh. Nekeketemed kese. Wele mesyede megewe. Medye meenet eng seneg ng erew mele se bentene se tebe ke. Wele pe mesyedeng mebetengteng se kempyeter ke. Nekekeentok. Kehet meghekeb ke, eh weleng selbe. Mes mememegte leng eng eyeng mge mete. Emedlep ke leng ng kente, ey megegeseng ke ren. Kekekeen lemeng segere kese keye genete eng pekeremdem. Eh, be't netegel ke? Herep ke ne. 'neh? Eh, be't me te benese? Eh, seye. Beke ngewet ke ne't pekeremdem me'y mey beke e. Newele ne segere se perme eng penge me. Bleh! ****************** A B N K K B S N P L AKO.. Hehe! (Hmm.. sounds familiar. )
posted by Arn at 2:20 PM
|
Saturday, March 05, 2005
My Way Or The HighwayAno nga ba yung road less travelled? Eh yung tamang daan? Dating daan? (Walang koneksyon sa relihiyon 'to, a.) Lahat naman tayo, eh may kani-kanyang landas na gustong tahakin. Yung mismong tayo ang pumipili. Maging para sa karera natin sa buhay, sa pangarap o kahit saan pa, may sinusundan tayong sa paniniwala natin ay iyon mismo ang magbibigay satin ng gusto natin at magpupuno sa inaasam natin. Pa'no na lamang kung nalingat ka't naligaw? O di kaya ay napagod at nagpahinga. O mag-reroute o detour kaya? Gaya ng nasabi ko, lahat ay may pagkakataon sa kanilang buhay na tahakin ang daang gusto nila anuman ang panganib na nakaabang dito. Madalas pa nga, eh kahit di ka magtagumpay, basta napatunayan mo lang sa sarili mo na napagdaanan mo 'yun ay sapat na upang magpatuloy ang buhay. Nasasabi ko ang ganitong mga bagay maharil ay napag-isip ko din kung ano ang saloobin ng taong andun sa "road less travelled," wika nga ng marami. Yung tipong against all odds o me against the world. Madrama, oo. Pero lahat ay dumating sa ganitong pagkakataon sa kanilang buhay. Sa totoo lang, eto ang isa sa nagpapa-excite sa buhay. Di ba yung kwento din ng prodigal son sa Bible? Umalis sya sa tahanan nila. Pero nagbalik din sya na isang mabuting tao na. Di ba minsan din, eh gusto mong kumawala sa paningin ng lahat? Yung tipong ikaw muna mag-isa. Kung naayos mo na ang sarili mo ay saka ka magbabalik na may ngiti at maaliwalas na mukha. Aba. Eh, ang hirap din na kayanin ang ganyan. Parang ikaw lang ang nakakaintindi sa iyong sarili. Parang ikaw lang ang nakauunawa sa mga desisyon mo. Parang ikaw lang ang may pasan ng daigdig. (Uhm, pelikula ata ito, a. Hehe.) Malungkot na masaya; nakakatuwa na nakakainis; maganda na pangit; nakakapagod na nakakagana... iilan lamang siguro yan sa iyong mga mararamdaman kung nagdesisyon kang ayusin muna ang iyong sarili bago ka humarap muli sa mundo. Syempre, konting sisi sa sarili, pagka-miss ng mga dating gawi, panghihinayanang at mga agam-agam ang karaniwan nang reaskyon mo sa sarili. Animo'y naglalakbay ka na di mo alam kung san ka dinadala ng iyong mga paa. Gaano man kakapal ang alikabok na iyong nahawi sa daan ay di pa rin malinaw ang paroroonan. Umiwas ka man sa sikat ng araw ay masisinagan ka pa rin. Kukulimlim ng panandali ngunit siya'y babalik. Sumilong ka man sa lilim ng isang punongkahoy ay lilitaw pa rin ang anino mong tila isang repleskyon sa isang malinaw na tubig. At maiisip mong nahihilo ka na sa kakalakad sa mainit at walang kasiguraduhang lansangan. Di mo na rin siguro maiisip kung may nagmamasid sa iyo o may nag-aalala man lamang. Isang pangkaraniwang tanawin lamang siguro ang halimbawang ito. Ngunit di ba sa panaginip ay maaaring mangyari sa atin ang ganito? Literal. Di ba parang naglayas ang tema o nagrebelde? Para sakin ay karaniwan na 'to. Kundi mo gusto ang mga patakaran sa mundong iyong ginagalawan, eh di ba gumagawa ka ng paraan di lamang para humulma sa hubog ng iyong mundo kundi para ilabas ang iyong gusto. Patuloy na hinahanap ng isang tao ang pansarili nyang kagustuhan.. yung mga bagay na magpapasaya sa kanya, yung mga taong kukumpleto sa kanya, yung mga pangyayaring