Maligayang Pasko!!!
May kalamigan ang hangin kahapon habang pauwi akong naglakad patungong Glorietta.
Oo. May last minute xmas shopping ako kahapon. Kulang kasi ang pangregalo ko sa mga inaanak ko. Christmas rush na nakatulong naman kasi kung ano ang naisipan kong regalo, yun na ang kinuha ko kaya hindi na ko natagalan.
Sa may mall, may nakasalubong akong babae na may kausap sa cel nya. Tila may tinatanong ang kausap nya. Kung nabasa nyo ang post ko na nagsabi ako ng "E as in Alpha..," eto ang katapat noon. Pagalit nyang sinabihan ang kausap nya ng, "Tsk..x..x, as in.. *ilang saglit ng katahimikan* ecstacy..." O, pede na yang pang-justify ng "E as in Alpha" ko, a.
Iniisip kong bumili sana ng laruan kaso ganun na din ang binili ko noon sa iba. Kaya nung napadaan ako sa boutique na may mga ipit, supil, atbp, eh dun na ko pumasok. Libot ng konti hanggang maisipan ko kung ano nga bang panlagay sa buhok ang lalagay ko. Lima sa pitong inaanak ko ay babae. Isa ay sumalangit na. Bale lima na lamang sila na nagllaro sa isang lalaki kong inaanak, eh 2nd year high school na ata. Kaya medyas at panyo na lang ang nabalot ng kapatid ko para pambigay ko pagpunta nya ngayon sa bahay. Yung isa, eh 1 1/2 palang siguro kaya laruan ang nabili ko.
Nakakatawa. Kasi ako lang ang lalaki dun sa shop na naghahanap ng mga pang-kikay kit ng babae. Ini-imagine ko kung san mas magiging cute yung mga pamangkin/inaanak ko.
Malas nga lang at di naisama sa supot ng cashier yung isang pang-ponytail na binayaran ko. P20 pa man din yun.
Dun sa isang inaanak kong batang lalaki, eh laruan ang nabili ko. Tumingin-tingin lang ako sa tiangge sa loob ng mall kaya nakamura.
Hindi naman pahirapang umuwi kasi napansin kong di punuuan ang mga bus patungong probinsiya. Marahil nung Biyernes na nagsimulang bumiyahe ang lahat.
Sa bahay, naabutan kong nagluluto ng spag yung kapatid ko. Wala namang masyadong palabas sa tv kaya patugtog na lang ako ng cd nun sa sala. Magsisimba sila kaya nauna na din ako kumain ng spaghetti. Tinanong ko nga ang kapatid ko kung bakit mas masarap yung spaghetti-ng ginawa nya nung birthday ko. Ayaw pang aminin sakin kung ano nilagay nya. Pero napaamin ko din siya. Hinaluan daw nya ng konting catsup. (konti? eh, di ko nga malasahan yung asim ng italian style, eh.)
Bago sila magsimba, eh dumating yung isa kong kuya. Niyaya naming kumain ngunit tumnaggi kasi kakakain lang din daw nya. Kaya inalok ko na lang ng food for the gods, atbpng pagkaing nakabilot sa cellophane. Isinalin ng mommy ko sa plastic container. Kaya ng ialok ko sa kuya ko, eh iniabot ko sa kanya yung container. Tinignan nya kung ano. Tapos, hinihintay ko naman na kumuha siya at ibalik nya sakin. Kaso di na nya binitawan at dinala sa kabilang bahay ng isa ko pang kuya. Tumawa na lang kami ng kapatid ko kasi inisip namin na akala nya, eh para sa kanya lahat yun. Natawa din ang mommy ko kasi di pa siya nakakakain nun.
Pagkaalis nila papuntang simbahan, eh nanood na lamang ako sandali ng tv. Okay din yung mga pinalabas sa Imbestigador at MGB. Mga 10pm, eh pumasok na ko ng kwarto para matulog. Mga past 10 na ata ako nakatulog kasi nag-ayos pa ko ng gamit na dadalin ko papasok.
Kumabila ang araw at maaga naman akong nagising. Akala ko'y marami pa akong libreng oras kaya nagtagal ako sa pag-aayos magulo kong buhok. Sa relo namin sa bahay at 5:20am na. Eh, karaniwang advance yun ng 10 minutes. Naisip ko na 5:10 pa lang yun. Pero nung tignan ko yung celfone ko, anak ng... 5:31am na. Advance yang ng 9 minutes, a.
Inabot pa ko ng ilang minuto kakaintay sa bus. Past 6 am na kong nakarting sa mrt. Ngunit minalas-malas pa't 7:30am pa ang first trip nila ngayong Pasko. Kaya't sa kagustuhan kong hindi ma-late at huwag masisi na bumaba ang sched ad rate namin para makakuha ng 3k incentive, nag-taxi ako. Dollar taxi na pula ang nasakyan ko.
Medyo kwento-kwento yung driver. Na kagabi pa daw siya ng alas 6 andun at nag-redbull lang daw siya. Tapos angh bilis daw ng panahon. Pasko na tas bagong taon naman ang aabangan ng tao. Etong sinabi ng manong ang tumatak sa isip ko. "Tatanda na naman tayo. Pero lahat naman tayo ay doon ang punta. Kaya wala tayong magagawa." Nadale mo, manong. Kaso bilib na sana ko sa inyo kundi lamang ang bilis ng metro ng taxi mo. Kakalampas pa lang natin ng isang istasyon ng mrt, eh dalawang beses na pumatak ang metro mo. Hmpf!
Kaya ayan. 6:20am ako dumating dito. 7am ang shift ko. Kaya nanginain na muna ko sa office. Ano pa ba ang isa sa mga meaning ng Pasko kundi (sangkatutak na) pagkain. Meron ditong dala ang iba kong teammate. Sa office, naabutan ko pa yung pagkain para sa GY shift na
Pagka-endshift ko, eh kailangan kong pagkasyahin ang sobrang perang dinala ko. Yung P150 sanang pinambayad ko sa taxi, eh pamasahe ko na paluwas at pauwi pati pagpunta sa lola ko para sa xmas party namin dun. May dala kong extra kasi ang xmas gift ko sa sarili ko, eh Black Eyed Peas cd. Tapos may sukli yun kaya kung sakaling mambuyo ang iba kong pinsan na manlibre ako, eh may pera ako. Kaso mukhang kukulangin, eh. Yung pinag-taxi ko isang OPM cd na rin ang kasing halaga nun. Mag-taxi ka ba naman mula North Ave hanggang Makati, eh. Sa susunod, alam ko na na pag ispesyal holiday, late ang mrt magbukas.
1:37pm na dito sa relo dito. At di naman siguro advance o late 'to. Ilang oras na lang... hmm, sino kaya ang nakabunot sakin sa exchange gift namin sa mang lola ko.
Maligayang Pasko sa inyong lahat!
Ikaw, anong kwento mo?
posted by Arn at 8:27 AM
|
<< Home