Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Monday, April 10, 2006

04.10.06 Mon
3:58pm
Music: Invisible War - Sitti (from her debut album, "Cafe Bossa." I got a copy last Friday.)


Rant muna bago ang lahat:

1.) Pasaway pa din talaga yung mga babaeng ayaw sumunod sa seggragation scheme sa MRT.

2.) Parang magulang na yung dahon ng sili na isinahog sa tinola dun sa canteen na kinakainan ko.

Ok, on with a better topic.

It's the time of the year. Mahal na araw.

Siguro kung big deal man 'to sakin ngayon ay sa kadahilanang hindi ko ito gaano nang na-o-observe ng maayos di gaya nung youngster pa lang ako.

Ni hindi nga ako nakapag-Ash Wednesday nitong taon. At kahapon, hindi rin ako nakapag-Palm SUnday. (Pero ako yung bumili ng palaspas nung Sabado na papa-bless sa simbahan.)

Marami din kasi akong ginagawa. (Alam ko di 'to matinong rason para sa espiritwal na obligasyon ko.) Mula pa noon ay naka-plano na kung ano ang kadalasang ginagawa ko pag rest days ko. Nataon pa ngayon na weekends ang off ko kaya wala akong excuse na di mag-simba. (Masama na kung masama pero mas nararamdaman ko ang misa pag regular na araw ako nagsimba at di gaanong jampacked ang simbahan.)

Noong nasa high school pa ko, eh talagang tutok ako sa mga activities pag Holy Week. (Opo, solid ako sa Catholic school.) Kadalasan ang kasama ko sa mga lakaran pag Holy Week ay mga kaibigan ko. Nagpu-prusisyon kami. Nagpapalaspas. Nag-aalay lakad. Nanonood ng senakulo.

Siguro ang pinakanakatatak na sa aking utak ay yung matapos kaming mag-alay lakad mula HUwebes Santo ng gabi hanggang Biyernes Santo ng umaga ay sinundan namin ng pag-akyat sa Kapitangan, isang baryo sa kabilang bayan samin na may mga nagpi-penetesya at nagpapapako sa krus.

Manonood muna kami ng senakulo bago lumisan. Ang pinakahihintay sa gabing yun, Huwebes Santo, ay ang pagbibigti ni Hudas. ISa din sa pinakahihintay ang paglabas ng demonyo dahil sa sound effects na dala nto.

Bale syempre pag bata ka, di maiiwasan ang iringan sa ibang barkada. Oras din yun na mang-chicks ang ilan. Sabay-sabay naglalakad ang lahat patungo sa mga kapilya/bisita na sakop ng parokya. Kasabay ng paglakad ay pagdarasal. Kanya-kanyang porma. Kanya-kanyang grupo. Ang bawat bisita ay may handang pa-merienda. Isa ito sa mga inaabangan ng mga batang sumasama. Karaniwan ay pan de sal at kape ang bigay. Maswerte na kung may goto o sotanghon. Di pa kasali dyan ang pagpukol sa mga mangga sa kani-kanilang bakuran na nadaraanan. Minsan pa nga, eh nagso-shortcut kami para makarating sa susunod na bisita at maunahan yung ilan.

Nung makarating kami sa baryo bago pa yung samin, napasama kami sa isang barkadahan na taga-samin din. Kaso may nakaaway sila. Kaya dun kami pumunta sa bahay ng isang kilala ng barkadang yun at plinano kung pano lilituhin yung mga humahabol sa kanila. Di ko man gustuhin ay nadamay na din ang barkada namin dahil napasama kami sa kanila. At niyaya din nila kami pandagdag pwersa. Kaya sa may gilid kami ng sapa dumaan hanggang sa maputik na bukid. Narating namin ang baryo namin bandang alas 6. Dun naman nila inabangan yung nakaaway nila. At hindi na ko nagulat sa mga sumunod na nangyari. Dinistilyador (screwdriver) lang naman ng kaibigan ko ang isa sa mga nakaaway nila. Sa ganito, malakas ang loob namin dahil nasa teritoryo na namin kami at sila ang nagmistulang dayo maski na kasama talaga sa alay lakad ang papalit-palit ng lugar.

Pagkatapos nun, napagdesisyunan naming manood ng nagpapapako sa krus. Hagilapan kami ng bike. Yun wala na gaya ko ay nanghiram na lang. Malas pa't mountain bike ang napunta sakin. Eh, ayoko pa naman nun.