tatatak sa kanyang puso't isip. What a selfish world ba? Nah. Natawa tuloy ako. Mas masayang isipin na kung san ka man nagpunta, sa iyong paguwi ay naroroon pa rin ang mga taong nagmamahal sayo't naghihintay. Sa kabila ng iyong desisyong lumayo muna ay malapit ka pa din sa kanila. Paniguradong may mga bagong tao kang nakilala sa iyong pasumandaling pag-alis. At sa pagbalik mo'y kumpleto pa din ang mga taong nais mong makita muli. Naisip ko tuloy na malamang ay may naghihintay sakin sa may doorstep nya. Lagi na lang akong hinihintay. Lagi na lang ding nagpapahintay. Sana di man lang sumagi sa isip mo ang inip at pagkabagot habang nakamasid sa buwan sa gabi at bumubulong sa mga bituin ng iyong hiling na sana'y tumino na ko (Huhu!). Mahintay mo pa sana ko ng kaunti. Pasensya. (Hmm.. *zips mouth*.) Di ba may sense naman ang sinabi ko? (Duda pa ko, ah.) Ewan ko pero basta ganyan. To summarize everything, it just means "sa hinaba-haba ng prusisyon ay sa simbahan din ang tuloy." Ay! Off topic pala. Joke. Hindi. "Home is where the heart is." Ayan. Ayos ba? Wag mong isipin ng literal, a. Maraming pedeng ibig sabihin yan "home." Sige. LSS na lang muna... Last Song Syndrome: Coming Home Now Boyzone
Chorus And I’m coming home now It’s been so long now Gonna get there somehow Praying you’ll be there And I’m coming home now It’s been so long now Gonna get there somehow Praying you’ll be there ****************** On the lighter side: Alam ko na ang late na neto. Pero eto yung pic namin nung Christmas party ng company na ginanap sa Makati Shangri-La Hotel noong ika-19 ng Disyembre ng nakaraang taon. ;) Goldi, Nina, Liza, Tess (from Workforce) and me Some of my teammates. Si Zig naman yang nasa far left. Dressed to kill ba kami, ha? :p
posted by Arn at 8:30 AM
|
Thursday, March 03, 2005
Los Pensamientos Aleatorios Seis
That's Random Thoughts Six in Spanish. Hehe! To start things off, let me tell you that the annual physical examination in my office has just stated last Tuesday. It would run in 3 consecutive weeks, Tuesdays thru Fridays only. My preffered schedule is slated tomorrow. I personally picked that schedule. I'm fine with the blood sample and all. I'm just conscious about my body. You know, physical exam. I need to shed some clothes for at least a minute or two. Haay... ****************** About the sad news that I mentioned on my post last Tuesday, March 1st. He's done with the necrological services, I think. I'm not actually friends with the guy. But as I've said in my previous posts, goodbyes and death sadden me. Btw, his name is Julius. Younger than me, mestizo, theatre actor in his university, good katambayan for some of my friends. We share quite a number of friends. But that's all I know about him. It was my kuya who told me about this. According to him, Julius hung himself using a rope inside the restroom of this newly constructed room. Also, the suicide note, which was typed in his celfone, was about his sentiments to his girlfriend. Life... lovelife.. ****************** I've got three new MP3s in my phone courtesy of Goldi. Rivermaya's You'll Be Safe Here ( Theme from the TV show, Spirits), Usher's Yeah and the country's national anthem for more than a month I think, Kitchie Nadal's... tinininintinin.. Wag Na Wag Mong Sasabihin. Another ear pleasure while I'm on shift. ****************** Ok. I'm almost done with the physical exam. I went there just to get specimen bottles and the form. But almost none was being examined. So I singed eveything and went through. Interview, Ishihara (Color Blind) Test [Yun pala yun.], pulse rate, blood pressure, height and weight records and blood extraction. I'm still set for x-ray and the physical check plus my specimes (poopoo and weewee). ****************** Birthday greetings to my friends