Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Thursday, October 20, 2005

Random Thoughts XXI

Medyo masakit ang ulo ko kagabi kasi naapektuhan ako nung sa nangyari sakin. Basahin nyo na lang yung post sa baba. Nakakunot-noo lamang ako buong araw hanggang sa paguwi ko. At para mapawi nga ang aking paghihimutok, tinapos ko ang araw sa pagkain ng balut.

I have this feeling that my Christmas bonus would go down the drain easily since it's my brothers' enrolment for the second semester come November.

Sa gitna ng kawalan, habang kumakain ako ng pananghalian sa RC, naisip ko na lang na matagal na din akong di nakakakain ng ulam na may dahon ng malunggay. Di ko alam kung bakit dahon ng malunggay ang naisip ko. Mahilig talaga ko sa mga gulay at dahon-dahon na kasama sa luto. Hence, my course. Haha! Anu-ano nga bang ulam ang may dahon ng malunggay bukod sa ginisang munggo? Kakakain ko lang, nagugutom na naman ako. Buena mano na nga yung napakain ako sa kfc kasama si goldi at liza kanina, eh. Haay. Ngayon na nga lang ako mag-crave, eh yun pang dahon ng malunggay.

Hindi ako promoted. Alam ko may nakuha nang QA Analyst pero wala pang formal announcement. Ayos lang sakin kasi first time ko lang sumubok. Ngayon alam ko na ang pakiramdam na parang first job application ulit. Tsaka ayos naman ako sa mga nasagot ko sa mga tanong. Promotion?.. Next time.

Parating na ang araw na magpapalit na kami ng shift. Maski na pang-apat ako sa pagpili sa labing apat na schedules, no choice, pero pangit na sked na ang pinili ko. 7am - 4pm, Mon-Tues, rest days. Ayos sana ang 6am kaso di ko kakayanin yun. Ayos din ang 3pm kaso mawawalan na ko ng leisure time sa panonood ng tv sa gabi. Yung parehong huling sked, eh may weekend off. Haay. I religiously watch ASAP 05 every Sunday. I would miss its "Full Circle" portion. Haay... I hate going to work on Sundays but...

I just wanted to talk to you. That's it. And no. I am not interested. Sayang ba?

Nakakahinayang makakita ng mga taong mukhang may iba pang kaya pero dala ng kakulangan sa oportunidad ay minarapat na lang nilang lunukin kung anuman ang meron at sa tingin nila ay madali at kaya nila sa ngayon. Tuwing umaga, nadadaan ako sa isang malaking mall malapit dito sa opisina ko. Di nawawalan ng pila ng aplikante dun. Talagang bihis na bihis at nakapostura. Karaniwan naman siguro sa kinukuha na salesperson ay personable kaya siguro ganun. Pero minsan napapag-isip ko din na di kaya wala lang sa tamang oras at panahon ang ibang mga tao doon kaya malamang ay malagay sila sa trabahong maaaring napipilitan lang sila. Ewan ko. Pero kasi minsan kung saan ang karaniwang aplayan, eh dun nadadala ang maraming tao. Gaya ng call center. Parang di lang kasi bagay lalo na pag galing ka sa maayos na paaralan ay babagsak ka sa trabaho at posisyon na hindi ganun kaangkop sa tao. Di naman sa pangmamaliit o pagsasabi na walang matututunan sa ganon. Pero yung oportunidad, yun talaga ang habol ng karamihan. Sana lahat tayo makatapak sa lugar na gusto at pinili nating pag-usbungan.

Ang ganda-ganda ni Heart Evangelista dun sa pinakabago nyang soap commercial. Sana pag natapos ang Panday, di ka pagsawaan ni Echo, este ng tao. Heart, I crush you.

Nakakatamad mag-text. Pa-expire na yung load ko next week. Eh, parang wala naman ako ite-text na. Nag-forward na nga ako ng mga messages kahapon para mabawasan lang, eh. Ako na lang ang smart user samin kaya wala na akong pagpapasahan. Huwag kayong mag-alala. Madami namang nagte-text sakin. Sumasagot naman ako minsan. Hehe.

I hate the feeling when you know you did your best, and yes you guessed it right... you're best wasn't good enough. Sounds like an old love song, he?

Banas yung mga taong kung umasta, eh sila ang nagdidikta ng trend o style sa mundo. Yung tipong kala mo judge sila sa isang talent search at huhusgahan ang isang tao. May isang babae kasi sa PEx at itago na lang natin siya sa pangalang "baskil" (shprt for basang kilikili.. explain it later). Gumawa siya ng thread sa "Fashion and Lifestyle" forum tungkol sa mga malls daw na madaming fashion victims at isa pang thread tungkol sa fake brands/imitations. Ang dami nyang nilagay na kung anu-ano dun. Uhm, sa pagkakaalam ko ang malls ay para pagbilhan ng gamit, panooran ng sine, kainan, tambayan, palamigan at amusement. Tapos, gumawa naman siya ng thread sa "What's Up Doc?" forum na humihingi ng advice kung paano maaalis ang pamamasa ng kanan (o kaliwa) nyang kilikili. Kasi yung isa daw tuyo, yung isa basa kadalasan. Wow. Pang-guinness na kilikili yan, a. One of a kind. Siguro mas makabubuti na pagtuunan muna ng taong ito ang isa, o sabihin na nating parehas na lamang para fair, nyang armpit bago siya tumingin sa ibang tao na sa paningin nya, eh hindi ayos pumorma. Tsk. Tsk. May pambili ka ng pamorma tas tawas lang wala. Baka mamaya orig nga ang damit mo pero ang antiperspirant mo naman ang peke. Di nagkakalayo ang baskil sa anghit. Tsk. Tsk. Kilikili muna, hindi porma ng iba. Uy, rhyming. Pedeng slogan nya to, a.

Yung mag-nanay na natitinda ng ulam at kanin sa likod ng Glorietta, sa may Goldcrest at sa may tapat ng Giligan's, eh ang gandang pagmasdan. Nadadaanan ko sila tuwing umaga dun. Tapos tulong silang nag-aasikaso sa mga bumibili. Ang ganda lang nung set up. May istorya. May aral.

Bamboo's latest single, "F U", sounds the same as their first one, "Hallelujiah". Hmm. Parehong kanta galing sa isang banda naman, eh. Gusto ko naman yung version nila ng "Waiting In Vain" kaya ok na. :p


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 2:44 PM