Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Friday, November 11, 2005

Rapsa

Pakbet na ako mismo ang nagluto at sinamahan ko pa ng meaty seasoning dahil gusto kong subukan ang produkto na iniindorso ng dati kong kasamahan sa trabaho. Bicol express na maanghang-anghang pa mula sa kantinang kinakainan ko sa tanghalian. Nilagang iba ang lasa ng sabaw. Di ako mahilig sa nilaga dahil matabang pero yung kinain ko kanina kakaiba. Parang may kung ano yung hinalo sa broth. Hmm. Tuwing darating naman ako sa bahay, agad ako ng kain ng kung anong trip ko. Balut na sinasabayan ko ng higop ng maanghang na suka. Wafer. Cracker nuts. Peewee. Pati nga yung marie biscuit na pam-baby pinagdiskitahan ko na rin. Kagabi naman may uwi ang nanay ko na snickers minis na may 3 varities. Tas ngayon kakakain ko lang din ng safari na chocolate. Kanina namang umaga, eh yung trolli's moras ang nakain ko. Gusto ko na ngang buksan yung binili kong canned corn kernels tas lalagyan ko ng gatas ebaporada kaso hinihintay ko pa mga kapatid ko na dumating para salu-salo kami. Kaso ulit sa Sabado pa lahat kami makukumpleto. Eh, ayokong mag-mais con hielo sa Sabado ng gabi baka kasi ma-lbm ako, eh may pasok pa naman ako ng Linggo. Kaya malamang sila na lang ang mapista dun. Binili ko nga pala yung corn kernels kasi may free siya na bottle opener. Galing, no? Di pa can opener ang isinama, eh nakalata yung mais, di naman bote. Haha. Ilang araw ko na nga palang inaantabayan yung pisbol ng kapitbahay namin kaso di ko maabutan na bukas pa tindahan nila paguwi ko. Ayun, maski yung monster cone sa mcdo, di ko pa natitikman. Haay, ang dami talagang masasarap na pagkain sa mundo. Kaya mga pagkain, bibilin ko't lalamunin kayo. Pero sana makisama naman kayo sa sistema ng katawan ko. Patabain nyo naman ako ng maski na 10 lbs lang. :D

At speaking of masarap, eto sapul sa pandinig.


whats-jammin


ULTRAELECTROMAGNETICJAM
Date : Tuesday -- November 29
Time : 7:00 PM
Venue : U.P. Theater
Performers : All Star Cast

Jam 88.3 together with Sony-BMG takes you on a nostalgic journey into the music of nineties pop-rock icon Eraserheads. Listen to some of today's hottest bands pay homage to the music of Ely, Raimund, Buddy, and Marcus. It's a musical casting coup -another pioneering project from your kind of mix Jam 88.3!

Yung album tribute, eh malamang na maglaman neto:
With A Smile - South Border
Ligaya - Kitchie Nadal
Overdrive - Barbie Almalbis
Huwag Mo Ng Itanong - MYMP
Magasin - Paolo Santos
Alcohol - Radio Active Sago Project
Torpedo - Isha
Spoliarium - Imago
Hard To Believe - Cueshe
Maling Akala - Brownman Revival
Superproxy - FrancisM
Alapaap - 6Cyclemind
Pare ko - Sponge Cola
Ang Huling El Bimbo - Rico J. Puno
Tikman Ang Langit - Sugarfree
Huwag Kang Matakot - Orange & Lemons
Para Sa Masa - All Star


bow.


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 12:14 PM