Chiela, Ronald, Margaux, Otep, Rhia, Megs,Ricky, Lei, Madel, Joebs; my brother, Pot and cousin, Jen. They're all celebrating their birthday this month. Libre! Libre! ****************** I promised myself not to post more photos which causes some time to load my page on this computer. I do not know if it's the connection or it's just my template. But I couldn't help it. I love photographs... especially when I am in it. Hihi! I just got two for today courtesy of Aisah's hi-tech digicam. I think these were taken two weeks before we transferred to another station. We were the agents on the floor that morning that's why it's just us on those pictures. Aisah, Lei and Nina. Di nila alam na kukunan ko sila ng pix nung oras na 'yan. Di nga. Walang stir. Haha! Lei, Nina and me. Maniwala kayo't hindi, biglang lingon lang yang pose namin. :p
posted by Arn at 8:50 AM
|
Wednesday, March 02, 2005
Whaaappaakkk!Ang Sampung Utos (daw) sa Pag-inom 1. Huwag MAKULIT habang umiinom. 2. Huwag MATAKAW sa pulutan. 3. Huwag PATAGALIN ang BASO at mayroon naghihintay ng TAGAY. 4. Huwag uminom ng uminom kaylangang BUMILI ka rin. 5. Uminom ng DIRETSO sa TIYAN at huwag sa ULO. 6. Huwag biglang MAWAWALA sa inuman, MAGPAALAM kung UUWI NA. 7. Magtira ng PANGLAKAD kahit hinlalaki ng paa. 8. Huwag MATUTULOG habang umiinom. 9. Siguraduhing sa BAHAY ang UWI kung lasing na. 10.Huwag MATAKOT sa bf/gf. Nakuha ko lang 'to sa isang messageboard na na-surf ko. Nag-lurk lang ako. Eh, tiyempong ayos pala yung thread na na-click ko. Kaya nakuha ko yang sampung kautusan na yan. Nakakatawa man pero may ibig pa din ipaalala sa atin, lalo na sa mga manginginom, tanggero, lasinggero, tomador, sampay bakod o kung anumang term meron kayo. Naaalala ko tuloy yung una kong lasingan session. Disyembre a-otso yun kundi ako nagkakamali. Beerday este birthday celebration ng dalawa sa barkada namin na pinagsabay. Dun pa kami nag-set ng mesa't upuan pati mga handa sa garahe ng isa naming barkada. Unang official lasingan yun. Kasi graduate na din kami ng high school. Eh, pag nalaman kasi sa school namin dati, eh kickout ang pinakamatindi. Mga 16 lang ako nun, e. At ang unang nakalango sakin, eh Colt 45. "Kaya mo nang magdala. Nasa edad ka na." Ang bata kong nagsimula 'no? Wala pa pala ko sa wastong edad nun. ****************** Pasintabi muna sa magbabasa. Ang unang beses kong pag-throw up (Pagandahin na lang natin ang term para di naman yucky.. Haha!), eh nung birthday din nung isa naming barkada. Mga 20 yrs old na ata ako nun. Kasi debut yun nung barkada namin, 21st bday. Kaya tiba-tiba sa pulutan. May lechon, tahong, mangga, mani.. limot ko na yung iba. San Mig naman ang ininom namin nun. Sa likod-bahay nila kami nakapwesto. Late na nga akong dumating, eh. Mga past 9 pm. Kadalasan, eh kung sino medyo huling dumating, mga dalawang sunod papatagayin para makahabol naman daw sa ikot (Ang wais ng mga barkada ko, 'no?). Tas alok sa'yo ng alok ng pulutan. Nakakahiya din naman kasing di dumampot ng kahit ano sa mesa baka sabihin, eh di mo gusto yung andun. Tsaka kadalasan, eh di talaga ko matakaw sa pulutan. Kasi mas hirap ako pag nag-vomit (Safe word na naman, 'to a)ako. Eh, di nabunsol na talaga ko sa pulutan. Ang pinakamadami ko sigurong nakain, eh tahong at mangga. Tas pag patapos na yung inuman, eh uratan ang lahat. (FYI: uratan = kulitan, bolahan, lokohan, gaguhan). Nakauwi, o mas mainam ata na sabihin nakatakas na yung iba kaya mangilan-ngilan na din lang kaming natira. Umalis na kami ng likod bahay at lumipat na kami sa may garahe. Ang ingay pa din namin nun. Well, sila lang pala. Tahimik kasi ko, eh :p Hugas ng kamay dun sa hose/grupo. Tas biglang nilakasan yung tubig at tinapat samin yung hose. Kaya ang ending ay basa kami. Nakuha ko ngang sumampa dun sa pool table, eh kasi may humabol sakin na may