Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Tuesday, December 14, 2004

Roll camera... action!

October 1981 - The world will never be the same since I was born. Kapal talaga ng apog ko, oo. No joke. Kahit papaano naman siguro, e nakapagpangiti, nakapagpatawa, nakapag-trip, nakapambwisit, o kahit ano pa ginawa ko sa isang tao 'no. Tao din naman ako.

This would be a rundown of my what-have-beens in my twenty three years of existence on earth --- my so called home. Of course, not everything will be here. Probably,this is justa teaser, or a spoiler, an ad, a love story, or my very own version of kama sutra (where the hell did that come from?) .. anything goes.

Who could forget the 80's? I mean, this was the year that I was brought to life. I could still remeber my first school. It's a Day Care Center of DSSD (I think this was changed to DSWD now). Naaalala ko na isang beses hinatid ako ng tita ko, e sa kakulitan, nalusot ako dun sa daanan palabas sa kalsada. Eh, pusali pa naman yun kaya burak mismo yung nasa binti, medyas at sapatos ko. No choice kundi umuwi at mag-tsinelas na lang papasok.

Day Care days nung na-first honor ako. Astig 'no? Syempre pag first honor ka, e ikaw ang bida sa graduation. May dance number pa ko nun. Sumayaw ako sa saliw ng "Arico Mambo" with matching four backup dancers. Naka-trouvenice (ganito ba spelling nun? Basta white long sleeve yun), black pants at black shoes. May botay (butterfly) at sampaguita pa ko nun. Kaso habang sumasayaw ako nawawala ako sa puwesto ko. Lagi akong pausad ng pausad, yung tipong malalaglag na ko ng stage. Kaya si Mrs. Dizon, teacher ko nun, e panay ang buhta sakin tas ibabalik ako sa gitna. Nangingiti na lang ako pag naaalala ko yun. Sabi nga din pala ng mommy ko e nung first day ng school, pagkatapos daw sabihin sa klase namin ng, "Please sit down." ng teacher, e bigla ko na lang daw kinuha yung papel ko tas nagsulat na ko ng nagsulat ng pangalan ko kahit wala pang sinasabing activity o instruction.

Eighties din nung sabi ng mommy ko na sobrang paborito ko raw yung puso ng saging. eto din yung year na asik ako sa Voltes V, Tiger Sharks at Karate Cat.

Grade 1 ako ning sa IAM (Immaculata Academy of Malolos) ako nag-enrol. Kaso mid-June pa lang yata e nilipat na ko sa OLFA (Our Lady of Fatima Academy), school na malapit sa bahay ng lola ko. Natakot kasi ko sa teacher naming madre, si Sis. Pacita. Sa pila papasok sa room talagang nagpapaiwan ako sa labas. Nalibot ko na lahat ng sections. Nung huling araw na umiiyak ako sa school e nakuha na kong iuwi ng daddy ko tas sa labas pa lang ng bahay namin, hinila na nya yung polo ko. Nagkatanggal yung mga butones. Tapos, sinilid ako sa sako at dun ako pinagpapalo. Inantok na din ako kakaiyak hanggang sa makatulog na ko ng walang damit. Kaya ayun. Nilipat ako sa OLFA. Dun ako nakatira sa lola ko pag school days. Sgt-at-arms ako sa klase. Si Xavier at si Godo ang mga best friends ko nun e. Nung unang beses ako iwan sa mang-lola ko e talagang nagwawala ako. Nakasampa ko sa gate ng lola ko tas humahabol ako sa daddy ko. Tuwing Biyernes ako sinusundo ng mommy ko. Sabi nila, pagkagaling ko daw ng school tas Friday, nagbibihis daw ako agad. Tapos, dumidiretso daw ako sa terrace para hintayin yung susundo sakin. Nanghahaba nga daw leeg ko dun kakadungaw kung yung sundo ko na ba ang bababa sa tricycle. Linggo naman ng hapon ako sinusundo sa bahay namin. Ayun, umiiyak pa din ako tapos kumakapit ako sa hagdanan namin kasi ayokong sumama sa Bocaue, sa bahay ng lola ko. Grade 2, sa HSAM (Holy Spirit Academy of Malolos, formerly IAM) ako nag-school. Madalas kong kainin dito yung Aparon,e. Yung gawa sa pinagtabasan ng ostia tas may caramel. Tas yung cotton candy, mangga na nakalagay sa malaking garapon tas iba-iba hiwa.

Hmm... ano naman kaya sa 90's? Siguro, it was self-discovery for me. I learned alot of things about my personality, my likes, my dislikes and also about others.

Dito ko nagsimulang naging sobrang mahiyain. Grade 3 yun. Di pa kasi tapos yung last class ko e lumabas kami ng kaibigan ko para magbenta ng ticket. Malapit na kasi Acaddemy Day at shoot-that-ball ang ticket ng Grade 3. Kaya napagalitan kami ng adviser namin tas pinatawag parents namin. Actually, madami kami nun. Di ko nga sinabi sa daddy ko na ganun. Kaya walang nagpunta. Di ko nga matandaan kung pano ko nakalusot.

Grade 4 ako nagka-bulutong. Taon din 'to nung nanonood ako ng Ewoks, Bioman, Voltron, Inhumanoids, Visionaries, Maskman, Shaider, Machine Man, Care Bears, Candy Candy, Pinoy Thriller, Regal Shocker, Ora Engkantada, Doogie Hauser, M.D., atbp.

Tuwing Pasko, may exchange gift kami ng mga barkada ko sa halagang limang piso. Kaya kundi Tootsie Rool ang matatanggap mo, e dalawang malaking Corn Bits ang makukuha mo. Naglalaro din kami ng table tennis at voilleyball nun. Taguan, habulan, abutan sa puno ng manggan bakal-moro. Nagba-bike, saranggola at namimingwit din kami.

