Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Friday, October 14, 2005

Two things that needed a space in my blog

Quote:"Mabuhay! Representing the democratic and freedom loving people of the pearl of the orient, I am Precious Lara Quigaman, from the beautiful country of THE PHILIPPINES"

The question:
Q: "What do you say to the people of the world who have typecasted Filipinos as nannies?"

The answer
A: "I take no offence on being typecasted as a nanny. But I do take offence that the educated people of the world have somehow denigrated the true sense and meaning of what a nanny is. Let me tell you what she is. She is someone who gives more than she takes. She is someone you trust to look after the very people most precious to you - your child, the elderly, yourself. She is the one who has made a living out of caring and loving other people. So to those who have typecasted us as nannies, thank you. It is a testament to the loving and caring culture of the Filipino people; And for that, I am forever proud and grateful of my roots and culture."




******************

Closing Cycles
Paolo Coelho

One always has to know when a stage comes to an end. If we insist on staying longer than the necessary time, we lose the happiness and the meaning of the other stages we have to go through.

Closing cycles, shutting doors, ending chapters whatever name we give it, what matters is to leave in the past the moments of life that have finished.

Did you lose your job? Has a loving relationship come to an end? Did you leave your parents' house? Gone to live abroad? Has a long-lasting friendship ended all of a sudden?

You can spend a long time wondering why this has happened. You can tell yourself you won't take another step until you find out why certain things that were so important and so solid in your life have turned into dust, just like that.

But such an attitude will be awfully stressing for everyone involved: your parents, your husband or wife, your friends, your children, your sister,everyone will be finishing chapters, turning over new leaves, getting on with life, and they will all feel bad seeing you at a standstill.

None of us can be in the present and the past at the same time, not even when we try to understand the things that happen to us. What has passed will not return: we cannot for ever be children, late adolescents, sons that feel guilt or rancor towards our parents, lovers who day and night relive an affair with someone who has gone away and has not the least intention of coming back.

Things pass, and the best we can do is to let them really go away. That is why it is so important(however painful it maybe!) to destroy souvenirs, move, give lots of things away to orphanages, sell or donate the books you have at home. Everything in this visible world is a manifestation of the invisible world, of what is going on in our hearts and getting rid of certain memories also means making some room for other memories to take their place.

Let things go. Release them. Detach yourself from them. Nobody plays this life with marked cards, so sometimes we win and sometimes we lose. Do not expect anything in return, do not expect your efforts to be appreciated, your genius to be discovered, your love to be understood. Stop turning on your emotional television to watch the same program over and over again, the one that shows how much you suffered from a certain loss: that is only poisoning you, nothing else.

Nothing is more dangerous than not accepting love relationships that are broken off, work that is promised but there is no starting date, decisions that are always put off waiting for the ideal moment. Before a new chapter is begun, the old one has to be finished: tell yourself that what has passed will never come back. Remember that there was a time when you could live without that thing or that person. Nothing is irreplaceable. A habit is not a need. This may sound so obvious, it may even be difficult, but it is very important.

Closing cycles. Not because of pride, incapacity or arrogance, but simply because that no longer fits your life. Shut the door, change the record, clean the house, shake off the dust. Stop being who you were, and change into who you are.

Stop being who you were, and change into who you are.

In the end, only three things matter, how much you loved, how gently you lived and how gracefully you let go of things not meant for you.



** Credits to Jaja for sending me these two.



******************

Solb.

Naglisawan ang mga tao kagabi dito sa kahabaan ng Ayala Avenue. Marahil kagabi nailabas ang sweldo. Masayang makakita ng taong masasaya. Kundi nakapila sa bangko/ATM machine ang mga tao kahapon, nag-aabang naman sila ng jeep o di kaya'y naglalakad sa gilid ng kalsada.

Iniba ko ang ruta ko kagabi. Kadalasan ay sa walkway ako dumadaan papasok at pauwi. Nasumpungan ko lamang habaan ang aking paglalakad. Biyernes naman at matao. Minsan gusto kong salubingin ang sanlaksang tao. Minsan naman ay hindi.

