Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Sunday, October 30, 2005

Haay, Sunday

Yep. May pasok ako ngayon. Bale ang simula ng workweek sa office ay Linggo. New sked kaya eto. May pasok na ko ng Linggo hanggang sa susunod na change sked.

Di nga maayos yung pakiramdam ko bago maiba yung shift ko. Kahapon kasi sobrang malungkot ako na di ko mawari. Kumain ako ng squid balls na nabibili sa labas ng bldg namin. Di ko alam kung masyado lang bang natusta yung squid balls kaya di ko nagustuhan yung kinain ko. Tas parang may after taste na nandun pa sa lalamunan ko. Eh, ayoko namang bumili ng panulak kasi baka m-jingle ako habang nasa biyahe kaya isip ko na tiisin ko na lang. Pagsakay ko ng mrt, eh medyo masakit pa din ang ulo ko. Nakatapat kasi siguro ko dun sa aircon. Sa terminal naman ng bus, naisip ko na bumili na lang ng mocha freeze sa dunkin donuts para mawala yung after taste. Kaso wala na sila. Kaya bumalik na ko sa bus. Eh, di na ko mapalagay sa lasa, bumalik ako at bumili ng regular coke at one dozen na donut para maiuwi samin. May free na suction clock yung one dozen.

Medyo maaga akong natulog. Past 11pm. Oo, maaga na yun sakin. Normal kong tulog, eh mga lampas alas 12. Ngayon kailangan kong masanay na humimbing ng maaga. Dapat bago mag-11:30pm, eh tulog na ko. Naka-set na yung fone/alarm ko ng 3:31am. Nakakatawa no? May butal pang 1 minute. Advance kasi yung cel ko ng 9 minutes, eh. Kaya na-set ko na lang yung alarm ng 3:40am. Kaya 3:31am ang alarm.

Unang araw ko sa new sked. Kadalasan, eh ayokong mahuli at gusto ko na di nagmamadali. Kaya ang nangyayari sakin, eh mababaw ang tulog ko. Pagising-gising ako. Huli kong gising, eh tinignan ko ang oras. 2:19am pa lang. Isip ko na mga 1 oras pa. Eh, pag ganun, di na ko nakakatulog. Mas masakit sa ulo pag pipilitin ko pa. Kaya nakapikit lang ako pero gising ang isip ko. Lagi ako ganyan. Nagigising ako bago pa mang mag-alarm. Hindi na ko matutulog hangga't sa tumunog na yung alarm. At pagkapatay ko ng alarm, eh tsaka naman ako aantukin. Kaya sabi ko sa sarili ko na advance naman yung oras. Ayun, naidlip ako at nagising ako ng lampas alas 4 na. Nagkumamot na ko. Haay. Ayoko talaga ng nagmamadali sa umaga kasi di ko matantiya yung pag-jebs ko. Iyon ang pinakaimportanteng ritwal ko sa umaga. Naaalala ko pa yung napanood ko kagabing halloween episode ng mgb at imbestigador. Tinginingining. Goosebumps.

Lamps alas 5 naman ako nag-abang ng masasakyan sa highway. Buti na lang at may dumating na agad na bus. Mga 5:47am, eh nakasakay na ko sa mrt kaso ang tagal bago umalis nung tren. Nasa Ayala na ko ng lampas alas 6. Nagmadali din ako kasi ayoko ngang ma-late. Narating ko ang opisina ng may allowance na 20 minutes bago ko mag log-in ng alas 7.

Ngayon, iniisip ko kung saan ako kakain ng tanghalian. Ayoko ng fastfood pero no choice na din. Pero may baon akong naka-pouch na sardinas. Wala lang akong kanin. Hmm, bukas kaya ang jolly jeep sa baba? Hmm. Kakakain ko lang din ng 2 donut na uwi ko kagabi. Nagbaon ako. Mamasa-masa na nga lang kasi nilagay sa ref ng nanay ko.

Wala man lang ako nakasabay maglakad sa walkway kanina. Ganito siguro talaga pag Linggo. Naghihilik pa siguro ang nga tao.

Nga pala, alam nyo ba kung ano ang pagkakapareho ng The Speaks at ng Switchfoot? Yeah, boy. Think Pinoy.

Halos 2 linggo na ata ang nakalipas ngunit dismayado pa din ako sa buhok ko. Fly away. Matigas. Haay... may singaw pa ko sa dila. Ang hirap magsalita't kumain. Pero maski na mahapdi, nakakain pa din ako ng bagoong nung isang araw. Haha! Sarap, eh. Nag-iisip pa din ako kung bibili ako ng ONL cd mamaya. Aha. Isa sa best thing sa pagpasok tuwing Linggo o weekend (sat-sun), masusuot ko na ang mga t-shirt kong di kagandagahan. Yung medyo jologs kumbaga. Medyo lang naman. Hindi ko na kelangan na maging flashy in corpy Makati.

Pahabol pa - Happy, happy birthday to the ff: sir aguila - college prof (oct 29), Dwin - ps101 (oct 30), jinky - elementary classmate (oct 30), tommy - college friend (oct 30), joyce - pexer (oct 31), tina - ps101 ( nov 1), bernard - friend from bolt (nov 7), CJ - college friend (nov 8), candy - teammate (nov 10), paul - pexer (nov 10), kai - pexer (nov 11).

yun lang?
Happy Halloween

Ok. That's it, pansit. :D solb


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 8:30 AM