Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Wednesday, April 27, 2005

Ang Witty Title Dito

Ayan naman ang gusto ko.

Kakabalik ko lamang po, mga kaibigan sa aking vacation leave at day off. Bale two days akong naka-leave at two days din ang day off ko. Sumatutal, tumataginting na apat na araw na pahinga. Haayy.. pagkasarap ng buhay.

Hindi na ko pumasok nung gabi ng Biyernes para sa 12 midnight shift ko sa Saturday ng umaga. Hmm, magulo na ang sked ko? Bale kasi ang leave na na-file ko, eh para sa Sabado at Martes. Kaya di ko na kinailangan pang pumasok ng gabi ng Biyernes at Lunes para sa shift ko sa madaling araw. Ano? Magulo pa din? Eh, wag mo nang isipin pa kung pano yung sked ko kasi maski ako nung una, eh litung-lito.

Plano ko naman talaga na magpahinga nung mga araw na yun. Sabi ko nga, eh na-burnout, drain, saturate, *umisip ka pa ng angkop na salita katumbas ng mga nabanggit ko* na ko sa trabaho ko. Kaya naman bigla na lang ako nag-file ng leave at tinapat ko pa talaga ng na-sandwich ang day off ko. Eh, di mas ayos yun. Pabor na pabor sakin. Yun ang style. Hehe!

Nung Biyernes ng gabi, eh may di ako inaasahang texter. Alam ko na busy sya. Alam ko na marami din syang inaasikaso at tinatapos. Bigla na lang na nag-text sya na para bang nagpapahiwatig na na-miss nya ko. O, di ako nangangarap. Basta yun ang punto ng text nya sakin. Kaya naman natuwa ako. Ay, correction. Tuwang tuwa pala. Kaya't kung si Vermon ay may tinatawag na "poison" kung saan "ka-close" at "kaibigan" lang daw nya, ako naman ay meron din. At itatago ko na lang sya sa codename na "hotcake." Kung bakit "hotcake" ay di ko din alam. Bigla ko lang naisip yan. Pero malamang kasi hot naman talaga sya.

Past 8:30 pm yata na-send sakin yung text na yun. At nabasa ko lang sya ng mga 11 pm na yata. Syempre dali-dali akong nag-reply. At mantakin mo nga naman na gising pa si hotcake. Nawala bigla ang antok ko nun, a. Palitan kami ng text messages. Ok, sige. Cheap na kung cheap. Pero di ako nanliligaw sa text ko. Flirting lang siguro. Haha! Basta yun. Matagal din kaming nag-text. Tas yung medyo sa huli ko atang reply, eh tinanong ko sya ng, "Do you seriously miss talking to me? *may kasunod pa na mga tanong yan kaso di ko na ipo-post*..." At ang kanyang sagot ay, "Ok ka lang? Magtetext ba ko kung hindi? *may kasunod pa din to kaso secret ko na lang yun...*" Parang ayoko nang matulog nung gabing yun. Haayy hotcake. You made me so hot.

Nung Sabado naman ng hapon ay nag-decide na ko na magpa-hot oil. Marami na kong kaibigan na nagsasabi na ipaayos ko ang buhok ko kasi nga pinapahaba ko tas ang gulo-gulo naman. May nag-suggest pa nga na ipa-rebond ko daw. Susko po. Ke mahal nun at di naman ako ganun ka vein. Ilang sapatos na ang mabibili ko sa presyo nun. Maski na ang crowning glory ng isang tao ay ang buhok nya. Mas pinapaniwalaan ko pa din na sa mukha naka-focus ang tingin ng karamihan. Kahit magulo buhok ko, cute naman. Haha!

Pero yun na nga. Pumunta ko sa di kilalang parlor sa may crossing samin. Dun kasi ang sinuggest ng hipag ko. Dun daw sya nagpa-hot oil. Siya din kasi ang huling pumuna na ang dami daw flyaway ng buhok ko. So, sinubukan ko. Ako lang ang customer. Natawa lang ako kasi perstaym ko lang malagyan ng shower cap pagkatapos akong pahiran nung parang yelow na cream. Eh, nung araw din na yun e ang hina ng tulo ng tubig sa buong bayan ata namin. Kaya yung ginagamit nila na parang hose na pambanlaw ng buhok, eh walang tubig. Kaya di-tabo ang labanan.

Ayos naman ang resulta. Pero ngayon, balik na naman sa dati. Di na ulet sumusunod sa galaw ang buhok ko. May sabit na. At malamang na di na ko makapag-asawa ng mayaman. Haha! Joke.

Linggo naman ng hapon, eh kumain lang ako ng kumain. Ang pinakagusto kong napagtripang kainin nun ay yung tiglilimang pisong halo-halo sa kapit bahay namin. O, san ka pa? Limang piso lang. Walang ganyan sa isteyts.. este sa Maynila. Konti lang ang sahog. Gulaman na green, sago na kulay pula, pinipig, langka at ube. Syempre may gatas, asukal at ang malamig na ginadgad na yelo. Yum. Dalawa nga ang nakain ko, eh. At inilibre ko pa ang nanay at kapatid ko. Ang kuripot, no?

