Anong Meron Ang Taong Happy?
Siguro napanood nyo na ang commercial nito sa tv,noh? Yung tungkol sa vitamins na sina Michael V, cesar Montano, Winnie Cordero at Pia Guanio ang endorsers.
Yung simula ng commercial ay magte-text ka kung ano sa 2 choices ang meron sa taong happy. Nalimutan ko ang isa sa mga choices pero ang tamang sagot nga doon ay yung "energy."
Akala ko noon ay happy meal commercial ito hanggang napanood ko nga ang full length ad nito sa tv.
Teka. Ano nga ba meron ang taong happy? (Pag binigkas mo yung tanong, masaya ang dating nya pero mapapag-isip ka pa din.)
Sa tono ba ng pananalita (pagsusulat) ko eh mukha akong masaya? Siguro. Kasi baka mamaya nagsasaya-sayahan lang o pinipilit maging masaya o kung anuman. Pero sa tingin ko sa sarili ko masaya naman ako. Happy, ika nga.
Isang araw, isang pasada lang. Minsan nagpaplano pero mas mainam at mas ganado ako sa isa-isang araw lang ang dating. Yung tipong kung ano ang dumating o mangyari ay dun sa pagkakataon mo na lang na yon haharapin. Masyadong nakakatanda ata ang isip ng isip sa hinaharap. Di ko pinagarap ang maging psychic. Pero iba na rin naman ang may pinaplano para mapaghandaan ang panahon na hindi na tayo kasimbata ng kahapon.
Hmm, kasimbata. Malaking balakid pa ba ang edad sa iba (o lahat) ng bagay? Maaari. Maraming katangian sa bata ang wala sa medyo di na kabataan. Gayun din naman ang nasa may edad na sa mga bata pa lamang. Sino ba naman ang ayaw na manatiling bata, malakas, masigla, atbp? Lahat naman siguro ay gustong manatili sa estadong nasa rurok ng kanyang pangarap at tagumpay.
Lumiliko na ata ang sinasabi ko, a. *kamot ulo sabay ngiti* sakit kasi ng braso ko. Nawawala konsentrasyon ko. Okay *aura power*
Taong happy - Siguro taong masaya sa ginagawa nya sa buhay nya. Hindi partikular na pinagkakakitaan nya ng malaki, pinaglilibangan nya o pinaggugugulan nya ng panahon at pagmamahal nya kundi ginagawa nya ang bagay na alam nya, eh hindi lamang siya ang makakasubi ng magandang resulta kundi pati na rin ang ibang taong nasa paligid nya.
Ngunit pa'no nga ba maging masaya sa kabila ng lahat ng mga bagay na hindi mo man gustong pagdaanan, danasin at paboran ay kailangan dala ng pagkakataon at kung minsa'y awa di lamang sa iyong sarili kundi pati na rin sa mga taong gusto mong ilayo sa anumang maaaring makasakit sa kanila? Saan nga bang lugar sa Pinas nakadarama ng ibayong kasiyahan/kaligayahan (wholesome, a)? Kung dama man ito ngayon ay sa anong paraan mo ito mapapanatili?
Maaring bagay, pangyayari sa buhay o isang tao ang nagbubunga satin ng ganitong pakiramdam. Ang pakiramdam na ito siguro ang pinakamaganda, pinakamahirap at pinakalibreng damdamin sa lahat. Bakit kanyo?
Eh, di ba pag masaya ang isang tao, maganda at maaliwalas ang mukha nya. Hindi lang sa labi siya merong mga ngiti kundi pati na sa kanyang puso. Kumbaga naipapasa nya ang ganitong pakiramdam sa mga nakapaligid sa kanya.
Pinakamahirap din namang makamit ang personal na kaligayahan at ang pagiging masaya sa katayuan ng iba. May halong pride o inggit na malamang itong kasama. Mahirap maging masaya at tanggapin kung anuman ang katayuang mo ngayon na hindi mo trip o gusto. Mahirap din na lunukin ang kasiyahang inaasahan mo ay para sa iyo ngunit napunta sa iba dahil sa kung kaninong gawa. Mahirap maging masaya para sa sarili at sa kapwa kung di pa kuntento sa meron ka.
Libre ang maging masaya. May pumigil man sa isang tao sa kaligayahan nito, tiyak na may paraang mahahanap para lamang pagaangin ang sarili, itaas ang sarili. Kung anuman ang sisira sa araw natin, may isang punto pa din sa dalawampu't apat na oras nito ang magsisilbing pampangiti satin. Libre ang maging masaya gaya ng pangangarap. Di ba't isa ang pangangarap natin ang nagbibigay satin ng kahit na sandaling kasiyahan?
Mabalik tayo sa una kong mga tanong [re: Ngunit pa'no nga ba maging masaya sa kabila ng lahat ng mga bagay na hindi mo man gustong pagdaanan, danasin at paboran ay kailangan dala ng pagkakataon at kung minsa'y awa di lamang sa iyong sarili kundi pati na rin sa mga taong gusto mong ilayo sa anumang maaaring makasakit sa kanila? Saan nga bang lugar sa Pinas nakadarama ng ibayong kasiyahan/kaligayahan (wholesome, a)? Kung dama man ito ngayon ay sa ano at paanong paraan mo ito mapapanatili?]. Ayan. Kahit na magsabi ako dito ng anumang mga detalye ay malamang na nadinig o nabasa nyo na ito kung saan. Kaya ang ilalagay ko na lamang dito ay kung paano ko pinapaligaya (uulitin ko, wholesome!!!) ang aking sarili. Maaaring di ito aangkop sa inyong panlasa o pagtingin sa sarili nyong buhay ngunit sabi na nila, kanya-kanya lang yan at desisyon ng isang tao kung ilulugmok nya ang kanyang sarili sa kalungkutan o sisikapin nyang harapin ng may ngiti ang bawat araw ng buhay. Hindi na ko magbibilang. Basahin na lamang at baka mapagtanto na pareho din pala tayo ng istilo.
