Sundae
Wala lang yang title na yan. Di ba kasi pag summer masarap mag-ice cream. Parang ganun pag nag-swimming. Sarap gawin sa summer.
Gaya last Sunday. Nagmadali nga akong umuwi kasi baka ako na lang ang wala. Galing pa kasi ko sa trabaho nun. 12 pm ang out ko. Eh, yung byahe ko pa. Kaya nakarating ako dun sa lugar ng past 2:30 pm. Di ko pa nga nkita. Sinundo na lang ako ng kapatid ko dun sa kanto.
Private resthouse ata yun. Kami lang yung andun. Pagdting ko, nagsu-swimming na yung mga bata pati yung mga relatives ng side ng Tita Lit ko. Kami kasi, eh sa side ng Tito Ronnie ko. Kapatid ng mommy ko. Nagmano muna ko sa lahat. Tapos, kumain. Syempre walang pancit. Kaya ang una kong nilantakan, eh yung palabok. Sunod naman kanin at inihaw na tilapia.
Tapos, nun nag-bingo muna kaming magpipinsan. Piso-piso lang ang tayaan. Swerte at nung unang sali ko, ako ang naka-bingo. Niloloko nga rin nila yung pinsan namin si Mar kasi isang beses ginawa syang tagasabi at tagabunot ng number. Eh, slang yun kaya nakakatuwa pakinggan. Nung last round, blackout, eh si Ryan ang tumama. Five pesos na ang taya nun.
Pagkatapos nun, nagyayaan nang maligo. Ayun, langoy-langoy. Laro. Karera. Medyo hapon na kami nagbabad sa pool, eh kaya di ako umitim.
Mas masaya ngayon compared sa ibang outing namin noon. Kumpleto kasi. Huling uwi ata dito sa Pinas ng mang-tito ko, eh Xmas 2002 pa ata.
Basta masaya. Nung tinanong nga ng pinsan kong si Bebe sina Mar and Allyson kung kilala nila ko, sabi nila hindi daw. Tas sumingit si Mar na, "He's Ate Judith's boyfriend." Yun, natawa kami. Kasi pinsan din namin si Judith. Sabi ni Bebe, "No. He is AteTrina's brother. You know, Tita Tessie. He is her son. He is Kuya Arnold." Ang ganda ngang pakinggang na tatawagin ka nilang kuya at ate na pa-slang. Tapos pag kinakausap sila ng mommy nila ng Tagalog, Ingles pa din ang sagot. Nakakaintindi naman sila maski konti.
Eto mga pix namen.. este nila pala. Di ako nakasama, eh. Hehe! Kuha na yan sa bahay ng lola namen.
Top: Jen, Judith, Allyson and Cherry. Below: Janelle, Bebe and Mayen
Jessica and Mar
Jessica and Mar take 2
Ako ang kumuha ng first three. Nahiya pa nga akong kunan yungmagkapatid, eh. Baka kako mahiya tas di magpakuha. Sinabi ko na lang na, "Mar, can I take your picture?" "Jess, you also." Ngumiti nga agad si Jess. Tas pinagtabi ko sila. Si Allyson, yung second child, yung nakasalamin na nasa gitna din ng 2 nakasalamin sa taas na pix. Si Jess ang eldest at si Mar ang bunso. They're in 8th, 7th and 4th grade respectively. Spring daw sa kanila kaya bakasyon sila nun.
Yung mga girls ulet. Good looks run in the famiy, he?
Additional:
Siya nga pala yung sinasabi kong newset addition sa family namin, si Gabby. Ipinanganak siya nung Holy Week. Di ko matandaan kung anong araw, eh. Pasensya.
posted by Arn at 5:47 AM
|
<< Home