Ok. Lunes naman. Dapat magkikita kami nila Kookai at Xixa sa isang fast food chain sa may amin. Nung Biyernes ko pa yata tinext sa kanila yan. Sinabi ko na ako na ang taya tas kwnetuhan kami. Mga barkada ko yan nung college maging sa ngayon. Matagal na din kasi kaming di nagkikita. At kalimitan ng pgkikita namin ay dun sa fast food na yun kami tumatambay para kahit ubos na ang pagkain namin, nandun pa din kami at nagkukwentuhan. So, yun na nga. Di natuloy kasi may emergency si Kookai. Nag-cater sya nung araw na yun. Sobrang ready na nga ako kasi nagbibihis na ko nung nag-text si Xixa na i-resked na lang daw sa susunod kong free time. Nalungkot tuloy ako kasi sobrange excited ako. Pero sinabi ko na ok lang, na next time na lang. Kaya dumiretso pa din ako sa bayan kasi ang tagal ko nang naghahanap ng dalawang tsinelas, isang sandals at isang regular na tsinelas lang. Kasi binigay ko na sa kapatid ko yung sandals na pinampapasok ko dati sa trabaho ko. Tas yung paborito kong tsinelas na nabili ko sa Sari-Sari Store nung Dec '02 (O, tanda ko ang date.), eh pigtas na. Actually, di pa sya gaanong pigtas. Malapit-lapit na pero ini-stapler-an ko kasi ng dalawang ulet kaya mukhang ok. Nakakarating pa nga ako sa bayan na ang suot, eh yung tsinelas ko na yun na malalay na at stapler na lang ang suporta. Ang jologs ko no? Para kong sira. Eh, kasi naman paborito ko yun. Kulay black and grey yun parang kulay nitong blog ko. Kaya sa sweldo ngayong linggo ay magmo-mall ako. Nakapag-leave na ko para ma-recharge ako kahit papaano. This weekend naman ay treat ko ang sarili ko. Sana lang ay may makita ko na ayos talaga at astig ang style.

Si Kookai nga pala dati ay nasa DOH. Ang laki ng sweldo nya dun kaso napagod na din ata. Tapos napunta sya sa catering kasi yun ang business ng family nya. Binigyan sya ng puhunan tas ayun na, may sarili na syang market. Malaki din ang kita nya dun. Si Xixa naman ay dalawang taon na atang propesor sa state u dito samin. Si Joms naman ay medical transcriptionist at isang.. isang ano nga ba? Dalawa kasi ang trabaho nya, eh. Di ko alam yung isa. O, e ba't nasinggit si Joms? Basahin mo sa baba. Ay, barkada ko din yan nung college. Basta marami pa kayong malalaman tungkol sa mga barkada ko sa college sa mga susunod na posts ko.

Nag-text kasi ko kay Joms tas tinatanong ko kung ano yung isa pa nyang work. Tinanong ko din kung yun pa din ang email add na ginagamit nya. Sa kapaguran ata, eh nalimutan nang sagutin ang tanong ko tungkol sa work nya. Sinabi lang nya na kaya dalawa ang work nya kasi incoming first year ang kapatid nya sa UST. Hihintayin din daw nya ang email ko sa kanya. Naisip ko tuloy. Dalawang kapatid ko ang nasa UST ngayon. Tumutulong din ako sa pagbabayad dun. Nagrereklamo na nga ako noon. Kaso parehas lang din kami ng sitwasyon ni Joms. Kaya... sa email ko na lang sa kanya sasabihin ang mga gusto kong sabihin, di na lang dito. Hehe!

Bago matapos ang Lunes ng gabi ay nagtext ako kay hotcake. Inisip ko na di sya magre-reply kasi magkausap lang kami nung Biyernes ng gabi. Ganun kasi yun. Mga isang linggo ang pagitan bago makipagkwentuhan ulet. Kaso ang bilis naman nyang nagreply. Buti daw at nagtext ako. Nabo-bore na daw sya sa inaaral nya. Kaya nakangiti na naman ako habang nagrereply. Mas matagal ang kwentuhan namin. Bast dun na lang. Di ko na i-e-elaborate pa. Basta masaya ko ngayon. Haaayy.

Teka. Anong oras na ba? Pasado alas dos na pala ng umaga. Buti di pa ko inaantok. Di ako nakatulog ng maayos kaninang tanghali, eh. Tas pagtulog ko kanina sa sleep room, eh di din ayos. Siguro na-carry over lang yung pakiramdam ko ngayon.

Burntout? Stressed? Drained? Saturated? Medyo pa rin kasi parang bitin. Pero mas hyped at frenzied ako ngayon.

Haayy, hotcake. Hope I'm in your dream tonight. Tetext sana kita kaso na-expire na yung load ko kanina. Bad trip. Ipo-forward ko pa man din yun "miss you" text mo sakin. Yihiii! Haha!

Basta, I had a meaningful, worth it four days off. Maski na nangangarap pa din ako na mabalik ang AM shift, at least I have more than one way to cope up and entertain myself.

Sana sa susunod makita at makakwentuhan ko na yung mga taong miss na miss ko na.

My witty one liner here : [spoiler] Word of the day : Hotcake [/spoiler]


******************

to Pogie (April 15) - barkada ko na nasa Tate na, Vermon (25) - tropa mula sa PEx. Liza (29) - a.k.a. muther dito sa opis, and to my brother, Ted (29). Sorry sa mga nalimot ko yung birthday. Di ko kasi ma-access yung friendster ngayon, eh. Basta happy, happy birthday sa inyo lahat.


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 1:29 AM