Sinisimulan ko ang araw ng may ngiti agad. Literal na ngiti. Dahil binabati ko ang sarili ko sa harap ng salamin o sa harap ng pinto ng cabinet na kita ang repleksyon ng aking mukha. Kinukundisyon ko na ang aking sarili sa ganitong paraan na gawing madali ang buong araw.
Kung minsan nama'y kahit anong paglilibang ang gawin ko'y inis pa din ang mas nangingibabaw. Kapag hindi ko nagawa ang lahat ng gusto kong gawin, pag hindi ang pinakamalupit o pinakamaganda ang nakuha ko, pag di natuloy ang balak ko at iba pang pwedeng maging sanhi ng dismaya. Pero kung iisipin ko din naman, na kahit di pinakamaganda ang nakuha ko, malamang na maganda pa din ang napasaakin. Yun nga lang, hindi ang pinaka. Ngunit maganda pa rin. Yun bang sapat lang talaga sa dapat.
Dun naman sa mga nakaka-bad trip o nakakapag pagting ng tenga na mga tsismis, pamimintang, duda, pangungutya, pintas at panunukso. Pasok sa isang tenga at labas dapat sa kabila. Ang mga taong walang malamang gawin kundi ang tignan at panoorin ang nasa paligid nila ay di binibigyan ng panahon. Hahaba na ang pasensya mo, mapapagod pa sila kakainsulto sa'yo.
Minsan din isang kanta, isang sandali ng pagpapakabusog o food trip o kaya'y isang tawag o text lang sa kaibigan ay iba na ang dating. O di kaya'y ang paggawa ng bagay na di mo kadalasan ginagawa o hindi mo madalas gawin. Gaya ng pagtulong sa pagbuhat ng gamit ng isang pasahero ng bus o pag-alalay sa bata o matandang tumatawid sa kalye. Mga simpleng bagay na hindi ganun kasimple ang balik sa'yo.
Kung saang lugar nandun ang kasiyahan? Hmm, maski kasi minsan sa sarili nating tahanan o sa pinakapribadong parte man nito na ang ating mga kwarto ay hindi natin mahahanap ito. May mga pagkakataon ng di pagkakasunduan, pagtatalo, pagpapaalaala sa isang tao ng mga bagay na nasa loob ng lugar mo. Ang kaligayahan ay nasa puso mo (Naks! Cheezy with the letter z as in zed.). Pero tunay naman, di ba? Kung bukas ang puso ng tao para tanggapin ang mga bagay na maaaring humamon sa tibay nya, eh hindi ang pagsuko at kabiguan ang maiisip niya. Bagkus isang solusyon o mabilis na aksyon para remedyuhan, pigilan, ayusin ang kung anuman. Sanhi din naman ng pagkakasakit sa puso ang masyadong maraming pag-iimbot at karamutan na magpasaya ng sarili at kapwa. Dapat cool lang, di ba?
Siguro ang pinakamahirap sa lahat ang mapanatili ang pagiging masaya. Kahit anong bagay naman yata mahirap panatilihin sa parehong kalagayan. Darating at darating din talaga ang araw na sobrang lungkot, sobrang saya o katamtaman lamang yan. Siguro isipin na lamang na parte talaga ng buhay ang taas-babang ikot nito (Pasensya. Di ito ang soap operang "Gulong ng Palad".). Nakakahilo, nakakaduling, nakakasuka. Parte ng sistema. Sistema na may kasama ding pagsasaya, katuwaan, atbp. Sino ba naman ang gustong mamuhay ng pulos lungkot, di ba? Kung puro saya malamang sa panaginip o istorya sa pelikula yan.
Parang nung nasulat ko 'to imbes na maging happy ako, eh napakunot ang noo ko sa pag-iisip. wala na. Madudulain ang batang ire.
Pambasag lamang sa pagiging seryoso. Eto ang isa sa mga bagay na meron sa isang taong happy na gaya ko...
Ang post-Christmas gift ko sa sarili ko ;P Sa ilang minutong pagkukuli, napagdesisyunan ko nang ito kaysa sa high cut ang bilin ko. Maayos naman siya. Medyo malaki lang sa paa ko kasi ang sikip nung size na sakto lang sakin. At tila napagod ko din yung salesman at saleslady sa pagpili ko dahil 3 beses ata sila nagpari't parito kakatingin ng size at style. Tip nila sakin na ang gamitin ko daw panlinis ay toothpaste na white at toothbrush. Wag ko din daw ibibilad sa araw para wag manilaw. Hmm, tip na din yan sa inyong may sapatos na puti na yari sa tela/canvas. At may kaparehas yang sapatos, a. May kanan yan ^_^
** Nga pala, kundi nyo pa napanood yung commercial, abang-abangan nyo na lang kasi nakaka-engganyong panoodin.
** Tsk. May isa pa kong gustong low cut na sapatos kaso ang presyo pam-basketball na sapatos na. Tsk.
** May salu-salo kami mamayang mga barkada ko nung college :D :) :')
posted by Arn at 11:25 AM
|
<< Home