Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Sunday, February 26, 2006

Poetry Sampler #3
02.26.06 Sun
Bago tumpak ang ika-11 ng umaga



Hapis

Tampok ng tula ang isang hiwaga na
Kapag daka'y unti-unting lilinawin
Ang lahat ng mga bagay na may ibig
Iparating Na punto sa bawat salitang
Naglalaman ng nais ipabatid sa iyo.
Naturingan lang na nais kang kausapin at
Ipaalam ang hatid ng malumanay kong boses
Na may kasamang hangin mula sa nagmumura
Kong sikmura.
Subalit ang iyong karamutan ang nangibabaw
Habang ako ay pasimpleng umusad palapit.
Kasabay ng pagrolyo ng iyong mga mata ang Pagsimangot at panunulis ng iyong
Nguso na iyo nang naging
Sandata laban sa aking malambing na
Pagbati sa iyo.
Mariin ang apak ko sa kalsada kunsakali
Mang ihitin ka ng tawa at tangayin ako
Palayo ng matunog mong halakhak.
Nakatayo ma'y waring nakalugmok na din
Sa iyong harapan sa pagsubok na ika'y
Madinig man lang na sambitin ang kapirasong
Pagkilala sa kabila ng naising iharap
Sa iyo ang mga sana at kung anuman sa mga
Nagdaan nating usapan.
Ni hindi ka kumibo man lamang nang
Ako'y tinawag ka at nagbakasakaling
Makilala pa laban sa hampas ng hangin
Sa iyong kamiseta.
Pag-urong man ang huli mong
Sagot sa mga bulong ko noong mga nagdaang
Magagandang umaga, sa iyo
Pa rin hihintayin ang pagbalik ng
Sayang higit na hinangad noong makalawa.
Baguhin ang isipa't ako'y titindig
Ng matuwid sakali mang tamaan ako
Sa pagtutol na ginawa ng walang alinlangan.
Minsan
Hindi mo ninais ang isang ako.


::: Wala. Bored eh. Walang magawa. Kung curious ka kung sino yan, wala ka na dun kasi kathang-isip lang yan. Hindi tunay napangyayari. Gusto ko lang maging cheesy.(Sus.)


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 11:19 AM