Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Tuesday, May 10, 2005

Ang Butas... bow!

This day falls to be the seventh year of my ear piercing. Yep. Pitong taon at meron pa rin syang butas.

So, what's with the piercing?

Planado po ang lahat. Pero nagdalawang isip din ako nun. Umaga nang magpunta ako sa SM North EDSA isang araw bago ang 1998 Presidential Elections. 1998? Ibig sabihin kaka-graduate ko lang po sa high school nun. Inisip ko din na wag na ituloy kasi pihadong papagalitan ako. Pero sabi ko sa sarili ko na maisipan ko man na alisin na, eh magsasara din naman yun ng kusa kaya tinuloy ko na din.

Kaliwa't kanan pa nga yung pinabaril ko, eh. Bale P100 lang ata nun ang bayad kasama na yung hikaw. Pinaharap muna ko sa salamin at pinatuldukan ng color pen kung saan itatapat yung pambutas. At sa isang iglap, ako'y jeproks na. Haha!

Yung gabi ng araw na yun ay sinubukan kong tanggalin yung hikaw sa kanan. Ayun, natanggal pero di ko na naibalik kasi na-shoot sa may kanal yung hikaw. Di ko na nakuha. Kaya hinayaan ko na lang na gumaling yung sugat.

Akala ko nga nun na di mapapansin ng nanay ko ang ginawa ko. Pero nakita pa din pala nung natutulog ako. Ilang araw ako kinulit na alisin ko daw. Araw-araw na sinasabihan akong tanggalin yun. Di daw bagay. Di raw mukhang presentable. Pero syempre sa katigasan ng ulo ko, eh di ko pa din inalis. Hehe!

Ayan ang istorya kung pa'no ko nagkaron ng hikaw sa kaliwang tainga. At ngayon ay sasagutin ko naman yung tanong ko na, "What's with the piercing?"

Hmm, ano nga ba?

Kasi ako naman, eh trip ko i-try maski isang beses lang ang lahat ng bagay sa mundo. I-rephrase natin. Gusto kong subukan maski isang beses ang lahat ng bagay na maaaring ibigay sakin ng mundo basta ba di makakasama sa akin. O, klaro?

Para sakin, walang masama sa piercing. Maski pa sa tenga, sa ilong, sa dila, sa kilay, sa pusod, sa utong, sa *tooot* pa yan, walang masama dun. Walang batas na nagbabawal. Lipunan lang ang humuhusga sa may mga piercing. Kaya kung kaya mong panindigan at sa tingin mo, eh may idadagdag 'to sa personalidad mo, suportahan ta ka.

Wala din 'to sa image sa aking palagay. Kasi ako, eh mala-anghel ang dating ko pero may butas ang tenga ko. Feeling, ah! Haha! Pwera biro. Para ngang di bagay sa simula, pero pag nasanay din, eh normal na lang. Ganun naman parati. Nakakapanibago pag kakasimula pa lang. Balik tayo sa imahe, ah. Sabi ko nga, wala naman halos ito dun kung gugustuhin. May rocker o rapper o singer naman na walang hikaw o maski pa tattoo. Di ba ang ideya natin ng isang rocker ay may hikaw, pintado ang katawan atbp? Wala sa image. Nasa attitude yan.

Ang piercing ay hindi simbulo ng pagrerebelde. Pero ako kasi isa sa mga dahilan ko nun ay pa-college na kasi ako. Kaya naisip ko na gumawa ng bago. Sobrang higpit kasi nun sa high school ko. Kaya parang, "O, ano? May hikaw na ko ngayon. Bleh!" ang dating. Pero mali pala na ganun lang ang dahilan. Mas maganda pala na gumawa ng isang bagay na maganda din dahilan.

Depende din sa purpose kung bakit gusto ng isang tao magpa-pierce. Yung iba para astig, pang-japorms, para magmukhang siga, o sa mga babae na para magmukhang bitchy o total bitch talaga. Ginawa ko yun kasi nga gusto kong subukan kung ano pakiramdam ng may ganun. Sinabi ko nga na pede ko namang pagsaraduhin pag ayaw ko na. At tsaka sa tenga lang yun. Di ko inambisyon na magmukhang siga. Di din ako nagpakita ng rebellion. Kasi pag ganyan ang rason o gusto kong ihatid, ako din ang maiinis sa bandang huli.

O, teka. Mahaba-haba na yung mga nakasulat. Nakaka-bore na masyado. Eto muna ang litrato ng aking kaliwang tainga suot ang ang hikaw na bigay ng aking kapatid. Ilang beses din kasi ako nakawala ng hikaw. Kundi man nawala, eh na-arbor.

pierce2

pierce1

Naisip ko din nun na gusto kong i-impress ang iba kong barkada. Gusto kong ipakita na kaya ko din ang mga ginagawa nila. Karaniwan kasi, eh naiisip ko na mas astig sila sakin. Di naman sa ayaw kong magpatalo o kung anuman. Gusto ko ipakita noon na di lang ako "all good." Pero mali pala yun. Dapat kung may gagawin ako, eh alam ko na gusto ko. Hindi yung ginawa ko para lang may patunayan sa iba kasi parang sila ang magiging dahilan ng bagay na yun at di ako. Parang sa kanila magiging dedicated ang nangyari at di para sakin. Yung isa ko ngang barkada, eh nung nakita na nagpabutas ako ng tenga, aba'y nagbutas din. Pero di sa tenga.. sa ilalim ng labi. Talaga namang napagalitan siya ng nanay at ate nya.

Mas na-appreciate ko nung college yung paglalagay ko ng hikaw. Kasi more on expression of oneself na, di na para makapag-impress lang. Nung college kasi na-develop yung artistic side (kung meron man) ko. Iba't ibang ka-weirdo-han ang sinubuhan ko nun pero ibang istorya na yun. Mas may sense of individuality na ko nun. Alam mo ba yung kaibahan ng nagsusuot ka ng signature clothes para lang maka-impress o mapagkamalan kang can afford at yung isusuot mo kahit anong gusto mo maski pa isang dekada na ang tanda nung damit pagkamalan ka man na kahit ano? Parang ganun.

Andun din yung sense na I'm in control. I'm now responsible for my own body, kumbaga. Di ba iba ang pakiramdam nun?

Hmm, wala na naman ako sigurong nalimutan tungkol sa gusto kong ipunto no?

Eto na lang. Bilang pang huling salita. Ang piercing mainman sa katawan. Parang gatas. Joke.

Basta happy 7th birthday to my left ear piercing!


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 1:25 AM