Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Friday, December 09, 2005

LSS: The Nerve - Orange and Lemons
16 Days to go before Christmas ho-ho!

*Dighay*

Bago ako antukin at mag-sink in na masyado akong nabusog na hindi naman dapat kasi may training pa ko ng 2 hours after shift at ayokong maisip na sasakit ang tiyan ko sa kabusugan ay magpo-post ako. Parang may sariling buhay ang tiyan ko't tumitibok mag-isa. Busog. Nabigla pa ko sa pag-inom ng malamig na tubig. Napatakbi pati dahil maulan nung tumawid ako sa kalye. Hayaan ko munang malibang ako't mawala sa isipan ang aking matigas na tiyan. (Isang utot lang kaya ang katapat nito?)

Ilang araw ko din iniisip kung kailan ulit ako makakakain ng alamang. Aba'y akalain mo nga namang ngayong araw pa ako makakatikim ulit nito. Medyo madami nga ang serving kaya di ko naubos. Sinamahan ko din kasi ng cheesedog at 2 rice. Kaya solb.

Linamnam

Ang isang bagay na pinagtuunan ko ng pansin sa supermarket nitong linggo ay peanut butter. Kundi kasi margrine o cheese, liver spread ang gamit namin na palaman sa pan de sal. Naisip ko din na matagal-tagal na din pala akong di nakakakain ng peanut butter. Kaya namili ako sa mga naka-display. Kinukumpara ko yung presyo, contents, brand at... nutrition facts particularly sodium content. Ewan ko nga ba kung ano naisip ko't lumipas ang ilang segundo sa pagbabasa ko lamang ng nutrition info.

Di ko binili yung popular brand. Bale singdami pero di singmahal ang nabili ko. Natawa lang ako sa label. Kasi may note dun na kung sakaling magkaron ng oil sa ibabaw nung peanut butter, natural lang yun kasi fresh ang ginamit na ingredients at walang preservative. Nakalagay din sa label na just mix and the (read) tecture... Mali pa yung spelling.

I remember yesterday when the world was so young (roll betamax 2)

Muling nabuo ulit sa isip ko kanina yung tungkol sa post ko huling post ko. Alam ko ngang may nalimutan akong isama sa kwento. Kaya eto na malamang yung karugtong noon.

Naisip ko yung mga nakakatawang bagay noong bata-bata pa ako. Eto ang ilan sa mga iyon.

* Nangyari ito nung simula ng klase para sa unang pagpasok ko sa eskwela noong day care. Sabi ng nanay ko, pagdatingd aw ng teacher namin at pagkatapos ng greeting ay umupo ako agad sabay hugot ng papel at lapis. Sinumulan ko na daw agad magsulat ng pangalan ko ng paulit-ulit hanggang sa mapuno yung papel, yung para bang sa isa sa mga subject na writing.

* Nung elementary, ayokong nababasa yung sapatos ko ng ulan. Naka-shorts pa din kasi ako noon kaya't pati medyas ay tiyak na basa din pagbuhos nito. Para makaiwas ay hinahatid kami ng payong sa service at tumutuntong kami sa mga bato sa daan para makaiwas sa baha. Sa pag-iwas ko, nagti-tip toe ako sa mga bato. Kaya lang nawala ang balanse ko't semplang ako. Di lang ako nabasa ng ulan kundi pati ng baha.

* SM Cubao ang madalas naming puntahan noon. Mula sa istasyon ng bus kung saan humihinto ang sinakyan namin ay lalakad kami papunta sa mall. Nasa may bangketa kami lalakad nun. Siguro kasi nasa siyudad ay kaya lilinga-linga ako. Kaya ang kinahantungan ko'y ang paglusot ng kaliwang binti ko sa manhole. Buti na lang at naka-sandals ako nun.

* Ito na ang huli. Naisip ko kasi 'to habang kinakain ko yung alamang kanina. Bale sa isang literature class ata yun. Nagbabasa yung crush ng campus naming teacher noon ng reference book nya sa klase. Wala kaming kopya kaya nakikinig lang kami sa kanya. Kundi ako nagkakamali , ang titulo ng binasa nya ay, "Ang Pagkain ng Ayungin." At ang unang linya pa nito ay, "Isubo muna ang ulo..." Lahat kami nanlaki ang mata at napatulala lang sa teacher namin. Nagtaka rin siguro siya sa biglang katahimikan at napansin ang makahulugang mga ngiti namin. Umubo lang siya ng konti at dinugtungan ang sinabi "...ng ayungin..." Tapos nagtawanan kaming lahat. Yung teacher namin na 'to ay may asawa na. At bago ko nga pala makalimutan, all boys school kasi kami.

