Iiyak na ba ako?
Yan ang madalas kong biro sa mga barkada ko nung college pag pauwi na kami matapos naming magkita-kita sa isang okasyon o selebrasyon.
Mag-aapat na taon na din kaming naka-graduate. Bihira na talaga ang mga pagkakataon na gumimik, mag-dinner o kaya tumambay man lamang sa bahay ng isa.
Ang huli na yatang dinner na nakasama ko sila ay nung Oct ' 04 pa. Nagkikita-kita yung iba minsan para sa dinner o tulungan ng project pero di ako nakakasama kasi may pasok ako. Pero makalipas ang higit isang taon, nakapag-dinner ulit ako kasama sila.
At kagabi yun sa mag Gateway. First time ko din nakapasok at nakalibot sa mall na ito. Na maski na halos araw-araw ko 'tong nadadaanan ay di sumagi sa isip kong pumasok dito. Alas 7 ang usapan. Kaya tinawagan ko ang nagplano ng lahat na si Kookai. Nagulat pa siya nung tumawag ako. Tinanong ko siya kung paalis na siya. Di pala nya alam na tuloy ang dinner ng araw na yun. Wala daw nagsabi sa kanya. Sinabi kong nag-text ako pero wala daw siya natanggap. Sinabi ko din na siya ang nagsabing iurong ng Sabado imbes na Lunes yun. Birthday din kasi ng tatay nya kahapon kaya nag-aasikaso din siya ng mga bisista. Titignan daw nya kung makakahabol siya at mag magda-drive para sa kanya ngunit sa kasamaang palad ay di na kami nakarinig pa ng anuman sa kanya kung susunod siya ng gabing iyon.
Sa Red Crab ang orihinal na plano. Dapat sana'y libre din ito ni Kookai kasi kaka-birthday lang daw nya at babalik na ulit siya ng Tate.
Lakad-lakad muna kami sa mall upang humanap ng kakainan. Di na din namin naisip na sa Red Crab na kumain. Dun na kami nagpa-reserve sa Teriyaki Boy. Pumayag din akong kumain dito kasi di ko pa nasubukan yun pagkain dito. In short, first time ulit. Medyo matagal kaming naghintay.
Nalimutan kong sabihin kung sino ang mga dumating. Syempre, andun sina John, Joms, Margaux, AC, Chiela, Ronald at Regan. Wala lang kami kasi may mga di din nakapunta. DUmating si JC nung tapos na kaming kumain.
Ang in-order ko dito sa yung seafood teppanyaki, bottomless sprite at gohan. Kala ko kung anong special meron yung gohan, eh plain rice/steamed rice lang pala. Medyo mahal para sa one cup kasi P23 'to.
Yun, share-share kami kung may gustong tumikim nung in-order nung isa. Ay, oo nga pala. First time ko din gumamit ng chopsticks. Pero sandali lang kasi ang hirap ipitin ng hipon at pusit, eh.
Tas mawawala ba ang picture taking? (Uhm, Goldi, may papa-send ako, please :) Konti lang naman, eh. Mga 17 lang na kuha.. hehe.. Salamat.)
Nakauwi na ko ng bahay bandang 11pm na, eh. May pasok din kasi yung ibang nasa med school kinabukasan. Yung isa pa pala naming kasama, eh dito lang sa tapat ng bldg namin ang company. Di lang kami nagkikita kasi panggabi siya.
Medyo elated pa din ako, eh. Ang bilis kasi tsaka sobrang katuwaan talaga. Halos ala-una na ko ng umaga nakatulog kasi nga gising na gising pa ko't natutuwa sa dinner namin.
Yung picture, siguro next week. Makikisuyo pa ko sa teammate ko na pa-send sa email, eh. Pakiabangan na lang.
Syempre ulit. Di ko tinigilan ang pangungulit sa kanila hanggang makauwi. Patuloy ko silang sinasabihan na huwag iiyak dahil baka matagalan na naman ang pagkikita namin gawa ng kanya-kanya naming mga gawain.
Say My Name
Eto ay isang kaganapan nung nakalipas na gabi sa loob ng fx habang hinihintay na mapuno ito ng pasahero.
Katahimikan. Antok ang lahat.
Ang radyo ay nakabukas sa himpilang yes fm.
Isang promo sa radyo ang nadinig...
DJ ng istasyon : (sa tinig na animo'y nanghihipnotismo) Sabay-sabay po nating ulitin ang mga katagang... yes fm... yes fm.. yes fm...
Katabi kong babae sa kanan : yes fm... yes fm..
Ako : Huh?!
Matapos pumikit na lamang ako kesa tumawa at nagkunwaring walang nadinig.
I like new things
After months of thinking, I finally settled with a new stand fan. I asked my sister to buy one for their room since the one that they have is already busted. I gave her some cash and bought it along with my nephew.
She came home with a nice, white stand fan, which I hope would bring us no trouble and a chopping board. Chopping board? Yep. My mom has been requesting me to get a new one, too.
Hmm, I wonder what's next. Hmm...
Mushy
I almost forgot to ask my friends to sign my little poetry book turned into a message book during our dinner.
That book I got for my birthday lst 2001. I thought it would be an interesting read but it was otherwise. Instead of pissing myself for a wrong purchase, I made it into a message book. It looks like a compiled greeting card thoughts. The poetry and background design of some poetry has that Hallmark card feel. So, why not turn it into a real greeting card?
Some of my friends already signed and messaged me there. Why do I do this? Just refer to this post. (re: ...I was also planning to bring my small poem book which I turned to a message book. The poems in this collection sound like those of a greeting card hellos. To give it a purpose, I advise my close friend to pick a page from that book and
I want to flood that book with tons of good memories. Yet I was the one who always bugs them that they're missing half of their life by not joining each and every trip/gathering that we have. Plus the joke about crying themselves to sleep whenever they miss the company and college life.
And whenever we had great angles, I asked them for pictures.
Writings and pictures, I could never resist.
Ulat
News has it that Pacman already won over El Terible. Can't wait to watch the fight when I get home.
Uhm, shall I buy his music record now? *singing* para sa'yo ang laban na 'to...
posted by Arn at 9:31 AM
|
<< Home