Nakakapagal ding magpanhik panaog sa underpass.

(Masid sa mga gusaling hinanap-hanap ko ring pagmasdan sa tuwing lalakad ako pauwi. Ilang buwan na din kasi kaming nakalipat ng opisina. Iba talaga ang kumbinasyon ng mga gusali, kalsada, sasakyan, manggagawa at gabi. )

Tinakam ako ng unang paninda ng nadaanan kong sidecar na may lulang squid balls at kikiam. Naisip ko na sa ibang pagkakataon na lamang ako bibili. Ngunit nung natapat ako sa malapit sa dati naming opisina, naalala ko na may istorya ang squid balls.

Alas diyes hanggang alas siyete ng gabi ang pasok ko noon. Inaamin ko, wala halos ginagawa sa ganoong mga oras noon. Kadalasang nakakalabas agad ako ng aming gusali pagkatapos ng alas siyete. Isang araw ay niyaya ako ni Aisah na kumain ng squid balls sa baba bago ako umuwi. Medyo labas sa ilong ang pagsangayon ko noon. Sumagot na ako ng oo dahil medyo nahiya akong tumnaggi.

Sabay kaming bumaba at lumabas ng opisina. Andun ang sidecar. Tig-apat kami ng squid balls na nakatusok sa stick at nasa lalagyang karton. Mainit-init at maanghang ang sawsawan. Naupo kami sa lugar na bawal upuan. Iyon ang kadalasang sinasabi ng mga guwardiya. Bawal maupo dun sa baba ng gusali. Pero di naman kami napagsabihan. Malamang di kami napansin ng mga ito.

Bahagyang di ako nakakapagsalita noon. Nahihiya din ako kay Aisah. Siya nga pala, isa siya sa mga dati kong kasamahan sa trabaho. Pero nakapagkwentuhan din naman kami maski na papaano. Pagkaubos ng aming kinakain ay parehas na naming nilisan ang lugar. Siya patungong bangko. Ako, patungong sakayan.

Pagdaan ko sa huling underpass ay di ko na natiis na bumili ng squid balls. Matagal-tagal na din siguro akong kumain noon. Lalo pa't andito ako sa financial district ng ating bansa. Makita lamang ang mga naka-uniporme na kumakain ng mais, mani , taho o kung anumang inilalako sa kalye dito ay nagdadagdag ng kung anuman sa pagiging tao ng isang... tao.

Napanood ko minsan sa isang documentary show na may mamamahayag na nangarap na makakain man lamang ng footlong/hotdog habang naglalakad sa big apple (New York City). Kung iisipin mo, sa isang lugar o siyudad na karamihan ay may katungkulan o mayaman po may pagka-extraordinaryo, meron pa ding tinitingan ang buhay na kasing simple lamang ng pg nguya ng hotdog habang naglalakad sa kalsada at ninanamnam ang bawat segundo mula pagbili hanggang itapon na ang pinagbalatan ng hotdog. At least, kahit sa oras na iyon ay masasabi nyang masaya siya sa ginawa niya at naligayahan siya ng tunay. Yung tipong parang ikaw ang estatwa ng oblation ng UP.

Marahil hindi lahat ng binanggit ni Pareng Paolo (Coehlo) at Bb. Lara (Quigaman) ay angkop sa atin. Marahil salungat tayo sa ibang ideya. Maaaring may iba tayong depensiyon o pakahulugan sa isang pangyayari sa ating buhay at sa paligid. Ngunit kung anupaman ang nasa loob natin ay isa lamang lahat ang ating naisin - ang gawin kung ang alam nating magpapasaya at magbibigay buhay sa ating...buhay.

Bago pa man din ako makatawid sa Makati Avenue ay naubos ko na ang kinkain ko. Siba ba? Malakas talaga kong kumain hindi lamang halata.