Malayo ang sisikarin makarating lang dun. Isipin mong nasa highway kami at kasabayan namin ang mga sasakyan. Di pa nga kami nakakarating sa pupuntahan ay sumemplang na ko. Nailang kasi ko sa jeep sabay nabaling ko pa ang manibela papunta sa tubo ng tubig. Ayun at bumagsak ako. (Naniwala na din ako na medyo lapitin ang tao ng disgrasya tuwing Biyernes Santo.) Minura pa ko ng driver ng jeep na kasunod ko. Syempre nakakahiya at madaming nakakita. Kaya nung nakahanap kami ng pwedeng pagpahingahan ay huminto muna kami. Doon na napansin nung nanghiram ng bike na tagilid na ang manibela at gulong nito. Bago pa naman.

Abala din ang bike. Pataas ang lugar na panunuoran namin. Kaya inakay na lang namin ito. Yung mga tapos nang magpenitensya o maghampas ng bagay na nakakapagpadugo ng likod ay lulusong dun sa kalapit ng sapa para maghugas. Dun naman sa papako sa krus ay sa may bukid. Ayos naman kasi nga nun lang ako nakapanood nun. Sinulit ko na din kasi alam kong papagalitan ako paguwi ko.

Ayun.

Sa mga prusisyon naman, siguro ang pinaka-ok ay yung iilawan mo ang patron ng baranggay nyo. Syempre pag prusisyon sa parokya, sama-sama yung iba pang Poon ng ibang baryo. Nakikita ko din noon ang mga kaklase kong taga-ibang lugar. Alam ko yung ganitong tradisyon ay tinitira ng ibang relihiyon dahil sumasamba daw sa idols. Pero aminin natin na iba ang pakiramdam pag prusisyon. Iba yung dating ng ilaw ng mga kandila, ayos ng karo at musiko ng banda.

Pag senakulo naman.. ay, siya nga pala. Nagsimula na to sa amin. At kasali ang kuya ko. Wala lang. Di ko naman kasi kasundo yun. Pero mainam na din yun at may pagkakaabalahan siya. Kahapon, pumunta ko dun sa may bisita at sa gilid lang nito ginaganap ang senakulo mga bandang alas 9. Putok ng kwitis ang karaniwang hudyat ng pagsisimula nito. Di ako pumunta dun para manood. Nagpasama ako sa pamangkin ko mga bandang 6:30 para bumili ng mga pagkaing binebenta sa gilid. Opo, tuwa na ko sa street foods. Isa din to sa inaabangan pag Mahal na Araw samin. Tukneneng at fishball ang binili ko. Yung tukneneng, may sisiw o wala, P7 lang. Yung fishball, P0.50 isa. Pero yung fishball na to, eh yung gawa sa harina na may onion springs at galunggong at di yung puti lang. Sa limang tukneneng, o seho kung tawagin, at 18 fishballs, P44 lang ang nagastos ko.

Itong darating na Biyernes Santo ay nag-file ako ng leave sa office. Di pa siya na-a-approve. Sinisiguro ko lang kasi baka wala akong masakyan at ma-late pa ko. I'm still in the running for that hard to accomplish prize. SIguro kung kaya kong pasukan, eh papasok ako. DOuble pay yun. Kailangan ko ng perang pang-enrol ng kapatid ko.

Kahapon sa Y Speak, topic kung, "Holy pa ba ang Holy Week?" Observance and all.

Kasi ito lang siguro yung time na mas enforced na mag-isip-isip tayo sa mga actions natin. Like Christmas na mas emphasized magbigayan. Pero kahit kelan at anong panahon naman pwedeng magbigayan at mag-isip-isip. Mas malakas lang ang pagpapaalaala satin ng simbahan at mga matatanda na obserbahan ang panahong ito. May itinakdang araw kasi.

Siguro, di ko man gaanong nagagawa ang tradisyunal na obligasyon pag Mahal na Araw, meron naman akong nagagawang alternatibo. Gaya ng blog na ito. Tingin ko naman kahit paaano may nare-realize ako at yung mga kaibigan kong nagbabasa nito tungkol sa buhay-buhay.

Bago ko malumot, bahagi ko lang ito mula sa Bible:

"There are seven things that the Lord hates and cannot tolerate:
A proud look,
a lying tongue,
hands that kill innocent people,
a mind that thinks up wicked
plans,
feet that hurry off to do evil,
a witness who tells one lie after
another,
and a man who stirs up trouble
among friends."

- Pr. 6:16-19

On the lighter note,

nakakatawa kanina nung lunch ko. Magdadasal na sana ko ng "Bless US O, Lord" bago kumain kaso ang nasabi ko matapos mag-sign of the cross ay, " [Name of my account] my name is Arnold, how can I help you?"

Labo.


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 5:01 PM