Dito ko natutong tumambay. Biruin mo, mula 8am hanggang madaling araw yun. Palakpak lang senyasan namin tas lalabas na kami sa bahay namin. Dito rin ako unang nakakita ng halaman at processed marijuana. Uma-attend ako ng parties maski sa kabilang barrio. Yung party na karamihan e jologs (na gaya ko) ang nandun. Tapos, trouble na pagkatapos. Di ko nga alam kung ba't di ako nabubugbog,e. Siguro mukha lang talaga akong good boy. Hehe. Napa-blotter na nga kami sa baranggay hall. Kasi pagdating namin, tapos na yung trobol. Tiradulan. Batuhan. Nahuli pala yung isa naming barkada kasi nakatirador ng estante. Damay lahat.Lagi nga rin pala kaming nagka-carolling, stroll gamit ang owner-type jeep. Swimming din lagi, talo o panalo sa basketball championship. Di ako player pero may unifrom ako. Support lang kumbaga.

Sa ICSB (Immaculate Conception School for Boys) ako nag-high school. First year high school ako nun nung nagsimula na kong ma-conscious sa itusra ko. Kaya nakuha ko pang magpabili ng Block&White cream para sa mukha kasi umitim na ko kakatambay. Akala ko pa naman na kaputian ang idudulot sakin nun. Kaso tigyawat pala. Naging oily mukha ko. Tas yung buhok ko e naging "keempee" ang hati from my "Andres Bonifacio" hairdo. Dito din ako unang lumabas sa play competition. Kahit maliit lang role ko, masaya ko kasi 2nd place kami nun. Favorite recess ko nun e gotlog (goto na may itlog). Dito ko nahasa sa volleyball. Kundi 2nd e 3rd out of 8 teams ang mga naging teams ko pag-intrams. Mind you, babad ako sa court.

Here comes millennium... 2000 onwards. Nasa UST na ko neto. Ito yung year na sobrang bonded at na0develop yung barkada ko sa school. Lumaki pa lalo. Dito din yung sumali kami sa dance contest pero talo kami. Baduy talaga ng costume namin nun.

Seryoso na medyo laidback ako nun. Ako kasi yung panggulo sa barkada ko. Lahit din kais sila e tahimik. Di ko din makakalimutan yung baha. Ilang beses ako lumusong,a . Lalo na nung nag-audition ako sa dance troupe. 4:30pm e tapos na ko tas lumakas yung ulan. Lumusong na talaga ko. Nakatapak ako mula school hanggang Central Market. Tas sa fx terminal kami nagkita-kita ng kapatid, barkada at dormmate ko. Lakad kami ng lakad hanggang may fx na. 1am na din ata kami nakauwi nun. Naaalala ko din nung nag-cut kami ni Kookai ng last class. Dahilan namin e lakas ng ulan baka kami ma-stranded. Pero nag-internet lang kami sa library nun. Tas umuulan pa rin pagkatapos naming mag-net. Sumugod na kami kasi may payong ako. Medyo halfway na kami palabas ng campus ng biglang bumaligtad yung payong ko tas naputol. Nabasa kami. Yung mga taong nakasilong sa library e sumigaw ng "Wooh.yes!" at pumapalakpak pa. Tawa lang kami ng tawa.

Mahilig din kami magpa-xerox sa Asturias. Bili dun ng siomai. Kain ng footlong pagkatapos ng lab subject. Madalas meeting place namin lagi e sa harap ng main bldg, BG o high school.

I've conquered Mt. Makiling and Mt. Sto. Tomas na nga rin pala. Basta masaya yung field trips at field collections.

Mahilig yung barkada namin sa outing lalo na pag sembreak o summer --- sa Batangas, Quezon, Pampanga. Saya. Iba. "Natural high," ika nga nila.

My first work was with Pascual Laboratories. I was under an agency so contractual worker ako nun. Masaya pero I knew from the start that wasn't for me. Bago ko makalimutan, muntik na ko maloko ng isang marketing/networking firm. May connection sa water purifiers. Na-realize ko lang nung seminar e para lang akong tanga. Di ko nagustuhan. Sabi pa nila formal attire daw tas ako lang ang naka-long sleeve at neck tie. Sa sama ng loob ko, nagpunta ko ng Quiapo fro Pampanga. Too bad, I already shed some amount. First step kasi e either sell or buy thier product. Buti na lang e di nila napakinabangan ang aking angking talino na hinubog ng panahon. Bleh! Haha.

Twice ako na-interview for med rep. Nakapasa naman ako sa initial at exam. Kaso natira ko sa sagot ko na, "I'm planning to go back to school." Pero ang sarap ng pakiramdam na naka-long sleeve ka, kurbata, biniton mo sapatos mo tas may gel ang buhok mo. Naks! Kaguwapong bata. Hehe.

Right now, I'm still with PS. A few more hours then, it will be my batch's first year anniversary. Cheers. Met a lot of people and friends from the company, from PEx, friendster, ym. Really overwhelming and at the same time, humbling.

I'm 23. It's the last quarter of 2004. I still want to double my age and start a family. Get all that I want and need. I know I can't have everything. Nangangarap lang po. Where's the sugar coating in this post? Well, it's you. I'm willing to share my life with you... get to know you... stay as close. Oh, well. You're sweeter than the word sweet.

I feel that life is a big movie. So many characters, sequences, settings, morals. We just don't know what will happen next when we rest our eyes. Each eye is like a camera which captures every moment that we do or do not like to see. So, if you're watching me, enjoy... and happy viewing!

By the way, compared to movies, no tickets needed for me. I'm for free.


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 11:58 AM