Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Tuesday, January 04, 2005

[none]

That missed call again.

I really don't have patience on unlisted number appearing on my phone. Ok. One missed call, I can tolerate. But successive ones, grrr!

You know, I've saved more than twenty numbers under your name. How did I know that you were the one bugging me? Ok. Everytime I get a missed call, I save the number. (I save them under the names, The Ring, Bored1, Bored 2..and the list goes.) One time, you texted me and the sender's name which appeared was Bored. Probably, you didn't remember that you were using other numbers before. You even ended that text message with your name. So, I was really sure that was you.

I'm sorry. This is note a hate post. I was just annoyed.

Liz, gaano katagal na nga ba tayong magkaibigan? Sa naaalala ko, e nagkakilala tayo 2nd year college pa lang ako tas 1st year ka naman. Ilang taon na din pala. Di ko na din maalala kung kelan yung date ng huling greeting card na sinend mo sakin. Di ka din naman nag-send ng kahit ano nung birthday ko. Maski nung Pasko.

Pero ako, ganun din. Oo, sinadya ko yun. Sinadya ko na di magbigay ng card o kahit mag-text nung birthday mo last year. Kasi feeling ko nakakasakal na din. Alam mo naman siguro ibig kong sabihin. Hindi tayo. Alam natin yun. Pero bakit ganun?

Di ko alam kung nasa inbox pa ng email ko yung sinend mo sakin na tatlong tula. Napansin ko na ang message nung tatlong yun, e about saying goodbye. Binalewala ko lang yun kasi alam ko wala naman problema. Di ko alam kung manhid lang ba talaga ko o engot-engot lang talaga. Pero dun sa last poem na sinend mo na ganito ata yung isa sa mga lines, "I threw your picture outside my window.." 'Yun, naisip ko ang literal na larawan sa isip ko. May picture ako sa'yo, di ba? Naisip ko na baka tinapon mo na nga o sinunog o pinanakot sa daga. Maiintindihan ko naman yun kasi alam ko galit ka.

O, nag-assume na ko na galit ka nga sakin. Pakiramdam ko lang. Parang wala na yung closeness.. yung bond. Ewan ko lang din kasi baka mali ako. Di pa naman din tayo ulet nakakapag-usap. Pero on my end, parang natigil na yung dating glow. You were nice to talk to. Ang daling magkwento sayo ng bagay na tungkol sakin. In short, pakiramdam ko na may emotional foundation na nga tayo sa isa't-isa. O, baka maaaring mali din ako. Ah, hindi. Manhid lang talaga ko. At alam kong alam mo na manhid ako. Manhid. Manhid.

Meron kang graduation card sakin.. may birthday card.. Dalawang birthday card pa ata yun. Yung mahahaba mong letters na apat na pages ata tas baligtaran pa ang sulat sa papel. Alam mo, nasa akin pa din yung mga yun.. kasama ng iba pang mga importanteng mga sulat sakin. Di ko na din maalala kung anong card yung huli kong na-mail sayo.

Nung nag-miscol ka sakin nung isang araw, di ko na talaga inisip na mag-text at magtanong ng, "hu u?" Kasi sa dinami-dami ng mga naka-save nga na numbers na ginamit mo noon. Tsaka naiinis na din ako. Pede naman kasi mag-text ba't kailangan na ganun pa?

Nakaka-miss din yung dati. Di ko naman sinasabi na napalitan ka na kasi may mga bago na kong mga kaibigan. Pati tuloy ako nag-iisip kung meron ba talagang maliit na diperensya ang pagkakaibigan sa mas higit pa sa pagiging magkaibigan.Sinabi mo pa nun na para kong older brother mo kasi wala ka namang kuya.

Maski sa email, wala. Kahit forwarded messages, e wala na tayo. Siguro ako nga dapat ang mag-first move at magtanong kung ano na nangyayari sayo. Pero ginawa ko na naman yun, di ba? Nag-text na ko tas sinagot mo lang ako ng, "Aba. Nakaalala." Tas wala na ulit. Di ko rin maintindihan. Ginawa mo naman ang lahat to please me. Thank you. Siguro pareho lang tayong magulo.

Kapal ng mukha ko na mag-react sa mga miscols 'no? Kung nainis ako sa mga yun, alam ko mas inis ka sakin. Pasensiya na lang.

For whatever it is I've caused you, I'm sorry. Di ko naman siguro inaksaya oras mo, tinta ng ballpen mo, internet hours mo. Maski sa mga letters naman, e alam ko kung gano ka ka-excited sa mga kwento mo. Pati oras at lugar kung san mo sinulat e nilagay mo pa. Yung mga stickers na nakadikit sa envelope. Yung mga stationary na sinulatan mo. Thank you talaga.

I just don't know what and where we are now. I don't know about tomorrow. I don't know if you received my last text message. I don't know if you still keep my letters. I don't know if you still like me.

Before I close this one, here's one last note:

Liz, I loved you but not the way you wanted me to. Hope to see you again.


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 4:40 PM