Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Friday, April 08, 2005

Ako Ay May Lobo

Pasensya na kundi ko natupad ang pangako kong medyo masayang post na kadugtong dapat nung kahapon. Nakayayamot kasi ang mga balita kahapon. Sa sobrang epekto nga, eh magpahanggang nagyon ay medyo down pa din ako.

Ewan ko. Pero it's one of those days na parang ang dilim ng paligid ko at nagkapatung-patong ang mga iniisip ko. Opo. Ako'y may iniintindi sa kasalukuyang panahon. Na maski anong pilit kong utuin ang sarili ko, eh ko pa rin maiwasang matigilan at mapag-isip ng panandalian.

Haayy.. Puro buntong hininga na naman ang kaya kong gawin ngayon. Mahugot man lang ang bigat sa aking loob.

Malimit kong gawin na matulog sa biyahe lalo na kung pagod ako galing sa trabaho. Papunta man dito sa Makati o pauwi samin sa Bulacan, naiidlip ako maski na ilang minuto. Nakakawala din yun ng pagod, a.

*** sa pagpapatuloy.. naudlot kasi't umuwi na lang agad ako at di ito natapos.. 9:53 am sa kasalukuyang oras***

Minsan tinatanong ko na lang ang sarili ko kung kailangan ko bang pahirapan ang sarili ko para lang sa trabahong ganito. Naiintindihan ko naman na taga-ibang bansa ang tumatawag samin kaya kailangan na naka-adjust yung oras ng Pinas sa kanila para maabot yung mga kailangan nila. Choice ko talaga na sa umaga pumasok. Kaso nga lang, eh ang kliyente namin ang nagbago ng polisiya kaya eto, simula na mamayang madaling araw ang panibagong sabak ko sa kakaibang shift. Biruin mo. Alas tres ng madaling araw ang pasok ko hanggang alas dose ng tanghali. Kaya nga makukuha kong matulog ngayon sa opis at dito na lang sa shower room maligo mamaya. Problema pa ang pag-jebs ko. Haha! Sayang nga lang at may swimming kami ng mga relatives ko bukas. Pauwi na kasi sa States ang mang-tito ko sa Martes kaya may get together kami. Hahabol na lang ako.

Nagkapatong-patong pa nga ang mga nasa isip ko. Sunud-sunod ang bawal. Celfone.. web surfing (daw).. nahuli pa kaming nag-uusap ng Tagalog.. Eh, lahat naman dito ginagawa yun di lang nahuhuli. O, teka. Di ko dina-justify na ok lang gawin kung di nahuhuli. Sana lang, e ma-apply ang ganitong rules sa lahat ng employees. Mas nararamdaman ko tuloy na yung mga reps lang talaga ang bawal. Sabi pa man din nung unang pasok ko dito na pantay-pantay lang ang lahat kaya first name basis lagi ang tawagan dito. At nasabi ko din sa sarili ko na parang college ang environment kaya gusto ko. Eh, ngayon sa dami ng rules, e parang nasa high school kami. Parang konting mali ay sa principal's office o prefect of discipline ang bagsak mo. Siguro tumatanda lang sila at bumabata lang ako. Haha!

Siguro mga tatlong buwan na ganito muna ang sked ko. Gagalingan ko na lang sa susunod para makuha ko ang priority 1 sa pagpili ng sked. Pero mas ok kung mababalik ang morning shift.

Nawawalan na nga ako ng morale kasi parang back to zero na naman ako. Nung nagsimula kasi ako sa night shift nung bago pa lang ako, eh halos apat na buwan akong nag-adjust sa mga pagbabago lalo na sa tulog. Di ko itatanggi na nakatulong ang pagpe-pes ko, pag-ym, pag-surf ng mga sites na gusto ko. Sa ganung bagay, di ko namamalayan ang oras. At nalilibang ko na din ang sarili ko kesa naman magmukmok lang ako na pagod na ko. Sana kung kasing laki ng bayad na mga artista ang sweldo namin para sa isang puyatang taping. Kaso kami, eh limang araw na puyat. At pakiramdam ko pa, eh putol ang day off kasi sa kalahati na lang ng araw nagsisimula iyon.

Pero may dalawang bagay na nagpagaan ng loob ko kahapon, eh. Nakakwentuhan ko kasi ang kuya ko. Siya lang ang nagre-renovate ng bahay nya. Sinabi nga nya yung mga gastos, utang, pagod sa paggawa. Yung kung gaano kailangan ng tao ang pera sa ganitong panahon. Di ba tama naman na mahirap kumilos kung wala kang pera? Naisip ko na malaki nga nag sweldo pag gabi ako papasok. Oo na. Sige na. Mukha ng pera. Pero iipunin ko yun. Di iyon ang magiging dahilan ko para bumili ng kung anu-ano.

Naiisip ko na kasi na mag-resign na din. Halos kalahati din ata ng teammates ko na kaibign ko na, eh aalis na at may iba nang work na target. Kaso mahirap din humanap ng company na kayang tapatan ang sweldo ko ngayon lalo na kung di sa call center ako mag-a-apply. O, teka. Di malaki ang sweldo ko, a. Ang hirap din hanapan ng match na work ang course ko ,eh.

Isa pa ding naiisip ko, eh yung sinabi ni Pope John Paul II. Yung, "Be not afraid." Sinasabi ko na lang din sa sarili ko na sandali lang to't di ko namamalayan na umuusad na yung oras. Tapos, panibagong palitan na naman ng shift. Mas ayos talaga kung mabalik na naman yung morning shift (Eto talaga pinagpipilitan ko, no?). Ayoko naman sabihin sa sarili ko na, "O, eto. Challenge 'to..challenge.." tas bigla na lang akong sasabak. Mahirap din ipilit sa sarili ko ang di ko gusto. Pero susubukan ko muna. At least, kundi man mag-work, eh sinubukan ko.

Di ko alam kung paanong adjustment na naman ang gagawin ko. Buti na lang ang off ko, eh Sun - Mon. So, bale pumapatak ng Sat - Sun yun kasi nga start ng shift ko, eh 12mn. Last work day ko, eh 12mn ng Sat. Pasok ako ng Mon late night para sa 12mn shift ko ng Tues. Eto naman ang start ng work week ko. At least di na din gaano nakaka-depress.

Ewan ko din. Basta ang dami ko pang aayusin. Maski nga yung oras ng pagkain ko, pag-prepare ko for work, lalo na yung sa pagtulog ko. Mami-miss ko ang Ayala pag umaga at hapon. Nakakalungkot kasi maglakad dito pag gabi kasi konti lang ang tao. Mas nakakapagod.

Lahat naman kami kailangang mag-adjust. Eto'y di lamang sa shift kundi na rin sa bagong set ng reps sa sked. Wala na din kasi ang karamihan. 20 kami noon na ngayo'y 7 na lang.

Panigurado na ang pakahihintayin ko na naman ay ang pagsapit ng rest days ko.

******************

Image hosted by Photobucket.com to Nina, my teammate who just got married yesterday afternoon.

Also bon voyage to my Tito Ronnie, Tita Lit, Jessica, Allyson and Mar this coming Tuesday. They would be going back to the US after spending their vacation here. Image hosted by Photobucket.com

And to all of my friends, please tell me I'm ok. That it's ok. And whenever I send a text message, you would reply. Image hosted by Photobucket.com


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 10:32 AM