Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Wednesday, May 10, 2006

Poetry Sampler# 5

NQ 5223
(05.10.06 Wed, 11:09am)

Scoop: Matapos kong bigyan ng dirty
finger ang isang bugaw na
humawak sa balikat ko,
nabaling naman ako sa isang
taong may malaking tiyan, may
sasakyan, naka-uniporme at
kilala ng lahat - ngunit hindi
iyan si Santa Klaws. Malayo pa
ang Pasko pero marami-rami na
ang humihingi ng aguinaldo.
Showbis ang Cubao.

Isang pinakatiklop na papel na ipinasa
Sabay ng pagkamay sa mamang may
May suot pa namang plaka ng kanyang
Ngalan sa unipormeng asul
Ay marahil taas noong sinasaluduhan
Ang kanyang panginoon subalit
Sa kanyang pagtalikod ay simbilis pa
Ng kanyang tapak sa silinyador
Ang pagmando ng sariling batas sa mausok
At mapulitikang bahagi ng siyudad - Cubao.

Ngiting makahulugan ang napansing isinukli ng bawat
Isa na kapwa may hawak na tiket sa kamay,
Kapwa naghahanapbuhay, kapwa din nagpapasasa
Sa kung anong lusot ang magawa
Mapadali lamang ang mga bagay na sana'y
Saklaw pa tungkulin na dapat gawin,
Na dapat ipatupad.

Papel na katumbas ay pasahe, papel na kita
Sa negosyo, papel na bagansya sa may sala,
Papel na pamasak sa bibig ng isang pamilyang uuwian
Mo.

Hindi ka na natuto. Nagpauto ka sa taong alam mong
Pasweldo mo ngunit ang gawa'y di
Parehas sa nakararami.

Kalat ang lahat at di pansin lalo na't
Ang araw ay kumabilang dako na
Ng mundo ngunit ang poste na bayad mo,
Ang mga ilaw ng sasakyang mula sa opisyal ng
Bayan mo, ang kinang ng mga ngipin
Ng alagad mong sabik sa isang papel na pinaghirapan
Mo ay nariya't
Aalalay sa mga mata mo
Upang mas maging listo.

Di ko man pansin ang alikabok sa ganitong oras,
Langhap ko pa din ito sa bilis
Ng harurot ng iyong motorsiklo
Tangay ang samu't saring klase ng papel.


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 11:31 AM