dalang tabo. Kaya ayun, nakuha ko nang umuwi kasi pasado alas tres na ata yun. Nakauwi naman ako ng maayos at direcho pa ang lakad. Ang siste, eh nung aktong hihiga na ko sa kuwarto ko, eh bigla akong nag-puke (Oist! Di bastos yan. Silent "e"). Di na ulit ako dumilat. Parang wala lang sakin na nasukahan (Haay.. wala na kong maisip na iba pang angkop na salita. Pasensiya.) ko sarili ko. At sa pag gising ko ng alas-8 ng umaga (Maaga talaga kong magising), di lamang hangover, sakit ng ulo at namumugtong mga mata ang sumalubong sakin. Isama mo ang mga langgam na pula. Nakita ko na yung kobre kama ko, eh may mga kulay orange. (Alala mo na, isa sa pulutan namin, eh tahong?) Diring-diri talaga ko sa sarili ko kasi maski binti at braso ko ay may gumagapang na mga langgam. Ngeee. ****************** Ang pinakaayaw ko na atang balikan, eh yung uminom kami ng 2 grande at 4 na gin-pineapple. Naku't akoyo pa naman ng lasa ng pinya. Pero ala na kong nagawa. At una,eh tatlo lang kaming umiinom. Ayoko din talaga ng lasa ng gin kaso nahiya na kong tumanggi sa insan ko. At ang pinulutan na lang namin, eh yung mga bunga ng Indian mango sa likod ng bahay namin. Nadagdagan lang kami ng kainuman nung dumating yung dalawa ko pang pinsan na mas matanda samin. Yun talaga yung para kong ewan na lakad ako ng lakad sa kalsada pagkatapos maligo. Nahihilo ko pero gusto kong lumakad. Tas di tumalab yung gamot kong softdrinks para mawala yung tapang nung alcohol. Dinukot ko na nga ng hintuturo ko yung lalamunan ko para maduwal na ko at mabawasan yung hilo ko kaso ala pa din. Nagpabili pa ko ng goto pero di ko din nakain. ****************** More than a year na din ata akong alcohol free. Ay! Naka-shot pala ko ng konti dati pero konti lang. Sa totoo lang, ang pinakaayaw kong part ng pag-inom, eh yung pagsusuka. Naluluha kasi ko tas ang sakit talaga sa tiyan. Masaya naman ako sa desisyon ko na uminom pag may okasyon lamang. O, di kaya kung may dahilan. Di yung basta inom-inom na lang. Eh, kadalasan madaling araw na natatapos pag ganun. "Dring moderately" nga naman, sabi ng gobyerno. Ako, drink occasionally and socially na lang. Ayoko nang magpuyat ng magpuyat. At ayoko nang uminom ng parang walang bukas. Takot din akong mabangungot 'no. Ayos naman na mag-happy-happy. Trip-trip. Di naman nawawala ang beer sa mga selebrasyon. Birthday, kasal, binyag, bagong taon, Pasko, maski nga holiday na gaya ng Bonifacio Day, eh may nag-iinuman samin. Ito lang siguro ang mga araw na mas madaming available at pedeng uminom. Pero di ba pag lasing ka, eh ang lakas ng loob mong gumawa ng anumang bagay na maisipan mo? Mas makulit ka. Mas nailalabas mo kung ano yung gusto mo. Pero ibang istorya na yun. Kaya mga senglot, sabi sa isang kanta, "Sa langit wala ang beer..." Itaas mo. Pero kayo-kayo na lang muna. Sagot ko na lang ang kwento. P.S. Itinuro sakin nung barkada ko kung pa'no mo malalaman kung anong oras ginawa yung beer na tinutungga mo. Di ba yung tansan. Iharap mo sa'yo yung parteng may gray na plastic. Dapat yung logo ng San Mig, eh upright, parallel sa'yo. Tas dun sa binabanggit kong gray na plastic may makikita kang dot. Yun ang magsasabi kung anong oras na-produce yung beer na ine-enjoy mo. Di ko alam kung totoo 'to o inurat lang ako nung barkada ko. Haha!
posted by Arn at 1:25 PM
|
Tuesday, March 01, 2005
Waters of MarchI hope I am as happy as this song. But I am not. Just last weekend a sad news got me that one of my ka-service in grade school committed suicide. And today. Just before going to work, I got pissed by this truck driver. What a way to start a new month! *frowns* I'm hot. I mean, I'm in heat. *bastos* Ibig kong sabihen, ang ineeett!All I'm anticipating is summer. Narra trees in my place are all out of leaves. Mapangiti man lang ako ngayon. :)
posted by Arn at 4:47 PM
|
|