Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Tuesday, October 04, 2005

04 Days to Go Before My Birthday

tick tock Nagising ako nung Linggo ng umaga sa pagtawag ng tita ko ng aking pangalan. Pasado alas 8 na nun.

Pagkagaling kasing magsimba, nagtitinda na yun ng ulam. Kinukuha nya yung mga paninda dun sa kapitbahay namin na may pwesto sa harapan ng kanyang bahay. Dala ni tita yung malaking bayong sa kaliwang kamay at may maliit na basket naman sa kanyang braso nya. Sinabihan na siya ng ate ko na tulog pa ako.

Pero nung oras na iyon ay inaalis ko na ang pantulog ko't para makapagpalit na ng damit. Dali-dali akong bumaba para maabutan ang tita ko.

Sinabi ko sa kanyang sandali lang at itatanong ko sa nanay ko kung may uulamin na kami para sa tanghalian.

Bumalik ako sa kanya at tinignan kung anong meron. May manok, maya-maya, atbpng isda. May mga sayote, sampalok at lansones naman sa bayong. Sinabi ng nanay ko na may lulutuin na siya para sa tanghalian. Ibig sabihin nun ay malamang na di na ako bibili. Tiningnan ko na lamang ulit ang mommy ko at sinabing bibili na ko para sa hapunan. Mayroon na rin daw.

*konting katahimikan at pakiramdaman kung bibili kami o hindi*

Sinabi ng mommy ko na kunin ko na lang yung sayote kasi ako ang mahilig magpaluto ng gulay. Sa Lunes, kagabi, ng umaga na lamang daw niya iyon lulutuin. Ganito ang naging takbo ng usapan:

Mommy (M) : Ka Upeng, magkano yun? Nho, sabihin mo isa lang bibilin mo.
Ako (A): Eh, naka-plastic na, eh.
Nana Upeng (T): Onse.. Sige. Pwede nang sampu. Pinapatungan ko na lang minsan ng piso para may tubo ako ng konti.
A: Teka lang po't kukuha ko ng pera.
M: Magkano bayad ka iyo ni Ka Ema (sa paglalako mo)?
T: Beinte.
M: Beinte lang? Eh, ang dami nyan, a. Ang laki na ng tubo nya dyan, eh. Dapat tigkalahati na kayo.
T: Minsan 25 kung naaawa sakin... Eh, ganun talaga, eh. Wala naman akong ibang pagkakakitaan.
A: Eto po (bayad), o.

Onse ang binayad ko. Binabalik na nga sakin yung piso kasi sampu na lang daw. Sabi ko kunin na nya. Tapos, nagpasalamat.

Inisip ko, sa bigat ng dala ng tita ko, P20 lang ang bayad? Inilalako pa yun, a. Ang tita ko, 70+ na. Parang di patas kung tuturingan. Eh, itinitinda lamang naman niya yung mga natirang bilihin sa pwesto nung mayari tapos beinte pesos? O, siya 25 daw pag naawa at isama mo pa yung minsang patong ng tita kong piso sa tinda. Kasya ba yun para sa buong araw na gastusin? Eh, pano kung umulan? Eh, di marihap ang benta at matumal tiyak ang bentahan. Ni mineral water nga na nasa malaking lalagyan, eh di makakabili yun, eh.

Ang tita ko na yun ay kapatid sa ina ng tatay ko. Dati siyang nagtitinda ng mga kakanin. Kasama nya sa bahay nya yung pinsan ko at yung pamangkin kong may sarili na ring pamilya. Sabi dati ng ate ko na siya na lang ang bahala sa tita ko basta siya lang ang susuportahan. Nakaasa din kasi sa kanya yung pinsan ko at pamangkin ko. Di ba dapat, eh yung mga pinapatira nya sa bahay nya ang sumagot ng pagkain nya kasi nakikitira sila? Di ba dapat hindi na nilang hinahayaang magtinda pa yung matanda?

Talagang tuwing Linggo, sinusubukan kong bumili ng uulamin dun para pantulong na lang din. Di rin naman ako kasi pwedeng magbigay din ng pera kasi ako din naman ang sumasagot sa bahay at sa pag-aaral ng mga kapatid ko.

Sa mga pagkakataong gaya nito, mas napapahalagahan ko yung saysay ng kinikita ko. Ang isang triple decker sanwich na P30 sa pantry ay katumbas na ng tatlong balot ng halu-halong gulay na pang pinakbet. Mas nakabubusog na makita na mas madaming nakakakain kaysa sa pagbunsol sa iisang sikmura lamang.

******************

Last night, I was surprised when my former teammate, Gill, Texted me. She was asking for Liza's phone number. She also aked me how I was.

Of course, I forwarded Liza's number. But the text conversation went on. I think we exchanged text messages for about five times : career, lovelife basically.

I also mentioned that I had met our former teammates Lea, Nina and Melina again. She said that we should've informed her so she'd met us also. But her third message was the one that struck me: (it went something like...)

"Ay, sayang. Sana sinabihan nyo ko ng nakasama ko.. Thanks.. Sana ganyan din ang panananaw ko.. Musta na? In luv ka pa din ba? Suot mo pa ba yung polo mo pag in luv ka? :D hikhik.. Sana nakapunta ko para natukso kita.."

When she came across my blog before, she always teases me of wearing my dark blue (not sure of the color) polo when I'm in love.

Last night, I was thinking about the polo she was referring to. And about being in love ^_^ ...

Anyway, good luck to you, Gill, and take care. And I would take your advice not to hook up the soonest possible time since it might change my aura (of a good boy). Haha! And I would day this again, it is better to stay single nowadays to have some more time on life. ;) And oh. I hope the number I sent you was correct. :teehee:

I think she had the urge to text me because she said she thought I was the one that she saw in one of the malls here in the city. Kamukha ko lang daw pala. Deim. Ang dami na naming guwapo sa lungsod.

Meeting/communicating with former teammates are the signs I was waiting for the possible 70/30 out come of my promotion application. I always think that they would be happy to see me in a position higher than what I am in now. Plus, Gill was insisting me to apply for promotion without any clue that I actually submitted my papers almost two weeks ago. Let's see. ;)


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 11:21 AM