Hmpf!
Tsk. Panira ng araw.
Ako'y walang muwang na tinarayan ng isa sa mga manong dito sa office. Ganito yun... Nag-CR ako. Syempre naghigas ako ng kamay. Pag basa ang kamay mo, eh di kukuha ka ng tissue o kaya itatapat mo sa hand dryer. Eh, kumuha na lamang ako ng tissue. Paglabas ko ng pinto nung CR, andun yung manong sa pintong kasunod ng CR, yung pinto na may picture na for disabled. Tapos, ang sama ng tingin at biglang nag-comment ng, "Sinisira yung ano, o..." Sumegunda naman yung manang na nasa loob din ng kwartong yun ng, "Di ba may ano naman yun... ("Please be gentle with me" tag)" Lumingon lang ako sandali para tignan kung sino ba yung pinagsasabihan. Pero sinusundan pa din ako ng tingin ng manong. Siyempre binalewala ko na lang kasi alam ko wala naman akong ginawang mali.
Pag-upo ko dito naisip ko na siguro ang tinutukoy nya, eh yung tissue dispenser. Eh, sa pagkakaalam ko, di ko naman binigatan ang paghila para makakuha ng tissue. Kasi dahan-dahan man o hindi may tunog talagang nakakairita yung kuhanan ng tissue dito. Lalo pa't pag paubos na yung tissue sa lalagyan, mas malakas ang ingay.
Dito na lang sa station ko nagpagtinging ang tenga ko sa inis dun sa 2 caretaker ng CR. Eh, kung ugali ko talaga yung sumagot pabalang, eh sasabihan ko siya na subukan nyang kumuha ng tissue at tignan natin kung di tutunog ang lalagyan. Di ko lang talaga ugali na pahabain pa ang usapan o makipagtalo. Pero nabanas din ako nung pag-upo ko dito. Porke ba di ka kumikibo, eh gaganyanin ka na lang? Sabi ko nga sa teammate ko, eh na ako ang maglilinis ng CR pag nakakuha siya ng tissue ng walang ingay. Sinabihan pa ko na sinisira ko yung dispenser, eh unang araw pa nga lang ng paglipat sa office nasira na yung dispenser na yun dahil ang hirap gamitin. Patawa talaga yung manong. Lahat ng hinahawakan ko lalo na't hindi akin, eh iniingatan ko.
At tsaka nga pala, eto yung manong na nakikipagharutan sa isa pang manong at isang manang kahapon sa CR. Kasi para silang nagbibiruan habang andun ako sa loob ng CR. Yung babae, eh siya lang na nagbukas ng pinto at nakatingin sa loob. Aba'y kung matapang lang siguro ko, eh nasabihan ko sila na hindi playground ang CR para gawin nilang laruan.
Banas talaga yung ganyang tao. Sa araw-araw ba naman ng paggamit ko ng CR, eh dapat matagal nang sira yung tissue dispenser kung sinabihan nya ko na sinisira ko yun.
Yung mga ibang manong at manang dito, eh feeling masyado. Sus. Gawin nyo nga ng maigi din ang trabaho nyo hindi yung kadalasan, eh sinasakop nyo na ng ingay nyo ang buong pantry (off topic na pero isasama ko na din sa rant ko.) Yung manong din na nagsabi sakin ng ganyan ay yung maingay mag-ayos ng silya habang naka-vaccuum cleaner. Etong headset ko, baka mamaya nalapit siya sa akin eh isukbit ko na lang sa kanya't siya pasagutin ko ng call ko.
Tsk. Tsk. Bibigyan ko yan ng chance pero pag naulit, ire-report ko na yan.
posted by Arn at 12:14 PM
|
<< Home