Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Thursday, January 19, 2006

Pasobra

::: Tumugtog nga pala ang Kamikaze dun sa battle of the bands nung Linggo. Nadinig ko na din naman ang musika nila at nakita ang ilang video. Sila pala ang bandang nakakuha ng best live act award ng NU.

::: Di ko matiis ang bagoong balayan. Pinalampas ko ang tindero ng chicharon sa bus kasi nililimitahan ko talagang kumain ng pagkaing matataba. Kaso pagbaba ko dito at pagpasok sa daraanan ko, bumalik pa ko sa tindahan para lamang bumili ng chicharon.
Ayun, kadarating ko lang ng bahay ng biglang nag-brownout. Yung mismong oras na kakahingi ko pa lang ng susi ng kwarto sa mang kuya ko biglang sinukluban na ng kadiliman ang buong paligid.

Kinain ko tuloy ang chicharon habang isinasawsaw ito sa bagoong balayan at suka sa ilaw ng isang kandila. Romantiko. Bagoong, suka, chicharon, kandila na nakapatong sa improvised kong placemat na dyaryo para di pumatak sa semento. Dinig na dinig mo tuloy ang lagutok ng chicharon sa bawat kagat. Romantiko. Habang ako'y nakasalampak at nanginginain, sinabihan naman ako na may spaghetti-ng dala ang aking apo.

Opo. Ako'y bata pa ngunit meron na akong apo... sa pamangkin nga lang. Bale yung anak ng pinsan ko, ang aking pamangkin, ay may anak na, at iyon ang aking apong si Nino.

Pagkatapos lantakan ang matabang pagkain, baling naman ako sa istapegi. Hmm, sarap.

Mahigit isang oras din yatang walang ilaw samin. Pagkabukas ng ilaw ay nagtimpla ako ng green tea. O, baka nagtataka ka kung pano ko nakagawa ng sarili kong green tea. Meron nang pinulbos, ay panget pakinggan. Parang lasang alikabok. Meron nang powdered green tea ang Nestea. Kaya takbo na sa inyong pinakamalapit na pamilihan kung kayo'y nagsisikap makamit ang tinagurian nilang "healthy living."

Maya-maya pa'y ang nanay ko naman ang dumating. Lagi namang galing yun sa mang lola ko. Pero ngayon, mas madami siyang uwing pagkain. Anibersaryo sa kasal kasi ng isa sa mga tito ko.

Busog na din ako sa mga nakain ko. Pero kumain pa din ako. Yung hipon na pinirito ang kinain ko. Teka. Hinalabos ata ang tamang termino doon. Basta yun yung mamula-mulang hipon at walang sabaw. Eh, ano pa nga ba ang sawsawan ko kundi ang bagoong balayan. Nakakarindi nang paulit-ulit na basahin at tipahin pero yun talaga ang tawag sa kanya, eh. Gusto kong ispesipikado, eh.

Matagal mang matanggal sa kamay ang amoy ay balewala sa akin. Di naman ako bubusugin ng amoy. At nasa bahay namana ko.

Nakatulog ako ng busog. At awa naman ng Diyos ay di ako binangungot.

Nga pala, bagoong ang bansag sa pamilya namin. Basta pag nadinig samin yung apelido namin, bagoong agad ang unang pumapasok sa isip. Gaya lang din ng ibang pamilya na may kani-kanyang bansag.

::: May iba sana kong post karugtong nito. Kaso nabwiset ako ng kausap kong Asian (ayoko nang banggitin pa ang nasyunalidad at baka masabihan akong prejudice) sa telepono


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 1:59 PM