Hey Arnold!
Naku naman talaga, oo. It's one of those days. Not one. Hanggang ngayon pala, eh di pa ko gaanong okay. Pero di ito ranting tungkol sa kung anuman ang nangyari sa account ko. Kasama na yun, oo. Pero medyo nasanay na ko.
Ang dami kong iniisip kasi. Na sa dami ng iniisip ko, eh nakakalimutan ko na kung ano yung importante, kung ano yung dati. Ok, sige. Bothered ako sa career, sa bills, sa tuition ng kapatid ko na mag-e-enrol na sa UST sa Miyerkules na ako ang sasagot ng half installment, sa schedule ko, basta lahat tungkol sakin. Syempre sakin. Buhay ko 'to.
Ibaling ko man ang isipan ko sa iba, wala akong magawa. Career. Career. Career. Ano na nga ba ang narating ko after 10 years? Parang job application, no? Malayu-layo pa naman ang aking ika-24 na kaarawan. Kabataan pa naman yun. Pero syempre, ang gusto ng karamihan ng mga kumpanya, eh yung bata, fresh grad o di kaya may experience na. Karamihan ng mga nakikita ko kasi sa ad, eh 25 years old yung age limit nila. Parang pag na-over na ko ng 25, lagot. Humanap ako ng career ng mag-isa.
Ok, sige. Above minimum ang sweldo dito sa call center. Take ng calls. Mag-English ka. Mag-sales talk. Customer service. Sa tech support, wala ako dyan. Pero iba pa rin yung setup kung harap-harapan kayong nag-uusap, eh di ba? Malay mo mag-decide ako na mag-med rep. Pero at least, may background na din ako sa sales. Iniisip ko din na sa government para magamit ko naman ang course ko (Jaja, ayos ba sweldo dyan?). Baka matulungan ako nung kakilala namin na makapasok sa local office dun samin. Kaso alam naman natin ang sweldo dun. Mahirap na din pag nasanay na na ganito ang karaninwang kita mo. Ang gulo, di ba? Uy, favorite line ko na yan.
Meron nga akong kaibigan na nag-aaral sa isang call center school (Ehem! Ehem! Jomark?!) para lang daw mahasa ang comm skills nya. Wala pa daw sya balak mag-call center kasi may school pa daw sya. Nasabi ko na lang na parang ako pasuko na. Malamang magustuhan din nun. Kasi gaya ko, masarap nga naman ang parang college ang environment, para ka lang pupunta sa mall pagpasok mo kasi casual clothes lang at nakaka-surf ka pa ng ilang oras.
Pero kung iisipin ko din pag umalis ako, saan naman ako pupulutin? Eh, di naubos lahat ng inipon ko kung wala pa kong kapalit na trabaho. Naisip ko din na di ako kawalan sa company kasi mass hiring ang call centers ngayon. Maski umalis ang isang empleyado, eh dagsa naman ang kapalit nito. Bah. Ang dami atang guma-graduate at naghahanap ng trabaho ngayon. Di ko naman dina-down ang sarili ko. Pakiramdam ko naman asset na din naman ako dito kasi mataas naman QA scores ko at sumusunod ako sa company policies. Yun nga lang. Ang bilis ng cycle at changes sa call centers. Matapos lang ang contract ng account na sine-serve mo at di na nag-renew, no choice but to train to a new account ka na. Yun ang idea na ayoko. Na nakadepende ka sa account mo. Pagnawala yun, floating ka. O, di ko pa sinama dyan yung schedule, a. Damn! I want a normal life.
Kaya sa mga biglang nag-shift ng career (Uhm, Zig, Aisah, Gill, Mitch, Rich.. Nins, pati ba ikaw? Buti pa kayo.), masaya ko para sa inyo. ;)
Matagal-tagal ko na din palang di nagagawa ito, ang ngumiti para sa sarili ko pagkagising sa umaga. Hapon na nga pala ko nagigising ngayon kasi umaga na ko umuuwi. May katabi kasi kong bookshelf sa kwartro. Kaya paggising ko, pag lumingon ako sa kaliwa, eh may reflection ako dun sa salamin sa pinto nun. Ayun, ngumingiti ako tas sinasabihan ko ang sarili ko na, "Hi, Arnold! Good morning!" Kanina ko lang ulit nagawa yan. Madalas ko din talagang kausapin ang sarili ko.
Ayun lang. Kaya nga magpa-file ako ng leave sa Saturday at Tuesday kasi parang drained na ko. Alam mo yung orange na piniga? Parang ganun. Kailangan kong i-compose ulit ang sarili ko. Sabi ko nga, natambakan na ko ng mga iniisip ko since last week.
Te-text ko nga yung dalawa kong kaklase slash barkada nung college, e. Dati pa din kasi nila ko niyayaya na magkitakits. Eto na siguro yun. Di ba iba din ang pakiramdam pag may nakausap ka? Kahit wala silang i-comment basta may makinig lang sayo. Alam ko na sasabihan na naman nila ko na di ako mapupunta dito kung di ako magaling.
Nangyayari na naman kasi sakin yung kagaya ng mga nabanggit ko na noon pa sa iba kong posts. Na pumapasok lang ako kasi parang yun ang nakadikta sakin. Kain. Ligo. Bihis. Biyahe. Trabaho. Routinary. Nawawalan na naman ng sense yung mga gingawa ko. Eh, iyon e sa paningin ko. Alam mo yung kasabihan na sa sobrang pagmamadali mo, hindi lang yung tanawin papunta sa iyong paroroonan ang nami-miss mo kundi pati yung sense ng paglalakbay mo. Yun. Blangko lang ako lagi. Na parang wala lang to.
Syeters. Kailangan ko talaga silang kausapin. O makita ko man lang sila.
Gusto ko lang pangitiin ulit ang sarili ko gaya ng dati.
******************
Nung Sabado, bumili nga pala ko ng album ni Nyoy Volante - OPM Klasiks. Ayos yung mga versions dun lalo na yung instrumental na "Ngayon at Kailanman", yung sarili nyang kanta na "Nasaan" at yung "Umagang Kay Ganda" na siyang last song syndrome ko ngayon.
posted by Arn at 2:44 AM
|
<< Home