Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Saturday, October 16, 2004

Perstaym...My First Official Nightout

o sya.. kwento ko na.. isang buwan at kalahati ata ang pagpaplano neto.. originally, si jaja, jomark, mayk at ako lang.. e na-meet ko si denise sa opis namin kaya sinabi nya ke jaja na sasama na daw sya.. gusto nga ni jaja na august pa lang e meet na.. e ampanget ng buhok ko pa nun kaya sabi ko sa december na lang. tas ito namang si jomark e may lakad nung sept.. tas finals pa nya..

ako nag-suggest ng oct 9 originally dubbed as THE FAB FOUR EB .. di ko naman alam na seseryosohin nila.. ayun, nadaan sa charm. nagloko pa nga fone ko nung oct 8 kaya di ko gaano nakontak sina mayk at jomark .. pare-pareho kaming di alam papuntang libis.. usapan namin ni mayk na sabay kami sa libis kaya kita kami sa glorietta.. maaga ko dumating.. 1:30pm pa lang e nasa glorietta na ko.. off ni mayk e 2pm pa.. kaya lakad-lakad muna ko.. tinext ko na lang na nakatayo ako sa may booth ng globe at dun sa may bilihan ng tabako.. kasi sa benches sa labas ng wendys ang usapan, sa g4.. ayun, naupo na din ako kasi nga nangawit na ko.. tas humaba na pila sa sine kaya natakpan na ko ng tao.. tinawagan na lang ako ni mayk.. kala ko kung bat naputol yun pala e tinawag na nya ko.. nasa tabi ko na pala.

dun kami lumabas sa may super bowl.. sakay ng taxi sa may sm... usap-usap sa taxi..pagdating ng libis e naupo na muna kami sa may tokyo tokyo kasi ba naman ang sabi ni jaja e 3pm daw.. ang aga daw namin.. kasi sila nasa may katipunan station ng mrt (yung bago) hinihintay si jepoy (last minute na sumama kasi nangulit daw ke denise .. yun ang sabi ni denise )

kwento-kwento habang nag-iintay sa tatlong mababagal si jomark naman e naghahanap pa ng kasama kasi di alam ang way.. tas susunduin pa nya mama nya kaya late daw sya dadating.. nung dumating ang tatlo e si denise na agad una kong nakita kasi nagkita na kami sa opis..tas si jaja ang nauunang naglalakad..habang nakaangkla ang braso ni denise ke jepoy ..

..sabay gimme five sakin ni jaja at sabing.. "nagkita rin tayo" .. ..shakehands-shakehands ang lahat.. wlang beso beso a.. ..tanungan kung san punta.. libot libot kami hanggang nagpunta sa bilihan ng tiket sa sine.. nood na dapat kami kaso walang seat na magkakatabi kami kaya dun na lang sa ibang time ang pinili namin.. P130 pala sine dun..

..naupo muna kami sa couch tas pinaglaruan nila fone ko.. picture picture ng konti.. labas ulit sa bldg.. picture sa labas... tawanan.. tanungan..tingin sa tiangge.. si mayk kasi e kundi nauuna samin e nahuhuli.. tas nood na kami ng shark tale .. ang seating arrangement namin e sa L18 - L22.. si denise jaja jepoy ako mayk .. bago nag start ng 5pm yung movie e pinicturan kami ni mayk at usap usap muna.. nood ng movie.. tas labas na pagkatapos..

tanungan kung san na pupunta.. tanungan kung padating na si jomark .. punta na kami ng fazoli's.. hanap ng table.. nung nakakuha na kami e nagpa-add na lang kami ng maliit na table pa kasi di kami kasya.. tas kami nila jaja, mayk ang nag-order.. mmm, 3 platter tas 5 na drinks tas 4 pc chix n extra plates.. tas galit galit nung kainan.. wlaang pansinan ..at ang pinakaaasam ni jaja ay naambunan kami.. ang unlimited supply ng breadsticks ..

tas pagkatapos kumain e picturan na naman..ang magkakatabi sa sila e si mayk ako denise .. sa kabila namin e si jepoy jaja .. nagpalit kami ni jepoy ng pwesto kasi nagpa-pix kami ni jaja.. tas dumating na si jomark .. past 8 na din yata yun e.. kasama ate nya at yung kaibigan nyang isa..katabi namin sya ni jaja .. tas tinanong namin kung kumain na..

baba kaming tatlo para mag-order.. spag with meatballs, drink, 2 blueberry cheese cake ang pangalawang order namin.. papaakyat kami sa hagdanan ng pababa yung malaking mascot na kamatis.. di tuloy kami nagkasya kaya baba ulit kami.. nung nakaupo na kami ulit sa table e kumain na ulit.. si jaja e hinatian pa si jomark dun sa pagkain nya..mantakin nyo nga naman o.. pero inalok naman kasi sya.. ..pagkatapos nun e kwento.. pix.. tawa.. "autograph" session..