Madalas napapag-isip ako ng mga ganito. Hindi naman ako nagpapakalalim na tao. Hindi ko rin binuburo ang sarili ko sa kakaisip. Dahil kung gayon ay dapat mukha na akong matanda.

Pati ng sa paguwi ko kagabi. Pasakay pa lamang ako sa bus ay napansin ko nang nakasakay na doon ang bunsong kapatid ng barkada ko. Nakadungaw kasi siya sa bintana. Sa kanya na lang ako tumabi para makapagkwentuhan na din kami ng kaunti. Kasama pala niya yung mga kasamahan nya sa trabaho. Galing daw pito silang Paranaque. Akala ko'y nag-overtime sila. Pakyawan pala ang bayad sa kanila. Tomato sauce ang ginagawa nila. Sa aming maikling kwentuhan ay natanong pa niya kung nag-aral pa ako. (Sabi naman sa inyo na hindi ako nagmumukhang matanda sa minsang pag-iisip.) Hindi na rin ako lumipat ng upuan dahil halos puno na din ang bus.

Di talaga nawawala sa ganong edad ang kalokohan. Kundi ako nagkakamali ay nasa bandang disinuebe o beinte ang edad nilang lahat. Sa bawat hintuan kasi nung bus ay may sisigawan silang tao. Lalo pa't kung magsyota. Hihiyawan nila ng, "Naglolokohan lang kayo..." o "Lolokohin ka lang nyan." Naalala ko na ginagawa din namin dati yun kapag nag-ii-stroll kami gamit ang owner-type jeep ng barkada ko nung mga high school pa kami.

Masaya ako at di ko nakalakhan ang ganong pag-uugali. Kapag nakikita ko din kasi dati ang mga "kaibigan" ko ay nagagawa pa din nilang sigawan ang kahit na sino at magsasabi ng kung anu-ano.

Closing cycles. Mahirap magsara at may halong kahirapan ding simulan ang pagbubukas ng panibagong parte ng buhay mo... ng buhay ko. Parang sa squid ball. Maaaring mapaso ka sa unang kagat. Mamamanhid ang iyong dila. Ngunit ilang saglit lang ay kakagat kang muli. Para ding sa bus. Maaaring katulad isa satin ay katulad ng kakilala ko na magsisisigaw ng kung anu-ano sa isang taong walang kamalay-malay na nakatayo lamang sa daan. O di kaya'y tayo yung taong walang kamalay-malay na nakatayo sa kalye at biglang sinigawan ng tao mula sa bus. Maaari ding tayo ang kunduktor na sasaway sa pasahero niyang naninigaw ng tao sa kalye dahil sa tingin nya ay di iyon kagandahang asal at di na iyon basta katuwaan lamang. Lahat ng iyan depende kung ano ang tingin natin sa ating mga sarili.

May ngiti akong nakauwi kagabi. Di lamang dahil may sweldo na. Iyon ay dahil din sa aking konting pagbalik-tanaw sa ilang bagay na nakatulong sa pagbuo kung anong meron ako ngayon.

Salamat sa konting usap habang kasalo sa squid ball. Salamat din sa pagsakay ko ng maaga sa bus.

Ngayong araw naman, salamat sa twister fries at amoy twister fries ang hininga ko. Salamat din kay Kitchie Nadal at may Kitchie's #1 Combo sa Mcdo. Nagpa-upgrade ako ng ganun kaninang lunch ko at nakalagay na may free ringtone pag ganun. Kaso wala naman akong nakuha. Pero salamat pa din kay Kitchie at muli akong nakatikim ng twister fries at Coke float makalipas ang mahaba-habang panahon.


******************

Maligayang bati kina: Leah sa Oct 16; Vinz, Ryan at Ticx sa Oct 17; Tin sa Oct 18; Joanne at Ed sa Oct 20; Karen sa Oct 22; Snowy sa Oct 23; Leslie sa Oct 25; at kina Toti at Andrea sa Oct 26.


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 9:51 AM