Blood is not thicker than water
I can't believe that loser will have a space here in my blog.
By the time I would close my weekend wth e smile, a major drama happened. I'd try to make the long story short. I was already brushing my teeth and about to get some sleep at around 9pm last Sunday when my eldest half brother came home. I think he was a bit drunk, or maybe not just a bit. One would notice when he's home. Chine-check nun kung ano pagkain tas malakas magbagsak ng kung anuman na nasa lamesa. As is isang hari na hinahainan mo na lang.
I'm done cleaning myself. I stayed in our living room for a few minutes because I was still writing something while listening to the radio. I think he washed his dirty plate and cup. Tapos, nung binabalik na nya yung mga yun, e padabog talaga. Yung nakakairita. Kasama ko yung isa kong kapatid na nakaupo sa sala at nagre-review sya para sa prelims nya. Tas sa sobrang pagkairita ko na, e sinara ko ng malakas yung pinto. Pagkatapos nun, ayun na. Nagbasag na naman for the nth time. Una nyang hinagis yung lalagyan nya ng kutsara. Tas yung plato. tas binasag yung salamin sa cabinet. E, natutulog yung kapatid ko. Nagising dahil sa may kwarto nya nahagis yung mga yun. Tas nagtanong kung ano na naman problema. Tas sinabi nung loser na yun na nagdadabog daw ako. Tas tinanong ng kapatid ko na, "Pinagdadabugan ka ba?" Tas sagot nun, "Tanungin mo kuya mo?" Eh, ako N.R. lang ako. Tas sinabi na ng kapatid ko na, "Hanggang kelan ka ba magbabasag? Hanggang maubos lahat ng gamit dito? Ikaw pinakamatanda dito pero tignan mo sarili mo." Basta madami pang sagutan, e.
Ako, N.R. lang talaga. Tas nakatitig lang ako sa kanya na parang nasusuya ako o kung anuman. Tas umiiyak na nun ang kapatid ko. Maiiyak na ko nun kaso pinipigil ko. Tas sabay dating ng isa kong ate. Naabutan nya. Sya kasi huling biktima ng pag-iinarte ng kapatid namin na yun, e. Tas pinatawag sakin yung isa kong kuya kaya natigil ang drama.
Malamang nga ako nag-trigger na magbasag na naman yun. Pero lagi naman ganun yun. Adik kasi yun dati. (Ewan ko lang ngayon) Di ko kinakahiyang sabihin yan. Kasi unang-una sya yun. Hindi ako. Tsaka matagal ko nang tinatak sa sarili ko na di ko sya buong kapatid. Alam mo yun, ilang beses na sya binigyan ng chance na magbago. May trabaho na uling binigay sa kanya nun kaso ala pa din. Mas naaawa ako ngayon sa mga taong di binigyan ng chance sa buhay lesa sa kanya.
Sobrang mommy ko din naghirap. Lahat kaya sila sa bahay takot sa kanya lalo na pag nagdadabog. Kailangan kong hindi magpasindak kasi sino na lang magpoprotekta sa mga kapatid at nanay ko. Nung huling nag-usap kami nun, e 2nd year college pa ata ako. At di matinong usap yun, a. Word war. Basta ayoko lang ng may umaagrabiyado sa mga mahal ko.
Yun talagang gabing yun, e nakatitig lang ako sa kanya habang nagbubunganga dun. Ang cool ko nga lang nun, e. Di ko rin nilinis yung mga binasag nya. Kaya ayun, wala syang gamit. Sa palad sya kumain. Tangina nya.
Madalas pa yun may dalang bible, a at nagbabasa-basa kuno sa may likod-bahay namin. May "Purpose Driven Life" pa yun. Tas madalas ubo ng ubo na animo'y may sakit. Tas tatahi-tahimik na kunwari walang kibo. Madalas talaga magbasag yun. Tas nagsasalita mag-isa. Minsan English pa nga. Sosy ng puta. Baliw nga siguro. Pero alam ko na drama lang nya lahat ng yun. Purpose Driven Life? May Born Again session pa yan. Kung ganyan ang klase ng drama nya, e he's out. Napanood ko na yan sa pelikula.
Lahat talaga samin, e iwas na sa kanya. Maski mga pamangkin kong bata, e takot talaga. Wala talaga syang masisisi kasi siya lahat may kasalanan. Maski nga yung syota nya e ano nangyari? Eh, di iniwan sya kasi kung ano gusto nya e yun ang masusunod. Wala talagang maka-kontrol dun maski tatay ko mismo noon. Kaya ngayon, ayan. Pagod na lahat.
Sorry kung may mga mura yung post ko. Talagang galit lang ako. That bastard. Basta di ko lang makwento lahat. Napuno na kasi lahat ng tao sa kanya sa bahay. Di sya pinagkakaisahan. Iniiwasan na lang sya.
Kapatid ko sya, oo. Pero hanggang dun lang yun. Mas importante pa rin sakin yung walang tuldok pagkatapos ng salita ( Halimbawa kapatid, kaibigan, kakwentuhan.. di ba comma ang kasunod nun.. nagbigay pa talaga ko ng halimbawa no? Haha.. Para naman di masyado init ulo ko) Ilang taon ko na rin kais totally at literally di kinakausap yun. At masaya ko sa desisyon na yun. Tsaka ang dami ko nang kaibigan na parang kapatid ko na din. Kaya dun pa lang e solb na ko. Tsaka di ko kinalakihan na kuya ko yun. Mas may dating sakin yung sa simula, e wala kaming koneksyon o stangers kami tas paglaki namin, e magiging matalik na magkaibigan kami. Pag kasi kadugo automatic na dapat kakilala ko agad.
Basta pag nagkakasalubong kami sa bahay o kalsada wala lang. Taas noo pa rin akong nakakalakad. Siya, e yumuyuko. Sana mahiya naman sya maski sa mga kapitbahay at mga kamag-anak namin. Ewan ko lang. Desidido na kasi ko na wala nang epekto sakin nandyan man sya o wala.
Ngayon, blood is thicker than water pa ba? Malabo.
P.S.
I don't usually do this. But I'ma give you a dirty finger.
posted by Arn at 10:42 AM
|
<< Home