Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Friday, April 29, 2005

Untitled
Na-forward lang sakin 'tong email na 'to ni Cy, isang kaibigang nasa ibang bansa ngayon na malapit nang umuwi at inaawitan naming i-treat kami sa Boracay. Ang subject nung email ay: Fwd: A lesson to learn.
Sorry to those who do not understand the language. I know I have to do this in my own dialect. Mas tagos kasi sa puso.
******************
Bakit kaya minsan ang sarap magmahal kahit walang kapalit??? naisip mo na ba iyon? kala mo okey lang... pero sobrang hirap...
Masarap magmahal hindi ba? Kahit ikaw, hindi ka sigurado sa pag-ibig ng taong mahal na mahal mo...
Minsan iniisip mo nalang na pagdating ng tamang panahon magiging maayos din ang lahat...
Sana nga!!! Nang hindi ka naman mukhang tanga na umaasa sa wala...
Minsan din ang sarap sarap isipin na minamahal ka ng taong mahal mo!!! yung tipong kayo na lang sana at hindi ang babaeng nakikita mong kasama nya na masaya at akala ang buong mundo ay kanilang kanila...
Minsan din ang sarap bumalik sa nakaraan... yung tipong masaya pa kayo, parang mga batang walang problema... kung meron man parang, against all odds ang settings... pero may nakabitin pa ring tanong... ano kayang nangyari??? pero ang kadalasang kasagutan e:
1. kasi di pala kami para sa isat-isa;
2. Nagkamali ako sa kanya;
3. iniwan lang nya ko ;
4. may iba na syang mahal;
5. niloko lang nya ko;
6. Di ako gusto ng parents nya;
7. ayoko na puro nalang kami away;
8. masyado nya kong sinasaktan;
9. nagsawa na sya sakin;
pero ito pinaka masakit;.
10.hindi pala nya talaga ako mahal (parang panakip butas)
Grabe hindi ba??? Pero kailan kaya natin maririnig na nagpapasalamat ang isang umiibig sa taong nakasakit at sinaktan sya??? minsan naisip din kaya natin na kung ano ang kahalagahan ng isang bagay??? Yung kailangang bigyan ng halaga habang nandyan pa! Minsan kasi, saka lang natin nalalaman ang isang kahalagahan ng isang bagay pag wala na ito sa atin!!!
kaya minsan din isipin natin yung mga sinasabi, kinikilos, ginagawa natin kasi hindi lahat ng tao kayang tanggapin kung ano at paano natin ginagawa ang isang bagay!!! subukan nating magpasalamat sa kabila ng lahat...
A. kung sinaktan ka nya... magpasalamat ka dahil sya ang dahilan para tumibay ka;
B. kung niloko ka nya... patawarin mo at pasalamatan mo... dahil kung hindi sa kanya hindi mo mararamdam ang sakit na pwede ding maramdaman ng iba... at least hindi mo gagawain sa iba;
C. kung hindi ka nya minahal... pasalamatan mo!!! dahil at least kahit papano na-feel mo na minahal ka nya kahit hindi, pasalamat sya dahil ikaw minahal mo sya ng buong buo;
minsan kailangan lang natin harapin kung ano man ang nakasakit sa atin... piliting kalimutan... piliting harapin kung ano ang noon... noon lang yun... iba ang ngayon!!! dahil kung nasaktan ka man noon, ngayon mag-iingat ka na at alam mo na kung ano dapat at hindi para hindi masaktan.
mahalin mo ang mga taong nakasakit sayo dahil sila ang dahilan para maging matibay ka!!!! para sa susunod di kana basta-basta padalos-dalos. pasalamatan mo ang taong nakasakit sayo...

sino ba ang mas mahalaga, ang taong mahal mo o ang taong gusto mong mahalin???