Isa na namang "hmmm" moment

Pag-uwi ko mula sa first day ng trabaho nung Miyerkules, nakita ko yung isang matandang mama na namimigay ng flyers para sa gustong bumili ng condo. Naawa ako. Tapos naisip ko pa din maski na pag-uwi ko. Inisip ko na lang na di worth blogging yun.

Tapos kahapon, medyo naawa din ako dun sa janitor sa undrpass. Nagma-mop kasi siya. Eh, umuulan. Siyempre ang putok ng sapatos ng mga tao na dumadaan. Kahit na anong punas ang gawin nya, putik pa din ang kalalabasan nun.

Tignan mo, ha. Yung matandang mama siguro dapat nasa bahay na lang at sinusuportahan ng mga anak nya. Kung wala man siyang anak, siguro maski na ng kapatid o kamag-anak. Kawawa kasi talagang parang lolo na o senior citizen na tapos nag-uubos ng oras sa paglibot sa kalye't pamimigay ng flyers. Pero malay naman natin kung malakas kumito si tatang sa pagbebenta ng condo. Di rin natin alam. Naisip ko lang kasi na parang bibigay na yung katawan nya. At medyo nawi-wirduhan ako sa mga namimigay kasi ng flyers. Para kasi di lahat ng tao nagbibigay ng oras na basahin kung anuman ang nakasulat dito lalo pa't pagkkagastusan ito. Kung pera o trabaho mana pa kaso pagbili ng milyon na condo, eh.

Yung sa mamang janitor naman. Parang nakakakababa ng tingin sa sarili kasi yung naglilinis ka ng dumi tapos may mga panahon na maski anong linis ang gawin mo, eh madumi pa din. Parang mapapabuntong-hininga o maiiyak ka na lang sa isang tabi pag ganun, eh.

Kasi dun sa first work ko, naranasan ko din kasi mag-mop ng warehouse at laboratory. Nung newbie pa lang kasi ko, sa warehouse muna ko nalagay. Yung janitor kasi sa lab, eh di nakakapasok sa ibang department para maglinis. Kaya parang kalat mo linis mo ang lagay. Nasa policy kasi na di pwedeng pumasok ang isang empleyado sa department ng iba para makaiwas sa contamination, etc. Ayun, nakaranas akong maya't maya, eh mop dito at punas doon bukod pa syempre sa pagtingin ng stock ng mga raw materials/ chemicals. Maski na nung ako ang naghahanda ng materials, eh ako din ang naglilinis at nagba-vaccuum ng kalat ko. Ako din ang nagsasabon at nag-a-alcohol ng beaker atbp. Ewan ko lang kasi kung anong meron ang pagma-mop sa isang lugar na kung saan dinadaan-daanan ka ng mga tao. Syempre yun ang description ng trabaho. Pero naaawa ako sa mga ganyan kasi.

Habang naglalakad nga pala ako ay nasilat ako dun sa pagitan ng 2 bricks sa may waiting shed sa Ayala. Para lang naman akong na-out of balance nun. Pero natawa ako sa nangyari. May tumatakbo kasi mga salita sa utak ko na pakiwari ko'y mahirap ilapat sa pagsulat. Nun namang nasa walkway ako ay nadapa naman ako sa may hagdan. Paghakbang ko kasi, eh nalimutan kong hahakbang pala ako kaya iniiwas ko yung paa ko sa step. Parang masyadong mataas yung angat ng paa ko para sa paghakbang ko kaya napatukod ako ng konti sa semento. Dito na ko inihit ng tawa.

Haay, kung nasa harap lang ako ng pc o may laptop ako baka nasulat ko kung ano ang gusto kong sabihin ng mga oras na yun. Mangyari kasi, eh sa isip ko lang tumakbo ang lahat. Wala akong resources nun.

Ok. Dadagdagan ko pa sana 'to ng wishlist post ko kaso parang dinadalaw na ko ng antok. Magte-training pa ko mamaya.

Nga pala, nakausap ko ang isang rep mula sa isang courier service sa tate. Di kami pinapayagang mag-outside calls kaso the situation called for it. Kaya makailang ulit akong nag-dial para lang makahagilap ng sagot. First time ko lang kasing tumawag sa kanila. Inobserbahan ko na lang din ang greeting at services nila.


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 1:35 PM