Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Sunday, April 10, 2005

Not My Ordinary Sunday

Surprise. I'm still trying to finish my shift til 12 noon.

Medyo nag-complain nga ako sa teammates ko na nakakainip maghintay pagkatapos ng shift ko. Kasi tapos na ko by 4pm. Tas next shift ko para sa interim ko, eh 3 am Sunday. So, 11 hours na wala akong gagawin. Ayoko na naman na mag-surf kasi nakakasawa na.

Mga 6pm na nga ako nag-dinner. Biruin mo, a. Ang lunch ko, Jollibee tas dinner, eh McDo. Ang saya. Gusto ko na ng lutong bahay! Image hosted by Photobucket.com

Nagpunta na ko ng sleep room ng mga 7pm. Buti't konti lang ang tao at may space pa. Pinipilit ko talagang matulog. Kasso pangit naman yun. Kasi di ako naka-relax kaya mahirap matulog. Nakatulog naman ako kahit konting oras lang. Nagising kasi ko sa lakas ng hilik ng isang tao dun. Kainis talaga. Image hosted by Photobucket.com Di na ko nakatulog ulet. Nakapikit ako pero hinintay ko na lang yung alarm ko. Kaya ayan. Maga po ang aking mga mata. Image hosted by Photobucket.com

Mga bandang 1:30 am to 2:30 am, eh walang elevator. Kailangan kong maligo sa kabilang building. Eh, di syempre hinanap ko yung fire exit kasi yun lang ang gingamit para makababa at mapasok sa floor namin pag walang elevator. Sabi kasi sakin na sa tabi ng cr na babae yung pinto. Eh, nung tinanong ko sa teammate ko kung iyon yung malaking pinto na dalawa yung bukasan, sabi nila yun daw. So, yun ang pinasok ko. Nakita ko na may mga garbage bag tas may elevator din na isa. Tas may isang pinto na may nakaharang na silya. Sinubukan kong pindutin yung elevator sa pinasukan ko kaso ayaw. Yung pinto naman, eh naka-lock. Tapos, nung lalabas na ko sa room na pinasukan ko, naku! Naka-lock na yung pinto. Image hosted by Photobucket.com Nabubukasan lang yun ng nasa labas. Bale kung ikaw ang nasa loob, eh maghintay ka ng dadaan nang may magbukas sayo. Kaya ayun ang nangyari sakin. Mga 3 minutes din siguro ko nakulong. Tas buti may dumaan na babae at screen yung door kaya napansin nya ko. Ayun, binuksan nya tas tinanong ako kung paano ko napasok sa loob. Tumawa lang ako. Tapos, nadinig namin na may kumkatok sa kabilang pinto. Ako na ang nagbukas. Ayun pala yung hinahanap ko na fire exit. Kaya ayun. Bumalik muna ko sa station namin tapos sinabi kay Anne na papa-ring ko yung phone nya para sya magbukas sakin ng pinto pagbalik ko.

Ayun na nga. Lumabas na ko dun sa fire exit. Kaso nakakatakot sa may 9/F kasi nakabukas yung pinto tas mausok. Eh, ang dilim pa naman. May fumigation ata kaya ganun.

Sa JG ako pumunta kasi andun ang shower room. Tinanong pa ko ng guard kung sa sleep room ako. Sinabi ko na sa shower room. Nagtaka sya kasi ba't ang aga ko daw maligo. Sinabi ko na kakagaling ko lang sa shift tas may shift ulet ako.

Nakabalik na ko dito sa building namin ng mga 2:30 am. Tama lang para sa 3 am shift ko. Kaya eto. Malapit na din akong matapos. Kasalukuyang 7:44 am na.

Di naman pala nakakainip. Nung naghihintay siguro ko, medyo nainip ako. Pero ngayon ok na. Kumakain-kain na lang ako. Hehe.

Magmamadali pa akong umuwi mamaya. May swimming kasi kami. Treat ng tito kong babalik na sa US sa Martes. Hahabol na lang ako. Hanggang 12 pm pa kasi ko. Masaya tiyak yun. Image hosted by Photobucket.com

Yun lang po. Na-share ko lang. Natawa kasi ko nung na-lock ako, eh. Sya nga pala. Off ko ng Monday, Tuesday. Pero Tues pa lang ng gabi ay nandito na ko kasi 12am ng Wed ang pasok ko. Sana maka-adjust agad ako.

Medyo antok pa ko, eh. Pero nagsa-sound trip ako. Ako na lang kasi ang naiwan dito. Image hosted by Photobucket.com

Sige. Bye. Bye na. Image hosted by Photobucket.com

Last Song Syndrome : Sunday Morning - Maroon 5
** song currently playing on my background from somebody's blog**


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 7:16 AM