ang taong kasama mo buong araw o ang taong iniisip mo bago matapos ang araw???
siya bang kasa-kasama mo sa lahat ng ginagawa mo o siyang dahilan ng lahat ng galaw at ginagawa mo???
sino ba ang mas mahalaga... yung taong nais mong makasama habang buhay o yung taong hindi mo makita ang habang buhay kapag wala siya?
Sino ang mas matimbang... yung taong pag kasama mo'y parang kay bilis ng oras o yung taong tuwing iniisip mo'y parang kay bagal ng oras?
ano ang susundin mo... ang dinidikta mo sa puso mo o ang dinidikta ng puso mo syo?
sya ba yung laging pumapasok sa isip mo o siya yung laging laman ng panaginip mo?
Sino nga ba... ang taong nagpaluha syo, o ang taong nagpunas sa minsang pagluha mo?
Sino sa kanila... ang taong nagpapatawa syo o ang taong dahilan ng lahat ng iyong emosyon?

Sino nga bang pipiliin mo???

ANG TAONG MULING NAGBUKAS NG PUSO MO...
O ANG TAONG MATAGAL NG NANDOON???
******************

Sa lahat ng mga nabanggit, parang isang mahabang quiz ang lahat. Trial ang error, right minus wrong, odd man out... Hindi lahat nakakapasa with flying colors. Hindi lahat nakakaintindi at nakakasunod sa instructions at directions. Meron din namang iba na maaaring na-absent at kailangang kumuha ng special exam. Ano pa nga ba't nasabi pa na "Life's a game"?
Pero ang pinakanagkraoon ng dating sakin ay yung mga panghuling nasulat. Yung sunudsunod na mga tanong na sa "sino" nagsimula.
Ang hirap sagutin, no? Ganun naman yata talaga. Basta usapang may kaugnayan sa puso ay masyadong sentimental ang lahat. Sa pagbasa lamang ng email na yan, eh parang kay dali. Kayang kaya kong sabihin na, "Ok lang yan. Sisiw. Wala yan. Lilipas din." Pero kung nandun na ko mismo sa alinmang sitwasyon sa nasa itaas ay baka hindi lamang isang patak ng luha ang lumabas sa aking mga mata. Tiyak na sunodsunod ang pagtulo nito na may kasamang paghikbi, pagmumunimuni at panandaliang pagkawalang gana na ipagpatuloy ang buhay.
Siguro minsan may pagkakataong mangingiti na lang ako at sasabihan ko ang sarili ko na, "Ayan kasi. Di nag-iisip." May kasama pang pailing-iling 'yan. O, di kaya'y mapapabaling na lang ako sa ibang bagay para lang makalimot.
Kay hirap nga naman utuin ang sarili. Yung sasabihin ko na ayos lang ako at walang lang ang lahat.
Nakakalitong mapagitna sa dalawa. Nakakaalangan kung sino ang mas bibigyan mo ng atensyon. Masyadong mahahati ang oras at panahon sa mga bagay-bagay. Mahirap din kasi na ipilit ang sarili sa mga bagay o tao na gusto ko o di gaanong gusto. Iba din ang pakiramdam na dalawa anng gusto ko. O di kaya yung isa pang seryosohan, yung isa trip lang. Mahirap ding iwanan ang taong nagbigay sayo ng importansya nung mga panahong nag-iisa ka o pinipilit muling ibalik ang dating sarili mula sa isang kabiguan. Maiisip ko din syempre na suklian man lang mski na kalahati ang nagawa nya.
Ang weird nga na parang mahal nya ko pero iba ang mahal ko. Di naman pedeng share o threesome.
Kung susumahin, isa lang ang dapat kong itanong sa aking sarili. Sino nga ba ang dapat mahalin? Yung taong mahal ko o yung isang mas mahal ko?
Last Song Syndrome: How Do You Heal A Broken Heart, the last track from the cd compilation, Gig Sounds. An OPM song released under Star Records. I have yet to grab a copy of this one.
Image hosted by Photobucket.com


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 2:39 AM