Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Sunday, September 05, 2004

on friendships...

wala lang. kasi naman ito talaga yung inaasam ko sa buong buhay ko, ang magkaroon ng tunay at pangmatagalang. pagod at sawa na rin ako sa mga datihan na. bakit? dahil nagbago na halos lahat. kahit kababata ko pa sila, e iba na ang buhay namin lahat. epekto na rin siguro to ng bagong lipunan ( ano naman kaya to?) , panahon, pamumuhay, teknolohiya at paniniwala/prinsipyo. o, kelangan pa bang isa-isahin para mapaliwanag na mabuti at ma-justify ko naman yung mga rason ko? o, de sige...epekto ng bagong lipunan :isama na natin ang pulitika, basketball, paaralan at tahanan, ito ay ang mga bagay na marahil ay ng panahon :nag-iiba ang lahat. lahat- lahat nagbabago; umuusad, pasulong man o paurong; may natatangay, may nakakakapit; may nayayanig,may kampante lang; may nagdudusa,may gumiginhawa.ng pamumuhay :walang may kasalanan kung ang isa ay mas kayang bumili ng mas mamahaling damit kesa sa isa, mas gimikero, mas maunlad, mas miserable, mas mahirapng teknolohiya :pati ba naman celfone, issue pa? anak ng...ng paniniwala/prinsipyo :patay na pagdating dito. talagang talu-talo na lalo na pag lasing. hik. walang mas tama o mas magaling. hindi ako ang mas marunong o mas may eksperiyensya. hindi ikaw ang mababaw o malalim. respeto, dude. magkakaiba tayo lahat. hindi porket ok sakin e ok na rin sayo. sana lang yung mga bagong nakilala sa friendster e hindi datnan ng ganito...ang sakit.ang hirap.lalo na't pakikisama lang ang hanap...


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 2:24 PM |