02.23.06 Thur
1:25pm
Music : Boston - Augustana
I wonder what goes in the minds of office employees after work while walking home : from the moment they fix their things and step out of the building. Not that it has something to do with me, of course.
I am just curious because I see some people who really look exhausted and bored. Could they be thinking of sales and quota and deadlines and next agenda and schedules?
I admire people who are in business attire. Because I, myself, am not comfortable wearing one. I just delight myself on how people combine their clothing pieces for work.
Well, mine does not require me to be as smart and clean looking as them. I work in my most casual and comfortable clothes which is an advantage since my wardrobe for formal occasions is minimal. But I am starting to check stores where I could get formal to semi-formal stuff. I also imagine myself walking along Ayala Ave in these fancy clothes just like a newly graduate eyeing for a job.
I forgot. I also need a pair of sleek, black leather shoes to match.
******************
The mother and daughter foreigners looked nice selecting leather sandals yesterday afternoon in one of the malls here. And they were browsing through our local brands.
******************
Only after standing up from the table inside the canteen where I regularly take my lunch was I able to notice an office guy crying beside an office girl.
That scene looked like that of the movies. And the guy was really red-faced wiping his eyes while the girl was rubbing his arm.
Aaaww...
02.24.06 Fri
9:14am
Music: Someday - Barbie Almalbis
Hindi ko alam kung may "power" pa nga ba ang People Power sa panahon ngayon.
Nung Miyerkules ay nakita ko yung mga raliyista na nakapalibot sa may People Power monument. Lulan ako ng MRT nun pero basa ko pa din yung ilang mga streamers at banners na dala nila. Aaminin ko na medyo napakunot ang noo ko nun kasi ang daming stranded sa kalye. Naiba na ang ruta ng mga bus na karaniwang laman ng EDSA. Nadamay na pati na ang mga nananahimik na manggagawa na pinipilit paunladin ang sarili at bayan.
Hindi ako kontra sa mga rally. Baka nga kung naiba ang eskwelahan na napsukan ko ay naging aktibista din ako minsan sa buhay ko. Nakasama na din naman ako sa mga rally. Yun nga lang, prayer rally at campaign against drugs yun. Hindi pa ako pisikal na tumayo at nakinig sa mga nagpapapoging nasa entablado.
Oo. Hindi ako sumama sa EDSA 2. Yung People Power na nagluklok sa kasalukuyang pangulo, na sa bawat galaw ng kamay ng orasan ay nanganganib maalis sa pwesto dahil sa bunsod ng mga protesta.
Sa pagkakaalam ko, nakansela ang klase namin nun. Namalagi na lamang ako sa bahay na nagre-review para sa prelims kasabay ng panonood ng tv. Inisip ko din na makakatulong para sa akin at sa bayan kung pumunta ko doon. Pero nanatili na lamang ako sa bahay. Mas ligtas. Makakapag-aral pa ako. Mas alam ko ang takbo ng mga balita dahil sa iba't-ibang report na ipinapasok ng mga reporters na nakakalat sa lahat ng maiinit na lugar.
Naisip ko din sa sarili ko kung kabawasan ba ang di ko "pakikipabaka." May kani-kanya tayong dahilan. Hindi dahil madaldal at mabulaklak ang sinasasabi ng isang tao ay alam na niya ang kanyang ipinaglalaban. Hindi ibig sabihin nun ay mayroon na siyang paninindigan. Mas higit ang gawa kesa salita. Maraming dumalo sa EDSa dos. Sige, gawa iyon. May pinanindigan hindi lamang sa bayan kundi sa kani-kanilang mga sarili. Hanggang ngayon ba ay dala pa din ng lahat ang paninindigang iyon?
May kabarkada akong sumama ng 2 araw dyan sa EDSA 2. Ano na? Wala. Parang isang selebrayon o okasyon lang ang lumipas. Masabi lang na andun siya. Maaaring may naidulot ang pagpunta nya dun para sa kanyang sarili. Pero hindi na-sustain. Walang silbi ang ganyang makasaysayang pagtitipon at pagpapatunay kung anuman ang iyong pinaglalaban at pinanghahawakan kung sa sarili mo ay di mo kayang ibigay ang dapat. Hindi sa isang sigaw at kantiyaw natatapos ang lahat. Ang buhay ay di tumitigil sa ganyan. Pwedeng makailang ulit mangyari ang EDSA People Power pero ang higit na mamayani sana sating lahat ay ang mabuti at makabuluhang pagbabago na dulot nito sa ating mga sarili para sa ating mga mahal sa buhay at sa bayan.
