Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Saturday, December 24, 2005

Christmas Rushed

::: My golly! Akalain mong a-beinte cuatro na pala ngayon. Ilang saglit na lang Pasko na. Ilang pagkukumamot na lang, noche buena na. Ilang lingon na lamang, misa na. Ilang samyo ng malamig na hanging amihan na lamang exchange gift na. Ilang kiwal pa sa computer chair, pasok ko na naman. Opo. May pasok ako sa araw ng Kapaskuhan. Nawa'y makisama ang mga tatawag at hindi mag-alburoto.

::: May last minute Christmas shopping pa ko mamaya. Hindi pa sakin. Pang regalo sa mga inaanak ko. Hindi na pala babalik ng Tutuban ang kapatid ko ngayon kaya wala akong mapapabilhan.

::: Nga pala. Yung xmas card na bigay ng kaibigan kong si Vincent, nasa isa pa naming kaibigang si John. Isang taon na pala ang lumipas at di ko pa rin nabibukasan yung card mulang tate. Hmm, may laman kayang dolyar yun? haha!

::: Tingin ko hindi ako makakasimba mamaya para salubungin ang Pasko. May pasok kasi ako. Daan na lang ako ng simbahan pag endshift ko bukas.

::: Solb ako mamaya sa pagkain. Simpleng handa lang. Pero kumpleto naman kami.


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 11:14 AM