Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Tuesday, October 18, 2005

P10.00 vs Nagaraya

Kada araw ng Linggo ko itinatapat ang aking pamimili sa grocery store. Lumipat na nga ako ng binibilhan. Dati ay sa may crossing sa bayan samin. Ngayon ay lumipat na ko sa shop na mas malaki at mas kumpleto.

Paglabas ko sa kalsada, eh nakita ko na naman yung kaibigan ko. Biruin mo, a. Di na nga ako lumingon. Tinawag ako. Akala ko naman mambabati lang. Eh, binungaran ba naman ako ng pahiram ng sampung piso. Tsk. Ano ko, ulol? Eh, ito yung humiram ng pera ng barkada pero di naman binalik. Eto din yung humiram ng bracelet at jersey ko na di na naisipang isauli. Tsk. Ugali, oo. Asal. Bale tumingin lang ako at sumenyas ako na wala. Putcha. Ibang klase talaga ang apog ng ibang tao ngayon.

Direcho na ko sa sakayan ng jeep. Hanggang ngayon, di ko pa din alam kung magkano talaga ang singil sa pamasahe mula samin hanggang sa tindahan. Minsan kasi higit sa minimum. Kaya ang pinpara kong jeep ay yung konti lamang ang sakay para makapagtanong sa driver kung magkano ang bayad hanggang doon sa pupuntahan ko. Siningil lang nya ko ng P7.50. Nung isang linggo, tanda ko na P10.00 ang kinuha sakin.

Pasok na ko sa grocery store at kuha ng basket. Hindi ko pa ata naranasang kumuha ng push cart. Di naman kasi madami ang binibili ko. Karaniwang P300 lang ang budget ko. Pero ngayon ay halos P500 na kada linggo.

Malamig sa grocery store. Maluwag at malaki. Isa sa mga gusto kong ginagawa ang paglibot at pagtingin sa bawat section doon. Ang sarap kasi sa pakiramdam na ngayon ay kaya ko nang mag-provide ng kailangan sa bahay. Konti at limitado lamang pero kaya ko pa din.

Kulang P500 daan ang nagastos ko. At 2 plastic bag lang ang bitbit ko pauwi. Ang mahal na ng bilihin. Yung dating malaking pack ng kape at P59 lang, ngayon ay P62.50 na. Asukal ay nasa P30 per kilo, powdered juice ay nasa P18.50-P20 kada pack na makakagawa ng 2L at depende sa brand. Rubber gloves nga lang, eh P40.50 na yung pinakamura. Haay, palala na talaga ang ekonomiya. Kung ganito, eh bakit palakihan ang sachet ng mga shampoo at conditioner? Ano yun? Tinitipid nila ang sangkap ng produkto nila para mapadami ang laman ng produkto tapos ay papalabasin sa publiko na mas makakatipid kung sila ang tatangkilikin? Nagmura na kaya ang raw materials na panggawa ng shampoo kaya't 30% more na ang laman ng sachet nila? ba't kaya di nila magawa sa kape o toothpaste o dish washing powder/liquid yan. Ang mga de late may ilang % o grams free din. Pero higit P24 din ang sasapat para maitawid gutom lang ang isang pamilya. Ba't kaya mas mahal ang chunky corned beef sa regular na corned beef? Bakit kaya may libreng naka-pack na toyo sa isang malaking bote ng suka? Bakit kaya mas mura yung isang gatas na nakalata kumpara dun sa pareho lang nitong brand at sukat? Dahil ba pa-expire na ito?

Nung araw na yun nga, eh naguluhan pa ko kung evaporated o condensed milk ba ang inilalagay sa mais con hielo. Isip ako ng isip kung yung condensed ba, eh yung malapot at matamis o malabnaw na gatas. Buti na lang at di ko itinuloy na bilhin. Nasa basket ko na yung mais na nasa lata at yung condensed milk. may libre kasing bottle opener yung canned mais kaya naisipan ko ding bilhin. Di ba ganyan naman halos lahat ng nag-go-grocery. Humahanap ng bargain o may deal na produkto. Naisip ko na next week na lang kasi luluwas na yung isa kong kapatid kaya di rin siya makakakain nun kung gagawa pa ko.

Nasubukan ko na ding gumawa ng over-toasted na pizza. di pa umabot sa p100 ang nagastos ko. Sa isang pack ay may 6 na crusts. P14 lang ang maliit na pizza sauce. P12 lang ata yung maliit na luncheon meat. Tirang cheese lang yung isinama ko at di ko na din nilagyan ng chili. Ilagay lang sa over at yun na. Lasa pang pizza ng Greenwich.

Nagkuli din ako kung bibili ako ng powder na inagamit sa pearl shake. Yelo at blender lang din ang katapat nun, solb na sa merienda. P24.00 pero pack. Siguro good for 3-4 glasses na yun.

Tuwing bumibili din ako ng grocery, eh dinadamay ko na ng biskwit o nagaraya ang pamangkin ko. P9.50 lang naman yung isang balot nun kaya ok lang. Sinobrahan ko na nga din ang bili para may madala din sa boarding house yung mga kapatid ko.

Tamo, a. Kung binigyan ko ng P10 yung kaibigan ko, eh di nawalan ng nagaraya yung pamangkin ko. May mga kaibigan at kapitbahay kaming ganyan. Yung manghihiram sayo pero di naman ibabalik. Yung pagkautang sayo, eh di na kilala kinabukasan. Kala mo may pinatago pa sayong pera kung humingi. Putek. Kung natural ko lang yung mambara at mangaral, inumpisahan ko na sila. Kesa magpahiram ako sa kanila, eh ibibigay ko na lang sa pamilya ko. Talaga namang wala akong masabi sa mga taong makasarili at abusado. Haay.

Ang dami na talagang liability ng Pinas.

******************

Alam ko medyo mabigat yung post ko, kaya click nyo na lang ito ---> Want some action? uuy hihi




hahahahaha ahahahaha


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 3:19 PM