Yung rally nung Miyerkules ay inabangan ko sa tv pag-uwi ko ng bahay. Malinaw na sinabi ng mga tao dun na paggunita lang sa EDSA 1 yun at wala nang iba pa. Eh, bakit iba ang sinasabi ng naglalakihang banners ng mga tao dito. May mga resign at puro pambatikos sa mga pulitiko. Ito ba ay kasama sa paggunita. Sinasabi ko na nga ba't pang-front lang yun pero ang talagang layon ng mga ito ay mag-rally. Oo. Perwisyo kayo sa mga nagsisikap magtrabaho araw-araw. May punto kayo pero may punto din ang mga kalaban nyo. Ba't kaya hindi kayo mag-meet halfway? Porke ba lumakas ang freedom of the press and freedom of speech nung mangyari ang EDSA 1 ay aabusuhin na natin ito? Ang daming matatapang pero di alam ang dahilan kung bakit sila andun. Kundi usi, eh sabit lang yung iba. O, wag na kayong tumanggi. Tama ba naman na magsama ng bata sa mga rally? Sa gitna ng init? Sa maaaring kaguluhan ang kahantungan?
O, siya. Yung rally kahapon. Di ko alam kung anti-GMA ba ito o EDSA 1 commemoration. May mga naka-yellow shirts, may dala ng yellow flags dito sa Ayala. Ok, sige. May karapatan kayo. Freedom of expression, ika nga. Pero di pa ko nakakalayo ng opisina ko, nakakakita na naman ako ng mga batang nasa 7-10 taong gulang siguro. Andun at naglalaro ng mga isinabog na confetti. Isinisilid sa plastic bag. Yung iba namang mga binatilyo, tropa-tropa, tumpok-tumpok. Yung tila ba nakatambay lang sa kalye sa baranggay nila. Tas andun lang sila't nagkakatuwaan. Parang isang gimik sa gitna ng kalye. Siyempre, hindi ko din alam ang dahilan ng pagpunta nila dun. Tanggapin na natin. May taong nandun lang para makiusyoso. O para mapanood ang sarili sa tv. Ang pinakamasama, negosyuhin. Hmm, meron kayang bayaran na nangyari para lang dumami ang tao sa rally?
Hindi lang pulitiko ang magsasalba sa ekonomiya. Oo, meron corrupt. Oo, may pulitika sa pulitika. Oo, merong mga nananalo dahil sa pandaraya. Nasa sa atin pa din kung pano natin iraraos ang bawat araw.
Nirerespeto ko din ang mga ipinaglalaban ng mga organisyon na nabuo dahil mismo sa buklod na adhikain nila. Ang mga organisasyon din na ito ay mga kani-kanyang polisiya, argumento, pangangailangan at paninindigan na malamang na hindi tugma sa nakarami ang ilan. Organisasyon sila kaya di ko maiaalis sa isip ko na ang ibang ipinaglalaban nila ay isa sa mga hinaing o gustong mangyari ng kanilang grupo. Hindi pa ata ako nakakita o nakabalita ng isang mataas na posisyon ang yumuko para sa isang organisasyon. Hmm, baka yung sa EDSA 1 ng napaalis si Marcos sa pwesto. Pero hindi lang isang grupo ito kung halos lahat na ng Pilipino ang umaksyon. sana huwag nating lahatin. Huwag tayong sumakay sa agos kung hindi natin alam kung saan tayo patungo at dadalin nito. Sana magkaroon tayo ng mas malinaw na pag-unawa at nang di tayo magamit.
Para sakin, di na kailangang ulit-ulitin pa ang pangyayari sa EDSA. Noong 1986 pa yun. Ang diwa dapat nito ang ating isabuhay. Lalo lang nagiging telenobela ang buhay ng Pilipino sa mga dramang ganito.
******************
Sa kasagsagan ng rally sa Ayala, nakuha ko pang ipamili ng gamit ang sarili ko. At isa iyon sa pamimili ko na di ko pinagsisihan ang binili ko. Meron lang isa na alangan akong isuot kasi natatawa ako sa sarili ko.
Meron akong 2 polo shirt. Sinisimulan ko na kasing magkaroon ng mga may collar. At tsaka bumili ng mga polo para pang semi-formal.
Meron akong 3 undershirt na iba't-ibang kulay : puti, itim at grey. Mabubutas na kasi yung ginagamit kong pansuson o pang-layer ba puti kong t-shirt.
At isang pantalon na maong na kulay itim. Dito ko naaalangan kasi medyo flaired/flared (?... ano ba tawag dun sa parang naka-fly away?). Pero ayos naman daw sabi ng kapatid ko, eh. Hindi ko na naman mabalik kasi exchange lang pwede sa mall ata. Naiisip ko tuloy na ipalit na lang ng ibang jeans. Hmm, bukas dapat makapataw ko na ang desisyon.
* Nagsisisi kasi ko dun sa pina-repair ko. Wala na talagang pag-asa. Hindi pa rin ayos ang fit maski na pinaputulan at pinasikipan ko. Haay, sayang ang P400.
posted by Arn at 11:44 AM
|
<< Home