*** si jaja ang madaldal talaga.. sya naghahanap ng seats namin nun.. nag-asikaso sa sine.. hasa na sa gimikan yata.. naka-maong, shirt na may malalaking dark blue at light blue stripes at may white collar, black leather shoes at itim na backpack..nakatali buhok din pala nya tas wala atang make up..nice eyes, btw..

si jepoy e ang may pinakakonting kinain.. isang piaraso ng chicken at bread sticks lang ata..pinaka-relax din ang porma.. sandals na itim, khaki na shorts tas polo shirt na dilaw (lacoste naman)..naka-glasses pa pala to..doktor na.. iwas stress na siguro..

si jomark e naka-white na polo na may pinstripes ata, maong, puting rubber shoes (yun ba yung binili mong sinabi mo sakin?), cap, pero eto pinakagusto ko sa kanya.. yung relo nya.. ang ganda.. walang alam naman tong sabihin samin na "nahihiya ako, eh." .. haba ng pilikmata neto..clean cut pa..

si denise naman e medyo pormal kasi ang palusot sa kanyang mahal na ama e may interview sya sa makati.. all black na medyo litaw balikat a.. tas may bag na may violet na ribbons ata.. ayon sa kanya e bagong rebond ang buhok nya kaya sumusunod sa galaw.. ganda ng smile naman ni denise..

madako naman tayo ke mayk .. nakauso to.. may nike baller id na red..naka maong din, rubber shoes na gray at checkered polo shirt..naka-braces na may green na goma.. clean cut din ang gupit.. ang ayos ke mayk e yung ngipin.. maputi ngipin neto..tas di pala sya mataba.. mukha lang sa pix..medyo kahawig nya yung barkada ko nung college..pareho din ang mannerism.. ayaw ngumiti, habang nagkukwentuhan kami e naglalaro ng bolpen at susulat sulat sa mesa.. tas pag tinatanong namin na bat ang tahimik nya laging sagot e "hindi.. tahimik talaga ko" .. tas lagi pa nyang pinupuri si jaja.. lagig pag may na-describe kami e hihirit ke jaja na parang ikaw.. naks.. diga..

at ako, si arnold .. wala akong masasabi sa sarili ko..bad hair day kasi sabog sabog buhok ko..tawa nga ako ng tawa kasi nahihiya din ako..medyo nakipagkwentuhan na nga ako kasi naman ang gulo ko sa thread tas tatahimik ako..ayoko naman ma-bore sila sakin..mas payat sakin si jomark at mas matangkad ako ke mayk.. hehe

*****************




Jomark, Arn and Jaja (ang pinakaastig na picture that night)

..sina jaja jepoy denise e uuwi na ng mga past 11pm.. kaya hatid na namin sa labas.. ntay namin na makakuha ng taxi.. yun, ang naiwan e ako mayk, jomark.. tanungan kaming tatalo kung san kami pupunta.. laging "bahala kayo.. kung san nyo gusto.. ".. si jomark e sabay hirit ng videoke.. tanggi naman agad si mayk na di ako kumakanta.. lakad ulit kami hanggang makarating sa harap ng the basement .. tanong ni jomark kung gusto namin dun.. tinanong ko kung maingay..sa bi ni jomark club music. e di syempre sabi ko sa tahimik na lang para makapagkwentuhan kaming tatlo..

finally, sa starbucks ang landing namin.. mocha frap ata kami lahat.. di kasi ko umiinom ng mainit na kape pag ala sa bahay.. kwento kwento.. natatahimik din kami kasi nagkakahiyaan din..umalis ata si jomark ng past 1am ata..

kami ni mayk e kwento kwento pa din.. kasi di na kami uwi.. delikado na kasi.. tas lumabas na kami ng starbucks.. lakad lakad ulit sa area.. punta kami mcdo kaso matao din tas maginaw pa.. naupo muna kami sa may harap ng isang resto.. tas punta na lang kami ng chowking-cubao.. kain dun tas stay ng hanggang 5:20am.. uwi na kami.. nauna pa nga akong nakauwi ke mayk .. nung nagtext sya e patulog na ko..

..hay, nun lang ako nakagimik sa buong buhay ko.. 1st eb ko na may saysay.. yung past 2 kasi e wala lang.. totally wala akong sinabi.. ngiti lang.. sa LPMB yun.. ok pix naten a.. di ko aalisin sa fone ko yun.. sana lang mapa-activate na mms ko..

ngayon lang ako lumabas na itinaon ko pa para i-celebrate ang birthday ko, syempre si jaja din.. salamat talaga ke denise jaja jepoy jomark mayk..

.. jomark salamat din kamo sa ate kristine mo at ke patty sa pagtakas sayo.

isa talaga to sa pinaka masayang bday ko kasi di talaga ko nagse-celebrate.. ang saya talaga sa mga iba pang pexers na sa tingin ko e ka-close ko na.. gusto ko din kayo ma-meet.. nakakabwiset man madalas posts ko, ibang level na to ika nga sa ragnarok..

salamat sa lahat... sorry sa lahat...



jomark, arnold, jaja, mayk, jep and denise at Fazoli's, Eastwood City (10.09.04, Sat)


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 7:20 AM |